33

2.8K 100 55
                                    

Ariana on the multimedia! :)

Mark's POV

Simula kahapon, di kami nagpapansinan ni Riane. Alam nya naman yung kondisyon ko eh, kakalimutan ko lahat basta magsorry sya kay Julia. Aaminin ko, ang hirap na di kami nagpapansinan ni Riane dahil nasanay na akong nagpapansinan kami palagi, kaya nahihirapan ako na di na kami nagpapansinan ngayon. Pero, mali kase yung ginawa nya kay Julia eh, at kahit bestfriend ko sya, di ko yun papalampasin.

"Mark." tawag saken ng isang babae mula sa likod. Humarap ako at napangiti ako kung sino yun. Si Julia pala.

"Oh, ikaw pala, Julia. Upo ka." utos ko at umupo sya. Pansin ko na hirap sya sa nangyari sa kamay nya na si Riane ang may gawa. Kapag nakikita kong ganon yung nangyari kay Julia, mas lalo akong naiinis kay Riane.

"Julia. Sorry nga pala sa ginawa ni Riane ah. Sorry talaga." sabi ko. Hinawakan naman nya yung kamay ko at ngumiti. "Okay lang. Ano ka ba. Di lang sya nagsosorry kase syempre nahihiya sya diba. No worries." dagdag nya. Napangiti ako sa sinabi nya. Isa yan sa mga dahilan kung bat ko sya nagustuhan. Napakaunderstanding nya at mabait.
"Kamusta na pala yung kamay mo?" tanong ko.

"Okay na sya. Ipapatingin namin sa doktor mamaya. Medyo mahapdi lang talaga." sabi nya sabay ngiti ng pilit. Alam kong nahihirapan sya sa nangyari sa kamay nya. Kung pwede nga lang na ako na lang ang makadama nung sakit na nararamdaman nya eh ginawa ko na.

"Sige ah. Balik na ko sa classroom. Bye Mark. Thank you sa concern." pasasalamat nya at ngumiti.

Balak ko na sana na umakyat papuntang classroom nang may nakita ko si Ariana. Nagkatinginan kami ng saglit at nginitian ko sya pero inirapan nya lang ako at bumili ng pagkain nya. Nagtaka naman ako kung bakit. Nagkakilala naman kami dati nung pinakilala sya ni Riane sa akin nung dance club pero hayaan mo na. Baka naman di nya lang ako natatandaan.

Pero sana naman, gawin ni Riane yun. Gawin na lang nya yun para kay Julia dahil nasaktan talaga si Julia sa ginawa nya eh. At ako? Nadisappoint ako sa ginawa nya. Di ko inaakala na magagawa nya yun.

Ariana's POV

"Joyce naman! Wag ka ngang magsorry sa babaeng yun! Ikaw yung sinaktan at sya yung nanakit! Ano ka ba! Wag tanga be!" naiinis kong payo kay Joyce. Pano ba naman kasi, pinagso-"sorry" daw ni Mark si Joyce kay Julia. Btch please. Yang malandi mong Julia ang nanakit no!

"Di nga ako papansinin ni Mark kung di ako magso-"sorry"." kalmado nyang tugon sa akin. Eto ang hirap eh! Masyado nyang pinapahalagahan yung friendship nya kay Mark eh etong Mark naman na to di naman nya yata pinapahalagahan.

"Bakit mo pa ba pinapahalagahan friendship nyo ni Mark? Parang wala na naman syang pake sa friendship nyong dalawa eh." sabi ko na ikinalungkot ng mukha nya. Alam kong masasaktan sya doon, pero totoo naman kasi eh.

"Bat ko pinapahalagahan? Kasi sabi ng tatay ko kay Mark bago sya mamatay, alagaan daw ako ni Mark. Wag daw naming putulin yung pagkakaibigan naming dalawa. Pinangako ko yun sakanya kaya ayokong biguin ang tatay ko." sabi nya. Gusto ko mang magalit at tumutol, naawa na lang talaga ako sakanya kaya niyakap ko nalang sya.

"Ayoko din kasing mapalayo saken si Mark." bulong nya habang niyayakap ko sya. Kumalas muna ko sa yakap at tinanong sya.

"Bakit?" tanong ko sakanya. Tumingin sya sa mata ko at nagsalita.

"Kasi mahal ko sya."  sabi nya sakin. Pinat ko naman ang ulo nya. "Basta, Joyce. Sana wag mo din namang hayaang matapakan na yang pride at dignidad mo. Joyce, tandaan mo. Madaming nagmamahal sayo, okay? Kaya pag nasasaktan at napapagod ka na, nandito lang kami para sayo." sabi ko sakanya at niyakap ko sya.

Mahal sya ng taong mahal ko kaya aalagaan ko sya ng mabuti.

Riane's POV

Sana nga, tama tong gagawin ko. Para naman kay Mark to eh. Iisipin ko nalang na ginagawa ko to kay Mark at hindi para kay Julia.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Julia. Tama. Ito na nga, Riane. Ito na.

"Julia." tawag ko sakanya at humarap sya saken at tinaasan nya ko ng kilay. Ito ba talaga yung babaeng nagustuhan ng bestfriend ko?

"What bitch? Wala akong time makipagusap sayo." pagtataray nya. Inirapan din ako ni Trisha. Makairap naman tong babaeng to, di naman sya kinakausap.

"Sorry. Alam kong alam mo sa sarili mo na wala akong kasalanan sa nangyari sa kamay mo pero sorry. I'm doing this for Mark and not for you, Julia." sabi ko sakanya at nginitian nya ko at tinalikuran. Napabuntong hininga naman ako sa ginawa ko. Talaga bang ginawa ko yun? Never akong nagsorry sa isang tao na di naman deserve ang sorry ko, pero dahil kay Mark nagawa ko. Ganito ba talaga pag mahal mo yung tao? Yung mga di mo ginagawa dati, nagagawa mo na. At handa mong gawin ang lahat para sakanya?

Binilisan ko na ang paglalakad papunta sa classroom. Pagkapasok ko, hinanap ko si Mark, at nakita ko syang naglalaro. Pinuntahan ko sya at kinalabit ang balikat nya. Tinanggal nya yung earphones nya at tinignan ako ng walang emosyon.

"Bakit?" tanong nya sa akin. "Nagawa ko na, Mark. Nakapagsorry na ko." sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya sakin. "Thank you, Riane." sambit nya at napangiti ako. Salamat naman at okay na kaming parehas.


Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon