Dedicated to ExoArmyShidae ♡ Thank you sa comment and thank you dahil nagustuhan mo. :))—
Chapter 2
NITONG umaga, pagdating ko sa studio at pagpasok ko sa office ni Icee, padabog akong naupo sa isang swivel chair doon.
Bwisit kasi! Nang maalala ko ulit kanina paggising ko ang nakakabwisit na nangyari kagabi, feeling ko ng dahil do'n, sira na ang buong araw ko ngayon.
Naguguluhang napatingin sakin si Icee na busyng may kinukutinting sa laptop niya pagpasok ko. "Mukhang bad trip ka, ah? Is there something bad happened before you went here?" she asked. Ibinalik niya ulit ang pansin sa laptop niya bago ulit nagsalita. "By the way, saan ka ba nagpunta kagabi at bakit bigla kang nawala ro'n sa party ni Misha? Hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka na." tanong ulit nito.
I massage the sides of my forehead. Kung bakit ba kasi nagtanong pa 'tong babaeng 'to. Tuloy, di ko na naman naiwasang maalala ang nakakabwisit na pag-uusap namin nung tao na yon after ako hilahin palayo.
Hindi ko alam kung saan ba ako planong dalhin ng taong 'to habang patuloy pa rin ito sa paghila sakin palayo. Hindi ko naman magawang makapiglas sa pagkakahawak niya sa wrist ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nito roon.
Napakunot na ang noo ko at di ko na napigilan na mag-react. Pinilit ko nang hilahin ang pagkakahawak niya sa wrist ko nang mapansin ko na napadpad na kami ngayon sa parking lot nitong hotel.
"Where are we going? Bakit ka ba biglang nanghihila, ha? Okey na, tapos na yung drama!" sita ko rito.
Seryoso ang mukha nito ng harapin ako. "Gusto lang kitang sitahin ngayon, Miss. Pasalamat na rin pala ako ro'n sa ginawa mong yo'n a while ago dahil mukhang naapektuhan naman ng dahil do'n ang ex ko." he said.
I grinned. "Don't thank me. Wala talaga sa plano yung ginawa kong yo'n kanina, napilitan na lang talaga akong gawin para lang maitaboy ko na ang baliw na taong yo'n sa paghahabol sakin." confident na sagot ko dito.
Hindi naman nagbago ang expression nito, seryoso pa rin itong nakatitig sakin. "But, to be honest with you, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo na yon, Miss. Kababae mong tao pero nakakayanan mong manghalik na lang bigla ng isang lalaki na hindi mo man lang kilala. For me? I adore women, pero nakakababa ng tingin sa babae ang pinakitang mong yon." tumingin pa ito sakin na parang pilit akong kinikilatis at saka napailing-iling. "Pero halata naman na sanay ka na sa paggawa ng bagay na yon. Pasalamat ka at hindi ako yung tipo ng tao na nanamantala. Paano na lang kung gano'ng tao ang na-tyempuhan mo? Eh, di agrabyado ka pa? Sa ganda mo pa naman na yan, di malayong mangyari yon lalo pa't ang lagkit pa nang tingin sayo nung ibang lalaki."
Curious kayo kung ano'ng reaction ko ngayon sa harap ng lalaking 'to? Nganga at di ko maiwasang hindi mamula. Hindi dahil sa sinabihan niya akong maganda—alam ko na yon at wala ng nakakagulat do'n— kundi dahil sa kahihiyan ng dahil sa mga pinagsasasabi niya! I can't believe this man infront of me right now. Feeling ko, nawalan ako ng mga salitang sasabihin sa kanya dahil sa mga pinagsasasabi niya. A-Ano raw?!
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...