13

4K 134 29
                                    

Ariana on the multimedia! :)

Ariana's POV

Nandito lang ako sa cafeteria, at naghahasik ng lagim pero syempre joke lang. Nandito ako, kumakain. Syempre practice na naman ng dance club dahil Tuesday na ang contest, magkasabay nga ang singing at dancing eh.

Naala ko tuloy si Julia.

Singing club sya. Si Joyce dancing. At syempre, si Mark nalaman ko na medyo close na kay Julia, nakita ko ba naman na nanonood ng rehearsals kanina bago ako pumunta sa practice room namin. -_-

Kaya di rin imposible na di manood tong si Mark sa contest na sasalihan ni Joyce, dahil syempre, nabubulag sya kay Juliandi.

Oo, Juliandi. Ganda diba? Hahaha. Kinuha ko lang yan sa kaibigan ni author HAHAHA.

Hinihintay ko kase ang driver namin na sunduin ako, wala pa sya hanggang ngayon, nakikipaglandian na naman yata sa yaya namin yun. Tch.

Dapat nga isasama ko tong si Joyce kaso biglang kinuha ni Mark. Niyakap pa nya kamo, aba, nananching na to ah. Pero aaminin ko, kinilig ako.

At natakot.

Sa ginagawa ni Mark, alam kong mas mahuhulog ang loob ni Joyce sakanya. Alam ko naman na ayaw aminin ni Joyce na gusto nya si Mark dahil baka masira ang friendship nila pero sa ginagawa nya,

Mas hinuhulog lang nya sarili nya doon kay Mark eh.

Kumakain ako ng cupcakes ngayon dito, magisa. Ay. Kasalanan to ni Joyce. Jk.

Hanggang makita ko ang babaeng higad slash plastik slash ahas slash di mo malaman kung tao ba o ano.

"Well...." nakita din nya ko. Ayan na naman yang "well" na yan, gusto mo ihulog kita sa well?

"What do you need? Di ako nainform na pets are allowed na pala dito." pagtataray ko. Duh. Di ako nagpapa-api dyan sa babaeng yan no!

"Then, bat ka nandito?" sabi nya. Huh! Bulok na yang response mo, day!

"Bat ako nandito? Eh kase tao ako at di ako katulad mo. Gets?" sabi ko naman sa kanya. Nagaapoy na sya sa galit nyan. Hahaha.

"You're really testing me, huh?!" tanong nya. Ano ka, gamot na proven and tested throughout the years? Aba.

"Alam mo pati gamot inagawan mo na ng pwesto."

"What?"

"Inagaw mo na nga tungkulin ng higad sobrang landi mo, inagawan mo na rin ang plastik, sa pagiging plastik mo dyan at delikado ka pa sa mother Earth inagawan mo na rin ang application para magupgrade ka dyan, pati ba naman gamot? Testing? Huh? Matagal ka nang proven and tested na malandi, plastik, bitch!!" sabi ko naman.

"Nanonobra ka na!" sigaw nya. Sasampalin na nya ko nang;

"Ariana!" sigaw ng isang lalaki.

Clarence's POV

Naglalakad-lakad ako ngayon dito papuntang cafeteria. Nagugutom kase ako at bibili muna ako ng pagkain bago umuwi.

Pagpasok ko..

"Nanonobra ka na ah!!" sabi ng isang babae at akmang sasampalin na sya, napasigaw tuloy ako;

"Ariana!" at napatingin sya saken, gayundin ang babaeng akma na syang sampalin;

si JULIA?!

Lumapit ako sa kanila at kinamusta si Ariana. Halata namang nagulat si Julia ng makita ako. Makakita ka ba naman ng gwapo, okay tama na.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon