9

4.3K 142 57
                                    

Ariana on the multimedia! :)

Clarence's POV

Ayun, pinuntahan na ni Mark si Julia his labs. May masama talaga akong kutob dito kay Julia eh. Ay ewan. Nandito lang ako ngayon sa singing club practice room, at ayun na nga, nakikipagusap si Mark kay Julia. Malapit na lang naman dance club practice room, kaya pupuntahan ko na muna si Riane.

Ako nga pala si Clarence Peter Legaspi, 17 years old, kaklase nina Riane at Mark. Average student lang ako. Crush ko si Riane mylabs. Ang bakla. Pwe. Pero seryoso, crush ko yang si Riane. Maganda sya, matalino, magaling sumayaw, tapos ang masayahin pa nya. Kaunting efforts mo lang, sumasaya na sya. Hay. Yan ang tipo kong babae, hindi yang si Julia. Kahit ba na aaminin ko na mas maganda si Julia kay Riane, ramdam ko namang mas maganda ang ugali ni Riane kaysa doon.

Pupuntahan ko muna sya sa practice room nila, hinayaan ko munang dumamoves si Mark kay Julia. Kaya, dito muna ko, nood lang ako kay Riane.



Papunta na sana ako ng dance room, pero nakita ko na madaming nagkakagulo sa loob at ang nakakapagtaka pa, bakit may medic?!

Mark's POV

"Uhm, hi po. May I know who are you?" sabi nya. Ang galang nya tol. Nakakainlab lalo. Sinabayan pa nya ng ngiti na magbibigay nginig saken. Ang bakla diba? Pero handa akong magmukhang bakla para kay Julia.

"M-mark James Tolentino." sabi ko. Nautal pa ko, lakas talaga ng tama ko kay Julia.

Tumawa sya ng mahina. Mahinhin pa sya yata. Di sya tulad ni Riane na kung makatawa, kitang-kita mo na kay gilagid. Joke lang. Riane, labyu bespren. Hahaha.

"Pwede ba kong makipagfriends?" tanong ko. Ang lame naman ng sinabi ko. Nakakatameme kasi kagandahan nya.

"Oo naman. Friendly naman ako eh. Hihi." sabi nya. Ang ganda talaga nya sobra.

"Pwede ka bang manood ng practices namin at sa mismong presentation para maging close tayo lalo? You know, I want to have a close boy friend around." tanong nya. Ang akala ko boyfriend hahahaha. Pero syempre may space paren. Friendzone. Hahaha.

"Oo naman! Isang Julia Lorraine Medina na yata ang nagyaya saken, aayaw pa ba ko?" sabi ko. Um-oo ako kase syempre, di naman siguro sabay ang presentation ng singing at dancing syempre dahil gusto syempre ng school na maraming sumuporta sa bawat clubs.

"Kailan ba?" tanong ko.

"Next week ng Tuesday." sabi nya. Okay. Marked na sa calendar ko yan!

"Wala nang atrasan ah!" sabi naman nya. Syempre naman Julia, ikaw pa ba aatrasan ko.

"Practice!" sabi naman ng instructor.

May chance yata ako kay Julia Lorraine! Makwento nga to kay Riane! Sigurado matutuwa yun! At tsaka tatanungin ko na rin kung kailan contest nya.

Nasan nga pala si Clarence? Iniwan ako ng loko pero hayaan mo na nga para naman masolo ko sya.

Clarence's POV

Baket may medic?!?

Nakita ko yung isang babae, na nakahiga sa stretcher na walang malay tapos may nilalagay na benda sa paa nya. Sino kaya yun?





Saglet nga.








"Ms. Jane, pwede ba kaming sumama sa clinic para mabantayan si Riane?" tanong nung isang babae don sa dance teacher yata nila. Tumango naman yung ms. Jane. Pero saglit, sino daw? SI RIANE?!?!






Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon