Chapter 22

137 6 0
                                    

Chapter 22

Bzzt~ Bzzt~

ANO ba naman?! Tsh, 'yong tipong nakasilent na nga 'yong phone ko pero nakakapangdistorbo pa rin. Ang lakas pa rin ng ingay ng pagva-vibrate nito sa bed side table ko! Nakakainis, bakit ayaw pa rin tumigil sa kaka-contact sa akin ng kung sino mang taong 'yan! Hindi na nga sinasagot, eh.

"Ano ba...?" Tila nahahapong sagot ko na sa tawag.

(Hayy, bakit ang tagal mo na namang sagutin? Kanina pa kita kino-contact, ah?!) Bungad sa akin nito, na si Icee na naman pala.

"Pwede ba, Icee? Wag muna ulit ngayon? Hindi ako makakaalis ng bahay ngayon, masama ang pakiramdam ko, eh. And please, let me take a rest for today!" Medyo naiinis na sabi ko na sa kanya.

Yes, I'm not feeling well right now. Actually, kagabi pa. Maybe, dahil 'to sa pagod ko kahapon. Pero sabi ko nga, pahinga lang ang kailangan ko. Lilipas din naman 'to, eh. Sa loob ng maraming taon, hindi lang naman ito ang pagkakataon na sumama ang pakiramdam ko 'no? Sanay na ko at alam ko na kung paano lilipas ito sa akin. Kabisado ko na ang sarili ko, sa maraming taon ba naman na namumuhay akong mag-isa, hindi pa ba ko masasanay? Alam kong magiging okay lang ako without the help of anybody.

(Ah, okay. Eh di sige, dito ko na lang sasabihin. Gusto ko lang naman ipaalam sa'yo na one of these days, magkakaroon kayo ni Jessica ng mini presscon about d'on sa pagco-cover niyo sa magazine company nina Mr. Dela Vega. And, 'yon lang naman.) She said. Ano raw?!

Sa pagkainis ko, naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko. "So, 'yon lang ang kailangan mo? Ang dahilan ng paulit-ulit na pag-dial mo sa akin?! Gosh, sana itinext mo lang, di ba? Kaysa sa inistorbo mo pa ko sa pagtawag mo!" Inis na sita ko sa kanya. Aish! 'Tong babae talaga na 'to, eh!

I heard her chuckle over the phone. (Okay, okay. Relax! Alam mo? Kahit sinasabi mo na masama ang pakiramdam mo ngayon, feeling ko, parang hindi naman? Dahil nakukuha mo pa rin na magsungit!) Then, she chuckled again. (Oh well, get well soon. At oo na, sorry na sa pandidistorbo, ha? Ang alam ko lang kasi is ang gusto mo, dapat lagi kang updated sa mga schedules and events mo. Okay, bye!) Then after she said those words, na inasar-asar lang naman ako, kaagad na niya akong binabaan ng phone. Oh di ba? Ang great ng MANAGER ko. Tsh.

Para sure na wala nang makakapangdistorbo sa akin, I turned my phone off. Then, ibinalik ko na ito sa ibabaw ng bed side table ko. Hinatak ko na ulit pataas ang kumot ko para mas itaklob sa sarili ko. Alam mo na ang taas na ng sikat ng araw sa labas, pero heto ako, namamaluktot pa rin sa ilalim ng kumot dahil nilalamig ako, ang bigat-bigat na rin ng pakiramdam at ulo ko. Hayy.

Pero, I know, taking more rest is  all I need right now just to feel better. Kaya bumalik na nga kaagad ako sa pagtulog.

——

KRISTOFF

8:45 AM

NAPAKAMOT na lang ako sa batok ko nang makita ko ang oras. Tanghali na, tinanghali ako ng gising ngayon!

Aish! Kasalanan 'to ni Troy, eh. Kung hindi niya ako isinama sa lugar nina Elise kahapon para um-attend sa birthday ng Tatay nito, hindi mapapasarap ang tulog ko at hindi ako mapapagod. Madaling araw na kasi kami nakauwi at dahil may kalayuan ang lugar na 'yon, napagod pa ko sa pagda-drive. Plus, ang dami ko ring inasikaso sa company ng mga Lopez kahapon at hindi man lang ako hinayaan ng loko kong kaibigan na makapagpahinga man lang kahit saglit dahil hinila na niya ako paalis kaagad kahapon. Pero, okay na rin naman, dahil masaya naman kasama ang mga kamag-anak ni Elise at nag-enjoy rin naman kami sa lugar na 'yon.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon