Chapter 69
NANG sabihin sa akin 'yon ng nurse na sumagot sa telepono ni Kristoff, pakiramdam ko para akong pinagbaksan ng langit at lupa sa narinig ko. Pakiramdam ko rin na para bang bigla na lang namanhid ang buo kong katawan dahil doon. Pero nilabanan ko agad ang mga 'yon at pinilit kong magtungo kaagad sa hospital kahit sobra nang binubundol ng kaba ang dibdib ko. Kaya pala ang tagal niya at bigla na lang akong kinabahan sa pagkawala niya ng matagal!
Paghinto na paghinto ng taxi na sinakyan ko sa hospital na sinabi sa akin n'ong nurse, kaagad na lang akong nag-abot ng pera sa driver at hindi ko na hinintay pa ang sukli ko dahil nagmamadaling bumaba na ako roon at nagtungo sa loob ng hospital.
Kaagad kong hinagilap ang kinaroroonan niya, hindi ko na inintindi pa ang mga nababangga ko nang mga tao rito. Bigla na lang akong natigilan nang matanaw ko na ang isang stretcher na dali-daling hinihila na ngayon ng ilang mga nurse at doktor. Bigla ko namang naramdaman ang panlalamig ng buo kong katawan nang makita ko na siya ang naroon at duguan.
Kaagad akong lumapit doon at saka ako kumapit sa hinihigaan niyang stretcher. Wala siyang malay at duguan nga siya, at doon na bumagsak ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko nang mapagmasdan ko na ng mabuti ang hitsura niya ngayon.
"Loves, loves! Si Lovely 'to, nandito na ko!" Pang-gigising ko sa kaniya habang tinatapik-tapik ko pa ng marahan ang kaliwang pisngi niya habang patuloy na sa pag-agos ang mga luha ko, kahit pa patuloy lang din sila sa paghila ng stretcher na kinahihigaan ni Kristoff. Hinawakan ko na rin ng mahigpit ang isa niyang kamay at inihaplos ko ito sa pisngi ko upang baka sakali ay maramdaman niya ako.
Bumukas ang isang malaking pintuan na malaunan ay hinintuan nila, doon na nila ako pinatigil at pilit na pinabibitaw kay Kristoff.
"Misis, hanggang dito na lang po kayo. Hindi na po kasi kayo pwede sa loob. Malubha po ang lagay ng asawa niyo kaya kailangan na namin siyang matignan at mai-ligtas." Pigil na nga rin sa akin n'ong doktor.
Lumuluhang binalingan ko naman ito ng pansin. "Doc, gawin niyo po ang lahat. Iligtas niyo po siya!" Pakiusap ko rito.
"Makakaasa po kayo." Ito na lang ang sinabi nito at muli na nilang itinulak ang stretcher ni Kristoff para ipasok na nga roon sa emergency room. Hinayaan ko naman na silang gawin 'yon.
Tinanaw ko na lang ang pagpasok nila kay Kristoff doon habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Diyos ko, 'wag niyo pong pababayaan ang asawa ko. Bulong ko sa kawalan at saka ako napahawak sa impis kong tiyan.
——
"ATE LOVELY!" Napukaw ang atensiyon ko dahil sa pagtawag na 'yon sa pangalan ko. Mula sa pagkakatungo ko rito sa waiting area sa labas ng ER ay nag-angat na ako ng tingin sa taong 'yon. Then, I saw Krisha kasama sina Mama, Papa, at Ate Kristel na papalapit na sa direksiyon ko at halata ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...