Chapter 1
*Ringgg! Ringgg!*
NAPAKUNOT na ang noo ko at inis na tinanggal ko ang eye cover ko nang tumunog ulit ang cellphone ko, pang-ilang beses na yata yan. Lintik naman, oo! Panira ng maganda kong tulog, bwisit! Mula pa kahapon nang dumating ako dito sa Pilipinas, lagi na lang pahinga ko ang sinisira ng kung sino! Haist!
Padaskol kong kinuha ang cellphone ko na patuloy sa pag-ring at sinagot ang tawag.
"What the hell do you want in this early?!" bungad na bulyaw ko sa kabilang linya.
(Chill, Lovely! Kadarating na kadarating mo lang dito sa Pilipinas, pinapairal mo agad ang init ng ulo mo.) sagot nito sakin.
"Sabihin mo nga, Icee? Sino'ng matutuwa kapag sinira ng kung sino ang napakaganda mong tulog lalo na sa taong tulad ko, sige nga!" inis na inis parin na tugon ko sa kanya.
Icee is my manager sa isang sikat na modelling agency na kinabibilingan ko here in Philippines. Parang hindi nga mag-amo ang turingan namin, eh. Sanay na kami na magturingan na normal lang na magkakilala, ilang taon lang din naman ang tanda niya sakin.
Actually, iba rin ang manager ko sa America. Big time, di ba? Pero napaka-swerte naman nila dahil hawak nila ang isa sa pinaka-sikat na super model!
(Okay, easy, dear. By the way, the reason why I called you is because I want you now here in the office. May pag-uusapan tayo.)
I rolled my eyes dahil nag-uumpisa na naman akong mairita, kay aga-aga. "Bakit di mo na lang sabihin sakin now here in the phone?" I said. Kinuha ko ang isa kong unan at niyakap. Ang bigat pa ng mga mata ko dahil sa antok.
(Dito na nga, eh! At saka isa pa, yung client natin na another fashion mag, ngayon na gusto makipag-meeting. So, go! Punta ka na dito!) pagbabalita niya.
"Whatever, Icee! I'll hang up na. And oh by the way, thanks for ruining my wonderful sleep!" insert sarcasm while I said those words.
Binaba ko na nga ang cellphone ko. Natigilan muna ko sandali at saka naiinis na bumangon na. Once pa naman na masira na ang tulog ko, di na ko makabalik ulit. Tulad nga ngayon, kahit na inaantok pa ko. Psh.
Dumiretso ako sa bathroom ko and kaagad na kong nagtuloy sa paliligo.
Nang dumampi ang lagaglas ng tubig sa gorgeous body ko mula sa shower, I feel so relaxed. That is why I love taking shower. Lalo na kapag pagod na pagod ako? Hmm, feeling ko nawawala ang pagod ko dahil sa so relaxing na dulot ng tubig.
After taking a bath, lumabas na ko at agad na nagbihis. Light make-up lang ang in-apply ko sa face ko.
And next, hindi na sana ako tutungo sa kusina at didiretso na sana ng alis, nang magparamdam ng gutom ang aking tiyan. Kaya wala na kong nagawa, tumungo pa rin ako sa kusina at naghanap ng makakain. Bahala silang maghintay sakin do'n, walang makakapigil sakin basta gutom ako.
Buti na lang talaga kahit na tamad na tamad ako kahapon, nagawa ko pa ring makapag-grocery. Kailangan, eh. Kundi nganga ako kahapon dito sa unit ko.
Di ko kase hilig yung oorder na lang ng meal sa anumang fast food chain. Kaya ko namang ipagluto ang sarili ko, so bakit pa di ba? Pero hanggang luto lang ang peg ng tulad kong maganda, di na ko maaasahan sa iba. Lalo na ng paglilinis ng bahay? Magha-hire at magha-hire ako ng tao para maglinis.
Mabilisan lang akong nag-fried ng ilang bacon and egg at isinangag ko na lang ang natira kong rice last night. And after no'n, kumain na ko. Then, boom! Eh, di bu-solve ako! Lumabas na ko ng unit ko pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...