6

5.1K 152 0
                                        

Riane and Ariana on the multimedia! :)

Riane's POV

Hanggang ngayon na meeting ng mga kasama sa school paper, tahimik lang ako at nakikinig sa sinasabi ng leader ng school paper. Kasama din pala si Ariana dito kaya magkatabi kami ngayon.

Sabi ni mama, kapag "crush" lang daw, paghanga lang daw yun at tsaka dapat di ka nasasaktan. Kaya naguguluhan ako ngayon. Bakit ako nasasaktan? Diba dapat suportahan ko na lang sya ngayon dahil may babae na syang nagugustuhan? Argh!

Kailangan daw naming gumawa ng article tungkol sa nalalapit na Acquaintance Party. Wala naman akong kailangang gawin masyado dahil yung position ko naman dito is di naman ganun kataas kahit grade 11 na ko.

"Joyce. Kailan ka magpapasa ng draft mo kay ate Celine?" tanong saken ni Ariana. Si ate Celine kase ang tumitingin ng mga ipapasa naming drafts. Kumbaga, sya yung mageedit nun if ever man na may grammatical errors. Pero bat Joyce tawag saken nito? Sabi ko nga kanina, call me "Riane" na lang.

"Ah, mga next next week sguro. Excused naman tayo kay ate Celine dahil kasama daw tayo sa Dance Club." sagot ko. Excused kase ang mga taga dance club this week and next week. May contest kase kami and irerepresent namin ang school so pinaghahandaan sya.

"Ah sge. Ako rin. Btw, I'm going to call you Joyce na lang." sabi nya saken sabay ngiti. Buti pa sya mukha syang masaya palagi.

"Sure." matipid komg sagot sabay ngiti ng pilit at tumahimik lang ako. Nagexplain pa ng kaunting informations about the article na gagawin namin yung head. Sinabi din sakin na kailangan ko lang magsulat at ipasa kay ate Celine. Pero optional parin, pwede naman daw kaming wag nalang magsulat dahil excused pero wala na nga lang additional points for extra-cirrucular.

"Hey Joyce. Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan ah. " tanong saken ni Ariana na nagpabalik sakin sa realidad.

Ariana's POV

"Hey Joyce. Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan eh." tanong ko. Eh kasi kanina, ang saya-saya nya tas ngayon hindi na. I'm really sure that something happened a while ago at naging ganyan sya ngayon.

Sya nga pala, ako si Ariana Brittany Aquino. 17 years old. Nagaaral sa Starfields Academy. Secretary ako ng 11-Elegance. Nagtransfer ako ng school dahil yung school ko dati di na tumatanggap ng grade 11 & 12 students. Masayahin. Kalog. Nakilala ko si Joyce kanina lang sa dance club at kanina, masaya pa sya kamo at yun ang dahilan kung bat ko sya kinaibigan. Ang masayahin nya kase. I like girls that are jolly.

"Wala to. Napagod lang ako." sagot nya. Ang hirap namang paaminin nito. Pabebe pa.

"Tch. I'm not that stupid para maniwala ako na okay ka lang. Remember, babae din ako. And you can tell it to me naman." Like duh! Para san pa ang magkakaibigan?" sabi ko naman sakanya.

"Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko. Remember si Mark? Yung kasama ko sa wallpaper ko sa phone? Yun. Diba sabi ko na crush ko sya? And kapag crush, dapat hindi nasasaktan. Pero, kanina sinabi nya na he likes someone already and that girl is not me, I can't understand kung bat ako nasasaktan dahil don eh crush lang naman." kwento nya habang kinukuha yung notebook nya.

"Ah, kaya. Wait, crush mo lang tapos nasasaktan ka? Hmm. Ayoko agad magconclude eh. Pero eto lang, its a bad sign, Joyce, I swear." sabi ko sakanya na ikinagulat nya. "Bakit naman naging bad sign yun?"

"Hays. Inosente ka pa kasi pagdating sa ganito eh. Basta. Kapag inexplain ko, di mo rin maiintindihan. Basta, Joyce, its really a bad sign, I swear." sabi ko at tinaas yung kanang kamay ko at tumango-tango.

Napabuntong-hininga naman sya sa sinabi ko. Ayoko pa kasing sabihin kung ano yung conclusion ko eh, I need more evidences. Char!

"Sino ulit yung crush nya?" tanong ko baka kase kilala ko diba. At syempre wala lang. Gusto ko lang malaman.

"Julia Lorraine Medina daw? Taga 11-Intelligence." sabi nya habang nagsusulat.

Ah. Sino ba y-

Wait.


Hindi. Baka nabingi lang ako.


Naglinis naman ako ng tenga ah.



Julia Lorraine?!?!

Baket yun pa.


Wag nyong isipin na gusto ko sya.. Di ako tomboy. At please matuto kayong mandiri.

Di naman siguro ako magrereact kung di ko sya kilala. Dati ko syang schoolmate. Di naman ako magtakaka kung maraming magkagusto sa kanya kasi di hamak na maganda talaga sya. Mukha syang inosente, kalmado, tahimik. Mukha syang anghel kung titingnan mo. Pero once na nakilala mo sya at nakita mo ang ugali nya, welcome to the living hell. Isa syang BITCH. Okay sana kung mabait na bitch eh, kaso hindi. Isa syang malandi at maarteng BITCH. Walang nang nagkagusto sakanya simula nang malaman nila na pangit ang ugali ng babaitang yun. Maraming nagsasabi na nagbago na raw, di ko naman pwedeng sabihin kay Joyce na malandi at masama yung babaeng yun, its better if she's the one who will find out. Di ko pa din kase sure kung talagang nagbago na yun. Pero kung oo, edi good for her. Makakapasok na sya sa langit.

"Uhm, Ariana. Kilala mo ba?" tanong saken ni Joyce. Di ko namalayan na natulala na pala ako kakaisip.

"Ah. Hindi. Di ko sya kilala eh." sorry Joyce kailangan ko muna magsinungaling. Ayokong mabahiran ang maganda mong ugali at baka mas lumala lang ang sitwasyon kapag sinabi ko agad.

Riane's POV

Tama naman yung sinabi ni Ariana. I'm actually thankful na nandyan si Ariana for me kahit nagkakilala palang kami. Iba padin talaga kapag may babae kang kaibigan, nagkakaintindihan kayo sa mga bagay-bagay. Kakakilala ko palang sakanya pero para ang bang gaan ng feeling ko sa kanya. Di ko na lang sguro masyadong papansinin yung nararamdaman kong to.

"Sige, Joyce. Simulan na natin magsulat." aya nya at nginitian ko sya saka sinimulang magsulat ng article na ipapasa ko.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon