Chapter 12

194 5 0
                                    

Chapter 12

"OH, bakit kay aga-aga namang nakabusangot 'yang mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa, eh!" Kunot-noong sita sa'kin ni Icee ng makita niya ako pagkapasok na pagkapasok niya rito ngayon sa office niya.

Napadako naman ang tingin ko sa kanya nang sabihin niya 'yon, saka ako napairap. I-minostra ko sa harap niya ang hawak kong envelope na dahilan ng pagkaka-bad trip ko ngayon.

Nagtatakang kinuha niya 'yon sa kamay ko. Kaagad niya namang binuksan ang laman ng envelope na 'yon at binasa ang nakalagay do'n.

"Wedding invitation ng kasal mo?!" Gulat na gulat na react naman niya ng malaman na niya siguro kung ano ang laman ng letseng envelope na 'yon.

Naiinis na tinitigan ko naman siya dahil sa iginawi niyang 'yon. "Tsh, ang OA naman ng react mo, Icee! Oo, wedding invitation nga 'yan. Wedding invitation ng kasal ko! Para namang gulat na gulat ka about d'yan sa nabasa mo na ikakasal na ako, eh alam mo naman na ang tungkol do'n!" Mataray na sita ko nga sa kanya. Ang OA, eh!

Inismiran naman niya ko. "Ay, sorry naman daw, oh?" Sarcastic na sagot niya. "Nagulat lang ako sa wedding invitation na 'to. Agad-agad? Eh, kailan mo lang sinabi sa'kin 'yung about sa arranged marriage na 'yan sa'yo ng parents mo, ah? Tapos heto? Gaganapin na kaagad ang kasal niyo? Bakit ang bilis? Excited ka? Excited kayo?" Sunod-sunod na tanong naman na niya.

"Excited? Ako? Huh, duh! Eh, sa tuwing maiisip ko nga 'yang kasal na 'yan, nabubwisit na ko, eh! Mas mainam na kasi na gawin na kaagad 'yon kaysa patagalin pa, para matapos na!" Paliwanag ko sa kanya.

She shrugged her shoulders. "Hmm, sabagay. Talagang ayaw mong makasal, eh 'no?"

Naiiritang tinitigan ko ulit siya. "Ayaw na ayaw na ayaw ko. Kaya wag mo nang itanong sa'kin 'yan dahil talagang nabubwisit lang ako! Psh." I said. Then, nakangusong napahamlumbaba na lang ulit ako.

Nakakainis lang talaga kasi, eh. Dinala kasi ni Kuya 'yang wedding invitations na 'yan sa'kin kanina ng napakaaga. Siguro, mga 6:00 am pa lang no'n. Ni hindi man lang niya ako tinawagan o in-informed na pupuntahan niya ko kanina ng gano'ng kaaga, eh. At alam ko na sinadya niya talaga 'yon, para bwisitin lang ako. Then, heto nga, dahil talagang nabwisit niya ako ng kay aga-aga nang dahil sa bwisit na wedding invitations na 'yan.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas since nung maganap 'yung pamamanhikan-chuchu sa Mansion, at heto, nakapagpagawa na nga sila kaagad ng wedding invitations. At ang nakalagay pa sa invitation, three weeks from now, ikakasal na kami.

Actually, na-informed naman na nila ako about do'n, oo na lang ako nang oo. Mabuti na 'yon, dahil talagang tinupad naman pala nila ang gusto ko.

Alam kong ako ang nag-request sa kanila na madaliin na kaagad ang magaganap na kasal namin para nga matapos na kaagad. Pero, hindi ko lang talaga naiwasang hindi ma-bad trip nang makita ko 'yang wedding invitations. Tsh, ayoko naman na talagang mainis dahil wala na, eh, mangyayari na talaga 'yung kasal na 'yon. Pero hindi ko lang talaga maiwasan. Hayy.

"Teka, teka. Tama ba 'tong nababasa ko?" Napatingin naman ulit ako sa kanya. "Kay Kristoff Armann Suarez ka ikakasal? 'Yung sikat at gwapong businessman? Totoo ba 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, siya nga po. 'Yung lalaking madalas na marinig ko sa mga tao sa paligid ko mula nung makabalik ulit ako rito. Yeah, siya nga. Si Kristoff Suarez na once mo na ring binanggit sa'kin, na siya palang si——" Walang ganang pagsagot ko sa mga tanong niya, pero hindi ko na itinuloy pa dahil ayoko nang banggitin pa sa kanya ang about sa pagkainis ko sa taong 'yon. Hay, tuloy naalala ko na naman!

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon