23

4.2K 115 24
                                    

Riane and Mark's selfie on the multimedia!

Mark's POV

Nakapila kami ngayon dito sa ride na ang tawag ay Star Frisbee. Para syang Vikings na mas nakakahilo, mas mataas at mas gusto ni Riane. Kumikislap pa nga mga mata nitong si Riane nung nakita nya eh. Anong meron sa ride na to at gustung-gusto ni Riane? Kasi thrill daw at nakakaenjoy. Adventurous kasi yang si Riane. Ayaw nya sa mga ferris wheel, carousel, or mga rides na pambata. Inaantok daw sya dun pero takot dun sa ferris wheel sa Enchanted Kingdom hahahaha.

"Mark. Dun tayo sa harap para masaya. Hahahaha." sabi ni Riane sabay tawa. Natawa pa sya sa lagay na to eh pinagpapawisan na nga ko sa takot. Mahina kasi loob ko sa mga ganyan. Madali kasi akong mahilo sa ganyang ride.

"Oo na. Kahit naman anong pwesto dyan, wala din eh. May thrill pa din." reklamo ko sakanya. Napakamot naman ng ulo tong si Riane sa sinabi ko. Aasarin na naman akong duwag nyan.

"Mark. Ano kaya kung wag ka na lang sumakay? I mean, di mo kasi kaya, ako na lang sasakay." sabi nya. Alam ko namang nagaalala lang to saken pero ;;

"Hindi. Sasama ako sayo. Ano yun, wala kang kasama dun? Pano pag may nangyaring masama sayo dun? Sinong nandun para sayo? Wala na naman ako? No. Okay lang kahit magkandahilo-hilo ako basta safe ka dun." sabi ko. Ayoko na kasing mangyari yung nangyari dati na wala ako sa tabi nya nung nasprain sya. Naguilty ako sa ginawa kong yun. Gusto ko kasama nya ko sa lahat ng oras para masigurado kong safe sya.

"H-humawak ka na lang sa kamay ko mamaya kung natatakot ka." suhestyon nya. Ginawa naman akong bata nito.

"Hindi. Humawak ka dun sa harness mo mamaya. Baka kung anong mangyari sayo." sabi ko sa may matigas na tinig. Alagang-alaga kasi si Riane ng pamilya nya at ni kuya Shawn kaya gusto ko, alaga din sya ng bestfriend nya.

Kami na pala ang susunod na sasakay, at tulad nga ng sinabi nya, sa harap kami sumakay. Maya-maya pa, pwede nang ibaba ang harness. Umiikot naman yung mga staff nila para masigurong safe at nakalapat yung harness. Di na nga makahinga halos si Riane dahil sa higpit nung harness nya pero okay lang, at least alam kong safe yun.

Nagsimula na yung ride. Syempre mababa muna yung pagakyat kaya wala pa masyadong nasigaw. Pokerface pa nga si Riane eh, halatang nabobored kasi mababa palang habang ako gusto ko na tumakbo para makaalis dito.

Papataas na ng papataas yung ride na halos lumuwa na yung kaluluwa ko. Yumuko na lang ako at narinig kong tumawa si Riane. Ang taas na nga ng ride tas nakuha pa nyang pagtawanan ako. Totoong kaibigan nga to.

Nasa peak na yung ride at sobrang taas na. Nakita ko pa na tinaas ni Riane yung kamay nya at tumatawa pa imbis na matakot. Tigre po talaga yang babaeng yan.

"Mark! Wag kang KJ! Buksan mo yung mata mo para makita mo!" sabi nya. Buksan ko kaya? Binuksan ko ang mata ko at unti-unting tinaas ang ulo ko at nyeta ang taas!! Feeling ko luluwa na yung kaluluwa ko sa makikita ko. Sobrang taas na feeling ko mahuhulog na ko sa baba. Nakita ko naman si Riane na nakatingin sa baba at tuwang-tuwa. Di ba sya nakakaramdam ng hilo? Ng takot? Kung sabagay, tigre nga pala sya.

Unti-unti ng humihina at bumaba yung ride kasi papatapos na sya. Nagiging kalmado na rin ako kahit papaano dahil nalagpasan ko na yung punyetang ride na yan.

Nasa baba na ang ride at tumaas na ang harness na nasa balikat namin. Bumaba na si Riane at tumalon-talon pa habang ako di ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa hilo na nararamdaman ko. Hinawakan naman ako ni Riane at pumunta na kami sa exit. Di ko pa kayang sumakay ulit sa panibagong ride. Di ko alam kung paano nakakaya ni Riane yung ganito.

"Riane. Pahinga muna tayo. Kumain na muna tayo." yaya ko. Tumango naman sya at sinuot ulit yung headban nya at sinuot ko din ulit yung akin. Pumunta na kami sa kainan. Light meal lang ang kakainin namin kasi baka masuka kami pag sasakay na ng ibang ride.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon