Nasa multimedia na ang performance nina Riane. What ya think?
Yung naka pink na blouse, blue shorts and yung naka-curly yung hair, yan si Riane (Yeri).
Yung naka pink, white shorts and mahaba yung buhok na straight, that's Ariana (Joy).
Yung naka red na skirt, then white sya na blouse (?) and parang may red na ribbons sa damit, that's Stephanie (Wendy).
Yung naka white na dress and parang nakaform ng pigtails na weird yung buhok, that's Ializa (Irene).
And yung nakaponytail, red na shirt and nakalace na black skirt, that's Sapphire (Seulgi).
Mark's POV
"Let's now welcome Starfields to execute their performance!" sabi ng MC. Lumakas na ang hiyawan ng mga Starfillians lalo na ang mga kasection ng ibang kasali sa dance contest. Di ko nga naman sila masisi. Nakakaproud nga naman talaga.
Nagsigawan na ang lahat at syempre papatalo ba ang section namin? Nawala na ang poise ng president namin na si Angelene A.K.A Ms. Intrams 2015 kakasigaw. Naririndi na nga si Clarence pero tuloy paren si Angelene sa ginagawa nya. Nakakatuwa lang silang panuorin.
Umilaw na ang stage at lumabas ang checkered-inspired na stage. Hindi. Parang rubik's cube pala.
Nagstart nang magplay ang kanta at nagstart na din silang sumayaw. Lumakas na ang sigawan nila. Hindi ako sumisigaw sa totoo lang. Mamaya na ako sisigaw pag si Riane na ang nasa harapan at part na nya.
Ang galing nilang sumayaw sobra. Halata mong may passion sila sa ginagawa nila at masaya sila na sumasayaw sila to represent our school. After all, dance club members sila at dumaan sila sa masusing auditions at saksi ako doon.
Nasa 2nd part na pala ng kanta. Hindi ko masyadong maaninag si Riane dahil maraming nakatayo at nakaupo lang ako. Tumayo na lang ako sa upuan para makita ko at baka namiss ko ang part na nasa harapan sya.
Pagkatayo ko, lumakas ang sigawan ng section namin. Bat naman? Ano namang mer-
Si Riane na pala yung nasa harapan.
Nakasuot sya ng pink na blouse tapos blue na shorts. Naka-ayos din yung buhok nya at nagiba yung anyo ng bestfriend ko. Nakangiti sya na sumasayaw at nakatingin sa gitna ng audience. Ang galing nyang sumayaw. Naglilipsyc din kasi sila para magmukhang realistic ang performance nila and its on point.
Nasa dance break part na pala sila. Bridge na yata ang susunod nito. Di ko paren maalis ang tingin ko kay Riane. Ang ganda nya kasi eh. Iba yung itsura nya. Mas nagmukha syang mature dahil sa makeup na meron sya.
Rap part na at si ate Ializa at ang nasa unahan pero nakatingin parin ako sakanya. Hindi na sya nakangiti ngayon pero nakafierce look na. Siguro nga, binabagay nya yung expression ng mukha nya sa part nung sayaw.
Part na pala ni Ariana. Maiksi masyado yung shorts nya pero ang ganda nung legs nya. Bat ko ba yun pinapansin? Rap part din pala sakanya.
"Mark. Ang ganda ng legs ni Ariana." bulong saken ni Clarence na umakyat din pala sa upuan na katabi ko.
"Manyak mo gunggong." tugon ko naman sabay batok sakanya. Bumaba na sya ng upuan at tinabihan si Angelene na nagchicheer paren hanggang ngayon. Di ba mapaos to? Haha.
Napansin ko na natapos na ang rap part at part na ni Riane. Sumigaw naman ang mga kaklase ko ng "GO RIANE JOYCE VARGAS! LABYU!" literal na "labyu"talaga yung sinabi nila. Hays. Ahahaha. Papahuli ba ko? Edi sumigaw ako ng ;;
"WOOOO! MAHAL KITA RIANE!"
Syempre as a bestfriend yun. Narinig naman nya yata at tumingin sa direksyon namin at ngumiti. Bat ba feeling ko ang init ng pisngi ko ngayon? Mainit nga pala. Ay tama, oo, m-mainit tama. Bat ba ko naiilang kung sigawan ko sya ng "Mahal kita"? Normal na lang naman samin yun eh. Bat ko ba hinahaluan ng malisya eh di ko naman sya gusto? Hays. Ang gulo.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."