25

3.4K 120 13
                                    

Angelene on the multimedia :---).

Riane's POV

Nagtataka parin ako hanggang ngayon kung bakit pagdating ko doon sa table ko, nagpaalam agad sina Trisha at Julia. Si Julia nga medyo parang papaiyak na yung itsura, tinanong ko naman kung bakit pero sabi ni Trisha, dysmennorhea lang daw at pupunta sila sa clinic. Siguro nga ganon lang yung dahilan.

Isa pang pinagtataka ko ay kung bat nawala yung picture namin ni daddy. Picture ko kasi yun nung mga 6 yrs old ako. Yun lang ang naalala kong picture na kasama ko yung daddy ko kase namatay na sya. Di ko alam kung san ko nalagay o ano. Sana naman di nawala yun at namisplace ko lang sana.

"Oy Riane! Okay ka lang dyan?" tanong saken ni Angelene na umupo sa table ko. Sya ang president ng class namin. Nanalo din yan ng Ms. Intrams no! Di lang halata kasi walang poise hehehehez.

"H-ha? Oo naman. Bakit mo natanong?" tanong ko naman pabalik sakanya sabay inom ng drinks na binili ko kanina.

"Ah akala ko kung ano na. Hihingi ako ng tulong sayo para maayos yung classroom. Ang gulo eh punyeta." mahinang sabi nya. May mura kase kaya hininaan nya. Ganyan talaga yan. Pag nagsasalita yan o nakikipagusap, laging may halong mura.

"Hahaha. Sige sige." sabi ko naman sakanya sabay tayo para makapunta na sa classroom. Kailangan ko munang gawin ang duties ko bilang class officer.

Julia's POV

Nandito ako sa cr kasama si Trisha. Kanina pa ko iyak ng iyak kasama sya dahil sa nakita ko. Sigurado akong yung tatay ko ang nakita ko sa picture na kasama ni Riane. Di ako pwedeng magkamali.

Naalala ko na naman ang tatay ko. Siya lang naman ang naging dahilan kung bakit naging ganito ang ugali ko. Lagi kong pinapakita yung pagkabitch kong side dahil ayoko na halos magkaroon ng kaibigan. Masasanay naman kasi ako na mayroon akong kasama eh. Tapos pag iniwan ako, ano? Iiyak na naman ako? Di ko na naman alam kung paano ako makakabangon sa pagkadapa ko? Mauulit na naman ang nangyari saken nung iniwan kami ng tatay ko? Hell no.

Hangga't sa nasanay na lang ako na masama na ako at di ko na kayang baguhin. Sabi ko din sa sarili ko na maghihiganti ako sa lahat ng mga lalaki. Pare-pareho lang sila! Manloloko gaya ng tatay ko! Kaya ko niloloko at ginagawa ang "revenge" plan ko kay Mark.

Okay na ako eh. Nakakamoveon na ko sa first heartbreak ko. Galit na lang ang nararamdaman ko para sa tatay ko. Hindi ko na sana idadamay si Riane sa plano ko eh. Pero nung nalaman ko na dahil sa nanay ni Riane, nagulo ang pamilya namin. Naisip ko na siguro kailangan kong ituloy ang 'revenge' plan ko na kasama si Riane.

Alam ko na mabait sya. Wala syang kinalaman dito pero ang nanay nya! Ang nanay nya ang dahilan kung bat wala na ang happy family ko. At hindi na magbabago ang isip ko sa gagawin ko.

"Julia? Okay ka lang ba dya-"

Lumabas ako ng cubicle at pinahid ang mga luha na tumutulo paren sa mukha ko. Inayos ko ang mukha at buhok ko na nagulo sa pagiyak ko. Dapat di nila makita ang weak side ko dahil baka isipin nilang ang tatay ko lang ang magpaiyak saken at gawin itong dahilan para maapi ako. Hell no. I wont let that happen.

"Nagbago na isip ko. Idadamay ko na pati si Riane sa plano." diretsang sabi ko na ikinagulat naman nya. Siguro dahil sa pagbabago ng isip ko. Kanina kasi desidido na kong ayawan ang pagdamay kay Riane pero ngayon, nagbago na ang lahat. Idadamay ko sya no matter what. Besides, ang nanay nya ang dahilan kung bat nasaktan ang nanay ko.

"Pero, Julia. Half sister mo si Riane kung ganon. Magkadugo paren kayo yet youre going to have revenge on your sister?" tanong naman saken ni Trisha. Yes. Shes my sister pero sa tatay lang. Then its not a valid reason para hindi sya idamay dito.

"I dont fvcking care." sabi ko ng pagtataray sakanya at ngumiti naman sya saken.

"Kung inagaw nya ang tatay ko na isa sa pinakamahalagang lalaki sa buhay ko then aagawin ko din ang sakanya." sabi ko ng matigas sakanya. Napakunot noo naman sya sa sinabi ko. Di nya yata nagets. This girl is really a slowpoke.

"Sino?" tanong naman nya saken.

"Sino pa ba? Edi his beloved bestfriend. Edi si Mark."

Mark's POV

"Hoy Mark Tolentino. Ayusin mo nga yang pagwawalis mo dyan!" sigaw saken ni Riane. Oo. Naglilinis kasi kami ng clasroom namin ngayon. Di kasi kami kinaya ni Angelene na icontrol kaya kumuha sya ng powers ni Riane. Pag on duty kase sya, wala syang bias. Kahit bestfriend to the moon and the back ka pa nyan, sisigawan ka ng sisigawan nyan pag di maayos yung ginagawa mo.

"Oo na! Aba kayo kaya maglinis?" sagot ko naman. Sumagot naman ng "oo nga" yung iba. Oh diba? Sangayon sila? Inaayos kasi namin yung classroom. Yung iba, naglilinis. Yung iba inaayos yung bulletin board. Yung iba naman, nililinis yung whiteboard.

"Aba kung ikaw din kaya magsaway ng mga pasaway na tulad mo ha?" sigaw naman nya saken. Nagsigawan naman ng "buuuuurn" yung iba. Oo na, barado na ho ako. Pero kung sabagay, mahirap din trabaho nilang magsaway ah. Makapaglinis na nga lang.

Maya-maya pa, dumating na ang teacher namin at nagstart na ng discussion nya sa AP ;; fave subject ni Riane. Oo. 90 grade nyan sa report card sa AP no. Pano ba naman kasi? Hanggang 3AM sya nagrereview dyan pag long test. Kaya napeperfect nya minsan long test pati quarterly.

"Mr. Tolentino. Kung titingin ka lang din naman kay Ms. Vargas, wag pahalata ah? Halata eh." sermon saken ni ms. Nagsi-"ayyieeeee" naman yung mga kaklase ko at kumanta pa ng Mr. Right. Natawa na lang din si Riane sa pagkanta nila. Mga barkada ko pa talaga kumanta nun.

"Binata na ah! Tuli ka na ba?" malokong tanong saken ni Clarence at tumawa naman yung iba kong barkada.

"Alangan tuli na! Wag nyo kong itulad sainyo mga supot." sagot ko naman at binatukan naman ako ni Karl ;; kasama din sa barkada ko. Bat ba napupunta na sa usapang tuli to?

"Hoy mga lalaki. Bago kayo magusapang tuli dyan magaral muna kayo kung anu-anong mga dinastiya sa Tsina." sigaw naman ni Angelene. Nagsigawan naman ng 'burn' mga kaklase ko. Aba pake ko naman dyan sa mga dinastiya na yan no.

"Oh sya, sya, dinastiya ang pinagaaralan tapos napunta sa tuli. Basta, Mr. Tolentino, wag pahalata na tinitigan si Ms. Vargas ha?" asar ni ms. at nagtawanan yung mga kaklase ko.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon