Hi guys! ☺. May I remind you na 2 chapters na lang (including this one) at epilogue na lang and tapos na ang BLNA. Opo, and di rin ganun magiging happy ang ending nila (pero happy naman 😂, baka di nyo lang magustuhan.) Ang bilis grabe!! Sana suportahan nyo till the end! 💕
Clarence on the multimedia! 😊
Mark's POV
Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Ngayong araw ko na kasi gagawin yung surprise ko for Riane. Nandito kami sa bahay namin at kasama ko si Karl, Shawn, at Clarence. Sinama na din ni Clarence si Ariana pati si Angelene, Meg, at Niña dahil mga babae din naman sila at panigurado alam nila ang magugustuhan ni Riane na kulay ng ganito at ganyan.
Si Karl at Shawn ang nagbobomba ng balloons sa gilid. Si Ariana, Meg, Niña, at Angelene naman gumagawa ng banner na kakailanganin ko din. Ito namang si Clarence inaayos yung boquet na gagamitin para sa boquet of fries na gagawin. Ako naman tong nagsusulat ng letter para sakanya. Mabuti na nga lang talaga at nandito tong mga kaibigan ko dahil kung wala sila, edi hindi naging maayos yung gagawin kong surprise.
"Clarence, mamaya pala, samahan mo ko na bumili nung fries, ice cream at nung frappe sa mall. Karl, at Shawn, kayo na bahalang kunin yung cheesecake na pinagawa natin kay kuya." utos ko habang nagsusulat parin. Lagyan ko kaya tong letter ng stickers? Pero, ano bang tingin ko kay Riane? Bata? Pft.
"Pano pag nandoon si Riane?" tanong ni Shawn. "Sabihin mo, umorder ka para kina Meg at Niña, yun." tugon ko naman. Napatango-tango naman silang dalawa.
"Pero Mark, tama ba yung narinig ko? Nirentahan mo yung park?!?" tanong ni Meg. Tumango naman ako. "Sinabi ko naman kasi yung dahilan at ayos lang naman daw, di na rin ako pinagbayad." sabi ko. Nirentahan ko na kasi yung park days ago para kasi kaming dalawa lang talaga yung nandoon, at sabi nila kahit wag ko na daw bayaran, para naman daw kasi sa bestfriend ko. Ginoodluck pa nga ako eh.
"Kami na lang bahala magayos doon sa park. Anong oras mo ba sinabi sa kuya nya na dapat nandoon sya?" tanong ni Ariana. "Mga 6PM dapat nandoon na sya." sabi ko habang nilalagay sa envelope yung letter ko. Pumunta naman ako sa kwarto ko at kinuha ko lahat ng pictures naming dalawa at pumunta ulit sakanila. "Oh, ano yan?" tanong ni Niña. Pinakita ko naman sakanila. "Gusto ko sanang gawan nyo ng paraan tong pictures." Napatango naman sila. Pictures kasi na kuha ng Instax yung pictures naming dalawa.
Tumango naman silang apat. "Kami na bahala dito. Basta sana wag mo ng saktan si Joyce ha? Mahal namin yung babaeng yun." sabi naman ni Ariana at ngumiti silang lahat sakin. Tumango ako. "Hindi ko na sasaktan yung babaeng yun." sabi ko.
***
"Pre, pwede kayo nalang dalawa ni Clarence ang kumuha ng cake? Natatakot ako eh." sabi ni Shawn. Umandar na naman kabaklaan nito. "Hays, may magagawa pa ba ko. Oo na, oo na. Kayo na lang bumili. Ayusin nyo ah!" sigaw ko sakanila dahil naglakad na sila papalayo. Humarap naman sila at nagbigay ng thumbs up sakin. Nandito kami sa labas ng bahay at ayun, umalis na sina Karl at Shawn para bumili nung fries, frappe, at ice cream. Kami naman ni Clarence na lang ang pupunta sa bahay ni kuya para kunin yung cake. Yung apat naman na babae ay pumunta na ng park at sila na raw magaayos doon.Nagdoorbell kami sa bahay ni Riane at si Julia ang lumabas. Nabigla pa nga kaming dalawa ni Clarence pero naalala namin, kapatid nga pala nya si Julia. Lumabas pa sya na naka-apron at halatang may ginagawa. Nakita naman nya kami at agad na binuksan yung gate.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."