Chapter 18

137 5 0
                                    

Chapter 18

I WAS planning to sleep some more dahil tamad na tamad pa akong bumangon, pero ang bwisit kong cellphone patuloy pa rin sa pag-ring kahit na ilang beses ko na itong in-ignore.

Naitakip ko sa mukha ko ang isang unan, pero wala rin namang naitulong. Napabangon na ako. Tinitigan ko ng masama ang phone ko na walang humpay pa rin sa pagri-ring. I saw Icee's name registered on the screen. Hayy, sabi ko na nga ba, eh. Dahil kung hindi si Kuya, panigurado siya yon.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko dahil sa inis. Dinampot ko ito mula sa bed side table at inis na sinagot ang tawag nito. "Ano?! Bakit ba ang aga-aga mo na namang nambubulahaw, ha?!" Sita ko sa kanya. Napakadistorbo, eh!

(Hindi kita binubulahaw, tinatawagan lang kita. Kailangan ko lang kasing ipaalala sa'yo na may aattendan lang naman kasi tayo ngayon na bagong contract signing. Baka nakakalimutan mo na pumayag ka ulit sa isang Magazine corporation para mag-cover ulit sa kanila? At ngayon nga ang contract signing mo!) Pagpapaalala niya sa'kin.

I rolled my eyes. Oo na, oo na! "What time ba 'yang contract signing na yan?" I asked her.

(Ahmm, 10:00 lang naman.)

Napatingin ako sa digital clock na nasa bed side table ko rin. And my eyes widened when I saw what time it is now. "Are you kidding me?! Eh, past 9:00 am na, oh!" Bulalas ko sa kanya over the phone.

(Alam ko.) Parang wala lang sa kanya na sagot niya.

"And why you didn't tell me ng maaga?!"

(Ulyanin ka na rin ba ngayon, Lovely? Pinaalala ko kaya sa'yo kagabi! At ngayong umaga, naiinis ka pa sa'kin dahil kinukulit kita ng maaga sa kakatawag, eh gusto lang naman kitang paalalahanan! Kabisado na kasi kita, eh. Hayaan mo, sanay ka namang ma-late sa mga ganito, di ba?) Giit niya.

Natigilan ako. Oo nga, 'no? Sanay na nga naman na akong ma-late. Ang OA ko lang talaga mag-react ngayon.

"Okay. Sige, salamat sa pagpapaalala ng maaga, Manager, ha?" Sarcastic na sagot ko na lang sa kanya.

(Aba't——! Parang wala lang talaga sa'yo, ah? Hayy.. Ang hirap mo talagang baguhin, Lovely Lopez!) Pagsuko naman niya sa'kin.

I shot there. Baguhin? Psh, wala nang dapat baguhin sakin dahil bago ko na ito. At hindi ko na ulit kailangang magbago pa ulit.

I shook my head. Ang aga-aga, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

"Okay, magre-ready na ko. I'll hang up na. See you later." Then, I finally hanged up her call na nga.

I took a sigh bago ako tuluyang bumangon na ng kama ko. Buti na lang at nawala na rin naman na ang antok ko. Sa CR naman na ako dumiretso para tuloy ligo na.

——

*Knock! Knock! Knock! Knock!*

Paglabas na paglabas ko ng CR, yon kaagad ang bumungad sa'kin. Ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Hey, Lovely, ano ba? Tulog ka pa ba? Bumangon ka na nga diyan! Kailangan ko ng umalis!" Rinig kong salita mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Napatingin ako sa pinto sabay kunot ng noo ko. At ano namang kailangan sa'kin ng lalaking yan ngayon? Wala akong naiisip na dahilan.

Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkatok sa pinto ng kwarto ko na parang wala ng bukas! Kaya naisip ko naman nang pagbuksan ito.

"Anong bang kailangan mo, ha? Ang aga-aga, eh!" Pabulyaw na sita ko sa kanya. Nagsisimula na naman siya!

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon