Chapter 56

137 5 1
                                    

Chapter 56

"HEY! Good Morning, loves!" Bungad na bati sa akin ni Kristoff nang pumasok ako sa kitchen para sana uminom ng tubig. Siya na naman pala kasi ang nagluluto, at ako kagigising lang.

Nilapitan niya ako at kaagad na hinalikan sa noo, nginitian ko naman siya dahil doon. Actually, hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon sa mga sweet gestures niyang 'yon sa akin kahit halos isang linggo na niya 'yong ginagawa.

Yes, isang mabilis na linggo na rin ang nakalilipas mula n'ong mangyari 'yong surprise birthday celebration nila para sa akin. At sa buong isang linggo na 'yon ay maraming nangyari.

Tulad na lang ng naging masinsinan naming pag-uusap ulit nina Mama at Papa sa mansion. The next day kasi ay pinapunta nila kami roon for a dinner. Nagpatuloy sina Mama sa paghingi ng sorry sa akin sa lahat kahit na alam nilang pinatawad ko naman na sila noong gabi pa lang na 'yon, kaya tuloy nagkaiyakan na naman kami noong araw na 'yon. At isa pa, sinasanay ko na rin ang sarili ko na 'wag nang mailang sa kanila sa tuwing magkikita-kita kami. Mukhang ganoon din naman sila dahil hindi ko na nakikita sa kanila ang malamig na pakikitungo nila sa akin noon.

At ang isa pang nangyari ay 'yong isang araw na bigla na lang nagpatawag si Kristoff ng press para raw ma-klaro na namin sa lahat ang totoong meron sa amin at nang matigil na ang usap-usapan ng lahat tungkol sa amin na habang tumatagal ay nadadagdagan lang ng kung ano-ano. Inamin na nga namin ang lahat sa kanila at siyempre ipinaliwanag ko rin sa kanila ng mabuti ang meron sa amin ni Phil, na childhood friend ko lang talaga ito at wala talagang malisya ang meron sa amin doon sa picture.

Dahil doon, tinawagan ako ng manager ko sa US. Kinausap ako nito about sa paglilihim ko sa kanila ng bagay na 'yon. Ready na nga sana ako that time kung sakaling tatanggalin niya ako as her talent there, but she didn't do that. Itutuloy pa rin naman daw niya ang paghawak sa akin and she also said pa nga na sa katunayan nga raw ay may nalalapit na naman daw akong project doon. Hindi ako um-oo kaagad dahil hindi ko pa nasasabi kay Kristoff ang tungkol sa bagay na 'yon, pag-iisipan ko pa siya. Kung wala pa ako sa sitwasyon na ito ngayon, siguro tatanggapin ko kaagad 'yon. Pero iba na nga kasi ngayon dahil hindi na lang ako basta mag-isa.

At dito naman sa bahay sa tuwing magkasama kaming dalawa ni Kristoff, nag-aadjust pa rin ako sa mga nagiging pakikitungo niya sa akin. Kasi ang sweet niya at napaka-caring! Hindi kasi ako nasanay sa buong buhay ko na may makikitungo sa akin ng ganoon, lalo na ngayon at araw-araw pa. Kapag nasa labas ako, he keeps on calling and texting me para kamustahin ako. Ipagluluto pa niya ako minsan sa umaga at hihintaying makauwi sa gabi. At lalo na 'yong may humahalik sa akin sa umaga para gisingin ako at sa gabi bago ako matulog. Well, sa bagay na 'yon okay ako dahil gustong-gusto ko rin namang ginagawa niya 'yon sa akin.

Minsan kapag lunch, bigla na lang siyang susulpot sa studio ni Icee para sunduin ako para raw sabay na kaming kumain ng lunch sa labas. Tapos, yayayain niya muna akong tumambay o maglakad-lakad sa park pagkatapos. Ikinagulat ko pa nga 'yon noong unang beses niyang gawin 'yon, hindi niya inisip na babalandra kami sa isang public place!

Sinita ko pa nga siya n'on at ang sagot niya lang sa akin; "Who cares? Ano naman kung may makakita sa atin dito na magkasama, eh mag-asawa naman tayo?" Oh, edi hindi na ko nakaangal n'on. Kinilig ako, oo, dahil ipinagmamalaki na niya talaga na we're husband and wife. Pero siyempre, hindi ko ipinahalata sa kaniya. Saka niya hahawakan pa ang kamay ko habang naglalakad, na-first time ko ring naranasan sa kahit sinong lalaki——puwera pala kay Phil.

"Ang sarap ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising kasabay ko. Mukhang napagod ka nga yata ng husto kagabi?" Ani niya sa akin ilang sandali sabay ngiti ng makahulugan.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon