BLNA's new cover on the multimedia!
Riane's POV
(Friday.)
Last day na ng pagpapapirma sa clearance ngayon ng mga pres at vice pres. Malaki ang tuwa namin ngayon ni Angelene dahil nakakastress naman talaga ang pagpapapirma lalo na kung kaming dalawa lang. Nandito kami sa classroom ngayon at hinihintay na lang na makumpleto lahat para maexplain namin.
"Riane, bakit nga pala nawala ka kahapon? Sabi mo na kay Ariana ka lang ah." tanong ni Angelene habang inaayos yung clearance. Oo nga pala. Sinabi ko kasi sakanya na hanapin na lang nya ko sa 10E pero ayun nga, nagusap kami ni Julia at nawala sa isip ko yun.
"Nako sorry. Kinausap kasi ako ni Julia tas pumunta ako sa bahay nila." pageexplain ko. Nanlaki naman yung mata ni Angelene sa sinabi ko. Napakunot naman yung noo ko sa reaksyon nya. "Pumunta ka sa bahay nung babaeng yun? Nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa nya sayo?" sabi nya. Alam ko namang magiging ganito reaksyon ng ilan pero ako nga nakalimutan ko na eh, dinaig pa nila ko.
"Past is past. Besides, nagsorry na naman sya, okay na yun." sabi ko at ngumiti. Nagpalinga-linga naman ako sa classroom at bigla akong napatingin kay Mark. Nakita kong nakatingin na sya sakin kaya na-awkward ako. Ngumiti naman sya pero iniwas ko yung tingin ko. Hindi naman ako galit sakanya pero sadyang hindi ko lang talaga kayang ngumiti pabalik sakanya.
Tingin ko ay nag-giveup na sya sa paghingi ng tawad sakin dahil sa ginawang pagtataboy ni kuya sakanya nung isang linggo. Sinusubukan ko na ngang magmoveon eh pero sa tuwing gagawin ko, nauudlot, dahil may nangyayari na maganda o nakakatanggap ako ng magandang balita, nahihirapan tuloy ako.
Buti pa nga si Julia eh, humingi na ng tawad at nagka-ayos na kami, pero si Mark, sumuko na yata. Saglit nga, bakit ko ba sila pinagkukumpara. Bad ka Riane, bad.
Inalis ko yun sa isipan ko at tinulungan na lang ang secretary namin na magcheck ng attendance. Nakita ko naman na kumpleto na ang klase kaya sinabi ko yun kay Angelene. Nagsimula na naman si Angelene na magexplain kung ano ang kailangan nilang malaman regarding the clearance. Habang nagpapaliwanag si Angelene, ay nagiikot-ikot ako sa klase para masiguro na nakikinig silang lahat. Napatigil ako sa pwesto nina Karl, Shawn, Clarence, at Mark nang napansin ko na may sinusulat sila sa notebook. Hindi yata nila namamalayan na nasa likod nila ko at nakikita ko kung anong nakasulat sa notebook nila.
Nagcocompute sila ng kung anu-ano. May nakita kong sampung fries, 2 gallons of ice cream, cake, frappe at kung anu-ano pa. Pumunta naman ako sa harapan nila at unti-unti nilang tinaas ang ulo nila para makita ako. Nagpeace sign naman si Shawn sakin pero kinuha ko yung notebook na pinagsusulatan nila.
"Para saan ba to?" tanong ko habang hinahablot ang notebook papalayo sakanila. Nakahawak parin sila doon sa notebook kaya tinaasan ko sila ng kilay. Binitawan naman nila yun agad at nagtinginan sa isat isa.
"P-para y-yan sa ano, sa ano, uhm.." sabi ni Shawn habang nauutal. "Para yan sa g-gagawin ni Mark!" pagkasabi nya nun ay tinakpan nya ang bibig nya at tinignan nya ang nga kaibigan nya. "Gagawin ni Mark?" tanong ko sakanila. Bigla namang nagsalita si Clarence. "Para yan sa gagawin nya sa girlfriend nya, Riane." sabi nya saka ngumiti. Tinignan ko naman si Mark na nakatingin lang sakin ng seryoso. Tumango-tango naman silang apat sa sinabi ni Clarence.
"Wala akong pake kung para kanino tong surprise nyo na to. Wala din akong pake kung sa girlfriend pa to ni Mark, pero sana making naman kayo habang may nagpapaliwanag sa harapan diba." sabi ko. Ewan ko ba, nainis ako nung sinabi ni Clarence na para sa girlfriend ni Mark yun. Pinaghahandaan nya yung ganong bagay pero pagsosorry sa bestfriend nya, di nya magawa-gawa? Putek! Bakit ba ko naiinis.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."