Mark's POV
May pasok na naman. Nakakainis. Napuyat pa ko kase kachat ko si Riane. Hahaha. Masaya naman kausap yun kaya di ako nagsisisi. 12MN na rin yata kami natapos magchat. Mga 9PM kami nagstart magchat nun tapos 11:55 na natapos. Ganon kami kahaba talaga magchat, di rin naman kase ako nabobored kase masaya syang kachat. Tsaka bestfriend ko yun eh HAHAHAHA.
Naala ko lang, 1st month na pala namin sa school bukas. Ang bilis talaga ng panahon. 1 month na din pala kaming grade 11. Kung hindi sana sa K-12, ay college na dapat kami. Hayst.
Dati, kinakabahan syang pumasok kase wala daw syang kaibigan. Eh ngayon, halos buong klase yata kaibigan nya. Vice president kase. May leadership skills daw kase sya sabi ng adviser namin, ang akala ko nga magiging muse yan eh, chix naman kase. Oh diba, bestfriend ko yan! HAHAHAHA. Kahit naman binabara ako nyan, eh lab ko yan, putek ang corny HAHAHAHA.
Kwento ako ng kwento, di pa ko nagpapakilala. Wala rin naman kayong pake. Pero ako nga pala si Mark James Tolentino. 18 years old at nagaaral aa Starfields Academy. Magkaklase kami ni Riane. Magbestfriend kase kami nyan noong grade 1 pa. Hanggang pati magulang namin, magbestfriend na din.
Sa totoo lang, maraming nagsasabi o nagaakala na crush ko daw si Riane, nililigawan ko daw yun, MU na daw kami nun, at kung anu-ano pang rumors, pero eto lang ang sagot ko.
HINDI NO. BESTFRIEND KO LANG YUN.
Aaminin ko, kung iisipin, nasa kanya na ang lahat. Maganda sya, matalino at responsable pa, mabait, magaling sumayaw, may katawan din; I mean, sexy ganon. Pero di ko sya crush. Wala akong nararamdaman sa kanya. Best friend ko lang yun. Sa akin kase dapat kapag bestfriend, walang talo-talo. Ayoko din naman kaseng masira ang pagkakaibigan namin dahil sa pagibig na yan. Mabuti din yung magkaibigan, at least may pinanghahawakan kaming relasyon. Di ko rin sya type. Mahal ko sya pero hanggang kaibigan o kapatid lang.
Tapos na kong maligo, makapagbihis na nga. Pupunta pa kasi ako sa bahay ni Riane para sunduin yon kase sabay kami laging napasok. Magkapitbahay lang kase kami, bestfriend ko yun at may pake ako dun. Bigyan mo lang kase ng pagkain yan eh, baka sumama na sayo. Mapano pa yan. Pareho lang din naman school namin kaya sabay na lang kami. Alagang-alaga ko yang si Riane no. Walang pwedeng makasakit nyan. Kaya nga yan pag nagkacrush yan nako, ibabackground check ko muna. Baka kase saktan nya ang bestfriend ko. Wala kong hinahayaang makasakit dyan eh. Kahit ako, di ko sasaktan yan.
Nobela na tong ginagawa ko. Korny na. Hahaha. 6:48 na pala. Maka-alis na nga. Malate pa kami nung babaeng yun.
Bumaba na ko at magpapaalam muna ko sa nanay ko syempre. Ano yun? Aalis na lang ako bigla? HAHAHAHA.
"Ma. Punta na ko kina Riane. Baka malate pa kami eh." paalam ko sa nanay ko. Alam naman ng nanay ko eh. Supportive pa nga eh. Haha.
"Sige. Magingat kayo ah. Wag magpadala sa hormones. Bata pa." paala naman ni mama. Hay nako. Gets ko yung hormones. Nanay ko talaga. Ayoko pang maging batang ama no. Tch.
"Ma naman eh. Alis na nga ko." paalam ko. Ngumiti naman saken si mama at lumabas na ko ng bahay.
Naglakad na ko papunta sa bahay nila.
Nagdoorbell ako at pinapasok ako agad ng yaya nila. Kilala na kase ako dito kaya pinapapasok lang ako. Pagpasok ko, bumungad na naman saken ang napakalaking family portrait nila. Nagiba nga itsura nya doon eh, parang hindi sya. HAHAHA.
Dumiretso ako sa loob at nakita ko si Riane. Ayun, kumakain ng almusal. Spam, egg at may pancakes ma nakahain sa mesa. May yoghurt din na nandoon. Di na ko nagtataka. RK kase yan eh. Nagulat pa yata nang makita ako.
"Ay ilong! Nandyan ka na pala. Ang aga pa kaya. Nakain pa ko oh." reklamo nya sabay subo ng napakalaking subo ng kanin. Sanay na ko na ganyan yan pag sinusundo. Kumakain yan palagi.
"6:50 AM na po. 7:30 po ang pasok natin. Baka nalate ka ng gising." bara ko naman sakanya. Eh totoo naman eh. HAHAHA.
"Oo na! Yaya, alis na kami. Kulit ng ilong na to." sabi pa nya. Oo ayan tawag nya saken, 'ilong' malaki daw kase ilong ko. HAHAHA. Nakikisakay na nga lang ako eh.
Nagpaalam muna sya na magtotoothbrush sya at kinuha na nya ang bag nya at lumabas na kami ng bahay nila.
Habang naglalakad, napansin ko na tahimik sya. Tiningnan ko sya at nagulat ako na umiinom pa ng Yakult tong babaeng to. Kakakain lang nito ah!
"Di ka pa ba busog?" tanong ko. Eh kase naman kumain yan ng sandamakmak tas nag-yoghurt pa. Di pa ba busog yan?
"Di naman sguro ako kakain o iinom kung busog na ko." sabay tapon ng Yakult na ininom nya. Kung sabagay may point sya. Pero grabe binara na naman po nya ko.
"Pasalamat ka, mahal kita. Kung hindi, binatukan na kita." sabi ko sabay smirk sakanya. Nagpokerface lang sya saken at sabay sabi ng
"Edi thank you." tumawa pa sya nun. Oh diba ang bait ng bespren ko.
Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan. Di kase ako makakahanap ng babaeng katulad nya. Espesyal sya saken at di ko sya kayang iwan, saktan, at pabayaan. Di ko to ipagpapalit kahit kanino.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."