Chapter 72
"NAG-LUTO ka na ba ng breakfast, loves?" 'Yon agad ang bungad na tanong ko kay Kristoff nang magmulat ako ng mga mata when he woke me up by his kisses.
Nginitian niya ako ng matamis. "Yes, may breakfast na, loves. Pero hindi ako ang nagluto." He said.
I frowned. "What? Bakit hindi ikaw? Sino pala ang nagluto?" Nagtatampong react ko kaagad sa kaniya saka ako napanguso.
Pero hindi naman naalis ang ngiti niya kahit alam naman niya na umuungot na naman ako sa kaniya. Alam naman niya kasi na gusto ko na siya lang ang magluluto sa akin. "Kasi may ibang tao na gusto kang ipagluto ngayon." He held my hand, then inalalayan na niya akong bumaba sa kama.
Hindi ko naman mai-alis ang pagkakatitig ko sa kaniya, napapaisip ako sa mga taong binabanggit niya na gusto raw akong ipagluto. Sino naman kaya ang mga 'yon? Kaya hinayaan ko na lang siya na igiya ako palabas ng kwarto namin.
Hindi pa man din kami nakakapasok sa dining room ay agad ko nang napansin na may nagluluto nga roon. Todo silip na agad ako roon, bigla tuloy akong na-excite kung sino nga ba sila.
"O, gising na pala 'yang asawa mo. Sige na, kumain na kayo!" Wika n'ong matandang babae na bumungad sa amin pagpasok na namin doon. Paglingon na paglingon pa lang sa amin nito ay agad nang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Manang Fel?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko nang makilala ko kaagad ito. Agad naman akong nginitian nito. "Manang!" At hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na lapitan ito at yakapin agad dahil sa tuwa. Nang mapatingin naman ako sa gilid namin, nakita ko na nandoon din pala si Manang Lourdes at nakangiti na rin, mas lalo tuloy akong natuwa. "Manang Lourdes!" Sandali akong bumitaw ng yakap kay Manang Fel at niyakap ko rin ito.
"Hay naku, ito talagang batang 'to! Maghinay-hinay ka nga't buntis ka!" Nakangiting saway naman sa akin ni Manang Fel nang bumitaw na ako ng yakap sa kanila.
"Sorry po, masiyado ko lang po talaga kayong na-miss. Teka, alam niyo na po na buntis ako?" I asked.
"Oo, hija. Sinabihan kaya kaagad kami n'yang asawa mo!" Masayang sabi sa akin ni Manang Lourdes. "Masaya kami at magiging pamilya na talaga kayo!" Dagdag pa nito. Nginitian ko na lang ulit sila bago ko binalingan ulit ng tingin si Kristoff na nakangiting nakamasid lang sa amin.
"Ang daya mo! Kino-contact mo pala sina Manang pero hindi mo sinasabi sa akin? Alam mo naman na nami-miss ko rin sila at gusto ko silang kamustahin, eh!" Sita ko nga sa kaniya.
Nilapitan naman niya ako habang buo pa rin ang ngiti niya sa akin, nakasunod lang naman ako ng tingin sa kaniya ng yakapin pa niya agad ako nang makalapit na siya sa akin. "Hindi ko agad sinabi sa 'yo kasi gusto ko, masu-surprise ka na lang sa pagbalik nila rito. Saka, kaya ko lang sila pinabalik ulit dito kasi gusto ko na hindi ka na talaga aalis pa ng bahay. Gusto ko na mag-stay ka na lang dito kasama sina Manang." He said.
Inismiran ko siya. "Sus! Dami mong pakulo, mister!" then, I smiled again to him. Actually, okay naman na rin ang ganito. Mas gusto ko na nga lang mag-stay na lang sa bahay at 'wag nang pumunta kung saan. Minsan kasi tinatamad na rin ako lumabas, eh.
Nang muli kaming mapalingon sa gawi nina Manang Fel at Manang Lourdes, nakangiti pa rin sa amin ang mga ito ng makahulugan. Nakayakap pa rin kasi itong lalaking 'to sa akin. "Ang sarap niyo talagang tignan na ganyan ka-sweet sa isa't isa. Hindi na namin makita 'yong dating kayo na nagkakasamaan ng tingin at nagtatalo palagi noon." Manang Fel said.
"Oo nga, nakakatuwa kayong makita na ganyan." Manang Lourdes added. Napangiti na lang kaming dalawa ni Kristoff sa mga ito.
Ilang sandali ay niyaya ko naman na si Kristoff na kumain na. Kaagad na lang kasi akong natakam nang maamoy ko na ang niluto nina Manang Fel.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...