Chapter 52
(Part 1)KRISTOFF
"OKAY! Settled na ang gaganaping conference natin dito para bukas, bro!" Biglang salita ni Troy sa harap ko na muling nakakuha ng atensiyon ko. Kahit kailan, kahilig talagang manggulat ng lokong 'to! Psh.
Hindi na lang ako kumibo ulit sa lahat ng mga pinagsasasabi niya sa buong oras na nailalagi namin dito sa hotel kung nasaan kami ngayon. Heto lang ako, prenteng nakaupo sa isang sofa rito sa lounge nitong hotel at napapatulala na lang habang hinihintay ko siyang matapos na makipag-usap sa isang staff dito. Hinayaan ko na lang din na siya na ang makipag-usap sa ilang staff na nag-se-set ng schedules ng ginaganap na gatherings sa hotel na ito.
Actually, parang sinamahan ko lang siya rito dahil sinabi na rin ni Papa 'yon sa akin. Yes, si Papa nga ang nag-set ng business conference for tomorrow ng company namin, pero napansin niya raw na parang wala ako sa sarili ngayon kaya si Troy na lang ang inatasan niya na mag-set ng schedule sa hotel na ito, na agad naman nitong sinunod at nagpasama na nga lang sa akin.
Well, hindi ko akalain na mapapansin pa ako ni Papa sa ganoong sitwasyon. Hindi ko naman itatanggi na sa halos isang linggo na ito ay okupado talaga ang isip ko. And it's all because of me thinking about Lovely the whole week!
Halos isang linggo na rin kaming nag-iiwasan at para bang bumalik na naman kami sa dati naming turingan. Yes, I was the one whose avoiding her since that night na nag-away na naman kami. Hindi ko rin naman akalain na sa gitna ng unti-unti na naming pagkakaunawaan ay mangyayari na naman ang ganoon sa amin. Tsk!
Yes, I know that I got over react to her that night knowing that she was with Phil the whole day noong araw na 'yon sobra akong nag-alala sa kaniya. Naapektuhan ako, eh. Sobra!
Noong tanghali pa lang noong araw na 'yon ay sinimulan ko na siyang tawagan para sana yayain siyang mag-lunch kami ng sabay. Masiyado kasi akong na-good vibes noong araw na 'yon dahil sa tuluyan na naming pagkakaayos ni Becka. Feeling ko, nabawasan ako ng bigat sa dibdib dahil alam kong mapapanatag na ako lalo na kung maiisip ko man ulit ang nangyari noon.
At 'yon nga, pagkatapos naming mag-usap at magkaayos ni Becka, siya kaagad ang nag-pop sa isip ko. Mas lalo akong nasiyahan kaya nga naisip ko na yayain siya ng lunch that day, pero nang tawagan ko na siya ay hindi siya sumasagot. Ilang beses akong nagpaulit-ulit sa pag-dial sa kaniya, but I failed dahil ayaw niya talagang sagutin. Natigil lang 'yon nang dahil sa kailangan kong um-attend sa meeting kasama sina Leonard.
Nagsimula na rin akong hindi mapakaniwala noong mga oras na 'yon kaya para wala rin ang isip ko sa pinag-uusapan sa meeting noong araw na 'yon. Kaya nang matapos ang meeting ay sinubukan ko ulit siyang tawagan, pero mas lalo lang akong nagtaka dahil wala pa rin. Naisip ko, ganoon ba talaga siya ka-busy?
Nang maisipan ko na tawagan si Icee para magbaka-sakaling may alam ito, pero isang sagot lang ang nakuha ko rito. Hindi niya raw kasama si Lovely noong bago pa man mag-lunch at hindi rin naman niya nasabi sa akin ang tungkol kay Phil, sinabi rin nito na dinala na niya sa bahay namin ang sasakyan ni Lovely, na lalong nagpagulo sa isip ko. Walang dalang sasakyan si Lovely?
Kaya nga mas lalo akong kinabahan. Wala akong naisip na kahit ano mang lugar na dapat niyang puntahan noong araw na 'yon. Hanggang sa maisip ko ang orphanage, kaya nga dali-dali ko ring tinawagan si Mother Superior para itanong si Lovely. Nakuha ko rin kasi ang phone number nito noong mapunta ako roon. Pero wala, sinabi nito na wala rin doon si Lovely.
Maaga pa akong umuwi sa bahay noong araw na 'yon, hindi ko rin siya naabutan dahil wala pa rin siya, though nandoon na nga ang sasakyan niya sa garahe. Hanggang sa inabot na ako ng pagdi-dilim sa kaka-dial sa kaniya ng wala pa rin akong napapala. Matindi na ang kabang nararamdaman ko that time, kung ano-anong ideya na rin ang pumapasok sa isip ko na pilit kong iwinawaksi dahil hindi naman nakakatulong. Pero isang tanong lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko: Ano ang dahilan kung bakit hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ko?
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...