Chapter 70
KINAUMAGAHAN ay nagpunta naman ang ilang mga pulis dito sa ospital para magbigay ng information about sa nangyari sa aksidente, kung ano ba ang posibleng nakita nilang mali at dahilan ng pagkakaaksidente ni Kristoff kahapon.
Actually, dahil gising na nga si Kristoff, nagkwento na rin siya sa amin ng dahilan ng pagkakaaksidente niya. Sabi niya, may isang batang palaboy na biglaan na lang tumawid sa kalsada, nang tapakan naman daw niya ang preno ay nagulat na lang siya dahil hindi kumakagat ito. Kaya no choice na raw siya kundi ang sadyaing iliko at iwasan na lang 'yong batang masasagasaan na sana niya, pero pagliko naman niya ng sasakyan ay isang malaking barrier naman sa highway ang hindi niya inaakala ang bubungad sa kaniya. At huli na raw ang lahat, hindi na niya napigil pa ang pagbunggo ng sasakyan doon.
"Sinadya ang pagsira sa preno ng kotse ng asawa ko?" Kunot-noong react niya sa sinabi ng isang pulis na kausap namin ngayon. "Pero... sino ang posibleng gagawa n'on?"
"Oo, ganoon na nga, Mr. Suarez. Chin-eck na kasi namim ang CCTV footage doon sa kompanya ng mga Lopez n'ong mga oras na kadarating lang ni Mrs. Suarez doon, sinamahan kami ni Mr. Leonard Lopez sa pag-check n'on. At nakita nga namin na may isang tao na balot na balot ang gumawa n'on, mukhang sanay na sanay na ito sa paggawa ng bagay na 'yon." Napatingin naman sa akin 'yong pulis. "Malamang, Mrs. Suarez, kayo ang puntirya ng suspek dahil nga sa sasakyan niyo 'yon ginawa. Pero dahil nga si Mr. Suarez ang gumamit that time ng sasakyan niyo, siya ang nabiktima nito. Matanong ko lang, Mrs. Suarez? May tao po ba kayong nakaalitan o nakaaway? Dahil baka siya ang posibleng gumawa nito." Ani nito sa akin.
Nangunot na rin naman ang noo ko at napaisip matapos sabihin sa akin 'yon n'ong pulis. "Nakaaway? Wala naman akong natatandaan na nakaaway ko." Naguguluhang sagot ko naman dito. Si Jessica muntik na siguro kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil sa panghahalik niya kay Kristoff noo! At kahit alam ko namang mataray ako at paminsan ay masama ang ugali, never naman akong nagsimula ng away sa kung sino at hindi rin naman ako war freak 'no!
"O, baka naman taong may inggit sa inyo ang posibleng gumawa n'on, Ma'am. Sigurado naman po na sa field ng propesyon niyo, maraming may inggit sa inyo hanggang sa maisipan na nga lang nilang gawin 'yon." Dagdag pa nito.
"Taong may inggit sa akin? Oo, aware ako na meron ngang mga tao na may inggit sa akin. Pero sa dami nila, hindi ko naman kayang alamin kung sino sa kanila ang posibleng gumawa n'on sa akin. Ano 'yon? Dahil lang sa inggit, tinangka niya kaagad akong patayin?" Naiinis nang sabi ko rito. Grabe lang! Sa tinagal-tagal ko na sa pagiging supermodel, ngayon ko lang na-encounter ang ganito, ang may magtangka sa buhay ko.
Bigla tuloy nabagabag ang isip ko dahil doon, kinabahan din ako para sa sarili ko. Ako ang posibleng puntirya ng taong gumawa n'on at nadamay lang si Kristoff. Pero parang sobra naman 'yon! Dahil lang sa inggit, buhay ko ang pagtatangkaan nila?
Mula sa malalim na pag-iisip ay muli naman akong napabalik sa huwisyo ko nang biglang hawakan ulit ni Kristoff ang kamay ko sa tabi niya, kaya napatingin na ulit ako sa kaniya dahil doon. He squeezed my hand, then he gave me an encouraging smile. Bahagya naman akong napabuntong hininga at tipid ko na lang din siyang nginitian.
——
"SA TINGIN ko, kailangan mo nang kumain, loves. Para mabilis na bumalik ang lakas mo at para makauwi na rin tayo." I-suggest to him nang makaalis na ang mga pulis. Hindi naman na kasi nagtagal pa ang mga ito rito, 'yon lang naman talaga ang sadya nila sa amin.
"Hayaan mo, Hija, paparating na 'yong mga maids namin na pinaghanda ko ng makakain natin dito." Wika naman ni Mama mula sa likuran. Nilingon ko naman ito at tinanguan na lang. Sila nina Papa at Krisha ang nandoon, nang mag-umaga kasi ay umalis na rin ng sabay sina Kuya at Icee dahil may kaniya-kaniya rin naman silang trabaho, saka naman dumating si Krisha pag-alis ng mga ito. Excited pa nga na yumakap ito sa Kuya niya ng makita nito na gising na siya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...