Chapter 68
"BAKIT ayaw mo pang tawagan si Kristoff about d'yan sa resulta ng check up mo?" Salita ulit sa akin ni Icee na nakapagpapukaw ng atensiyon ko. Nakadungaw lang kasi ako sa labas nitong coffee shop na kinaroroonan namin ngayon. Pagkagaling kasi namin doon sa clinic, dito ko muna siya niyaya.
Positive talaga 'yong result kanina, buntis nga talaga ako. At ayon kay Doc, two weeks pregnant na ako. Actually, may hinala na rin naman ako sa kondisyon ko noong mga nakakaraang araw, pero ayokong isipin 'yon dahil hindi naman ako sigurado. Saka hindi ko pa alam ang susunod na gagawin ko kung sakali, eh. Pero this time, heto na, totoo na talaga ang hinala ko.
Napainom muna ako sa frappe na in-order ko bago ako nag-angat ulit ng tingin kay Icee. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, eh." Nag-aalalang sagot ko sa kaniya.
"Paanong hindi mo alam kung paano mo sasabihin? Sasabihin mo lang naman sa kaniya na ang result ng check up mo kanina ay sintomas na pala ng pagbubuntis 'yon kasi buntis ka na, magkaka-anak na kayo. Ganoon lang! Anong mahirap doon?" Mataray na sagot naman niya sa akin.
Napahawak naman ako sa cup ng frappe ko at napatitig doon. "Eh, sa hindi ko nga alam, eh! Hindi ko alam kung anong i-re-react niya after kong sabihin 'yon sa kaniya. Hindi naman kasi namin napag-uusapan pa ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. O, paano 'yon?" Wika ko at saka ako napatitig ulit sa kaniya.
Pero ang baliw, nginisihan pa ako! "Para ka kamong baliw! So, ang ibig mong sabihin, natatakot ka na baka ma-disappoint si Kristoff once na sabihin mo sa kaniya ang about d'yan sa kondisyon mo kasi dahil lang sa himdi niyo pa napag-uusapan ang pagkakaroon ng anak?" Sarcastic na tanong pa niya sa akin. Marahan naman akong napatango. "Ay, tange ka nga talaga! Eh, di ngayon niyo na pag-usapan! Saka, bakit ganyan ang iniisip mo, ha? Bakit hindi mo na lang isipin 'yong positive side? Saka, si Kristoff, madi-disappoint sa pagkakaroon niyo ng baby? Psh, I don't think so! Alam mo naman kung gaano ka ka-mahal n'ong asawa mo na 'yon, di ba? Baka nga matuwa pa ng sobra 'yon, eh!" Ani niya pa.
"Sa tingin mo?" Paninigurado ko naman sa kaniya.
"Ay, tignan mo 'to! Kung kailan magkaka-anak na kayo, saka ka pa nagkaroon ng mga ganyang 'what ifs'? 'Wag ka ngang ganyan! Ang dapat mong gawin ngayon, kunin mo na ang cellphone mo at contact-in mo na ang asawa mo para sabihin ang resulta ng check up mo! Go!" Patuloy pa rin niya sa panenermon sa akin. Nakakahalata na ko, eh! Pasalamat siya, need ko ang encouraging words niya ngayon!
"Eh, baka busy 'yon ngayon, eh?" Pagdadahilan ko naman sa kaniya. Kasi naman!
"Busy? Kailan 'yon naging busy pagdating sa 'yo, aber? Akala mo ba hindi ko alam ang harutan niyo araw-araw sa text? Nahuhuli kaya kita!" Pagkontra pa niya sa akin.
Pinanlakihan ko nga siya agad ng mga mata dahil doon. "Ano ka ba? Ang ingay mo naman! Saka, palihim mong sinisilip ang pag-tetext ko sa kaniya lagi 'no?" Sita ko naman sa kaniya.
"Sus! Hindi ko na po kailangan sumilip sa mga text mo sa kaniya. Dahil sa hitsura mo pa lang araw-araw sa tuwing kaharap mo ang cellphone mo, nahahalata ko na. At 'wag mo ngang ibahin ang usapan! Tawagan mo na si Kristoff!" Utos naman niya ulit sa akin.
Hindi ko naman na siya sinagot pa, napatingin na lang ako sa cellphone ko na nasa mesa. Nag-angat na muna ako ulit ng tingin sa kaniya bago ko kunin 'yon, at tinanguan naman niya ako agad sign para sundin ko na nga ang sinasabi niya. Kaya para hindi na nga rin ako makulitan sa kaniya, inirapan ko na lang siya at kinuha ko na nga ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
Storie d'amoreAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...