For DexGregorio_08, ayan po. Dahil marunong naman po akong tumupad sa usapan at dahil na rin sa effort mo, pinagbigyan ko po kayo. Thanks ulit sa BC kahit nakagawa na ko. :))
—
Chapter 4
"HEY, Lovely, wake up! We're already here." paggising sakin ni Icee na katabi ko lang dito sa sasakyan. Papunta kami ngayon sa Dare Magazine Inc. "Kung bakit naman kasi kagabi mo pa naisipang mag-hang out, ayan tuloy puyat ka! Alam mo namang today ang start ng photo shoot mo, eh. Ang pasaway mo talaga, Lovely kahit kailan!" sermon sakin ni Manager.
Nagising ulit ako dahil sa ingay ni Icee na yon. Hay naman, inaantok pa ko, eh! Napuyat kasi ako dahil nga sumama pa ako kina Misha mag-bar last night, na-bore ako eh at nasa mood ako na magliwaliw kagabi kahit sila pa ang kasama ko. 2 am na yata ako nakauwi sa unit ko. Basta ganong gimmick, go na go ako.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Icee na yon, pinilit ko na lang gumising na at wag na lang indahin ang antok dahil back to work na ko ngayon.
After a week, ngayon na ang start ng photo shoot ko for Daze Magazine. Buti na lang talaga, hindi ako uminom masyado kagabi, kundi napapamura ako ngayon dahil sa hang-over at baka mas matalakan ako nitong si Icee. Dahil kung nagkataon, siguradong mas pipiliin ko na lang ang magpahinga kaysa tumuloy sa photo shoot.
Ilang sandali lang, huminto na nga ang sasakyan namin. Sa ibang studio kami ngayon, syempre sa studio ng Dare Magazine. Bumaba na kami agad ng sasakyan at nagyaya na si Icee na magtungo na agad sa loob. Ang atat naman nito!
Sa office ni Mr. Castro, the head of this Incorporation, kami dumiretso.
"Hello, Mr. Castro! We're here!" kaagad na bati ni Icee pagkakita na pagkakita nito kay Mr. Castro pagpasok namin sa office nito.
Napatayo si Mr. Castro mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito at binungaran rin kami ng isang ngiti.
"Oh, Good Morning, Ms. Paez!" nilingon ako nito. "And to you, Ms. Lopez, Good Morning!" bati nito samin. Tumango na lang ako dahil wala ako sa mood ngayon. "Welcome to our company! Have a seat first." he said. Hindi pa niya sinasabi yon, nauna na akong umupo sa kanila.
Naupo na rin si Icee. Hinayaan ko na lang sila na mag-usap nang mag-usap habang ako prente lang na naka-upo sa couch. Trabaho na ni Icee yan, wala rin ako sa mood para dumaldal ngayon.
Nang mapansin ko na medyo tumatagal na ang pag-uusap nila ay nagsalita na ako. "Ahmm, pwede bang umpisahan na natin yong photo shoot? Kaysa naaaksaya ang oras sa pag-uusap niyo na yan, right?" I suggested. Napansin ko na pinanlakihan ako ng mata ni Icee dahil do'n. I gave her a what?-look naman. Bakit? Suggestion ko lang naman yon. Palihim ko na lang siyang inirapan.
"Tama nga naman, tutal napag-usapan naman na natin 'to sa contract pa lang." sang-ayon naman ni Mr. Castro.
Niyaya na kami nito na lumabas na ng office niya para magtungo na sa studio nila kung saan kami magpo-photo shoot. Tahimik na nakasunod lang ako sa kanila.
"Everyone, may I have your attention, please?" said Mr. Castro when we are already inside their studio. Naabutan namin na busy ang lahat ng staff dito sa pag-aayos ng mga kagamitan.
Napalingon na samin ang mga tao dito sa loob dahil sa pagpukaw na yon sa kanila ni Mr. Castro. Halatang namangha ang mga ito ng mapadako sakin ang tingin nila. First time ko dito sa Dare Magazine kaya siguro ayan, nagugulantang sila dahil isang Lovely Lopez ang makakatrabaho nila ngayon. Tsh. Lakas talaga ng effect ng kagandahan ko, tsk. tsk.
"Look, this modelling agency where Ms. Lovely Lopez belong is already here." patuloy nito. Isa-isang nag-hi at hello ang mga ito samin, lalo na sakin. Isang tipid na tipid na ngiti na lang ang isinagot ko sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...