Clarence's POV
"Rence, anyare kay Mark?" tanong ni Karl.
"Ano bang nangyari?" tanong ko. "Di mo ba alam?!" tanong nya pabalik. "Gago kaya nga nagtatanong eh." pambabara ko sakanya. Napahawak naman sya sa sentido nya at nagsalita. "Sinigawan ni Mark si Riane. Tapos parang nagka-eksena pa silang dalawa sa labas." sabi nya. Nagtaka naman ako dahil parang nung isang araw lang, nakita ko pa silang magkayakap doon sa basketball tryouts tas ngayon, magsisigawan sila?
"Alam mo ba kung anong meron?" sabi ko. "Kaya nga rin ako nagtatanong diba." pambabara nya pabalik sakin. Wala namang nasasabi si Ariana tungkol doon eh, kaya mas lalo akong nag-aalala. "Dyan ka lang muna, may kakausapin ako." paalam ko at tumango naman sya at naglaro sa phone nya.Bumaba ako para hanapin si Ariana. Sakanya na lang naman ako nakakahanap ng ganyang impormasyon. Kahit kasi kay Meg at Niña, na mga kaibigan nya sa classroom, walang alam sa ganyan. Talagang ako lang at si Ariana ang may alam nang lahat tungkol sa pinaggawa ni Julia.
Nakarating na ko sa classroom nila. Kumatok muna ko bago ko inexcuse si Ariana. "Excuse me lang kay Ariana." sabi ko. Nakita naman ako ni Ariana at pumunta sakin. "Problema mo?" tanong nya agad.
"May nangyari ba kay Riane at Mark kahapon?" tanong ko. Kumunot naman yung noo nya sa sinabi ko. "Wala naman. Bakit?" sagot nya ba mas ikinabahala ko. "Kanina kasi, sinigawan daw ni Mark si Riane, tapos gumawa pa daw ng eksena sa labas ng classroom." sabi ko. Mas kumunot yung noo nya sa mga pinagsasabi ko pero unti-unting nawala yun.
"Tingin ko sinabi na nya." sabi ni Ariana. "Sinabi ang alin?" tanong ko. "Sinabi ko na ang lahat kay Joyce dahil nga kahapon, may ginawa na namang kalokohan si Julia at Trisha. Kaya kung mapapansin mo, may mga pasa si Joyce sa braso."
Nabigla ako dun sa sinabi nya. Hindi ba talaga titigil sina Julia at Trisha sa pagpapahirap kay Riane? Kaya pala wala sya sa tryouts kahapon at di nagrereply sa texts ni Mark. Pero nakakainis! Wala man lang ako doon para ipagtanggol sya!
"Pero tingin ko sinuway nya ko na wag sabihin kay Mark lahat nang iyon." sabi nya at napabuntong hininga. "Bat naman sila magsisigawan? Eh alam na ni Mark yung totoo?" tanong ko. Napasampal naman sya noo nya sa sinabi ko.
"Tingin mo naman naniwala si Mark sa sinabi ni Joyce? Syempre hindi. Kasi ang paniniwalaan nya yung malanding yun." paliwanag nya. "Nasan na si Joyce ngayon?" tanong nya. Oo nga pala. Nasan na si Riane ngayon?
Riane's POV
Kailan ba kasi mauubos tong mga luha ko? Kailan ba kasi? Hindi tuloy ako makapasok ng classroom dahil patuloy parin sa pagbagsak yung mga luha ko.
Nandito ako sa mga kubo. Hangout place to madalas ng mga estudyante kapag lunch. Sakto naman at may bakante ngayon kaya doon muna ko tumuloy pagkatapos nung insidenteng yun.
Talaga bang mas pinaniniwalaan na nya si Julia kaysa sakin? Hindi man lang ba nya pwedeng tanungin din yung panig ni Julia? Kung sabagay, kasinungalingan din naman yung sasabihin nung babaeng yun.
"Riane?!"
"B-blake?"
Nagkita na naman kami ni Blake dito. Pumasok sya doon sa kubo at inabot yung panyo nya. Kinuha ko naman yun dahil basang-basa na din naman yung panyo ko.
"Bat ka umiiyak?" puna nya. Kung ikukumpara mo yung boses nya kapag kausap mo lang sya, mas malumanay yung boses nya ngayon, yung nagcocomfort kumbaga.
"Si Mark." pagamin ko. "Mas naniniwala sya kay Julia kaysa sa akin na bestfriend nya. Ay hindi, bestfriend lang naman ako eh. Tama. Bestfriend lang. A-ano bang karapatan ko s-sa b-buhay n-nya?" pautal-utal kong sagot sakanya dahil umiiyak na naman ako.
"Edi iwasan mo. Iparamdam mo sakanya na di mo kailangan ng isang Mark James sa buhay mo." sabi naman nya. Napangiti ako ng mapait. "Kung madali lang, edi sana ginawa ko na diba. Pero hindi. Ang tagal na naming magkaibigan eh, tapos masisira lang dahil sa babaeng yun?" sabi ko.
"Eh anong balak mong gawin? Umiyak nang umiyak hanggang sa di ka na naman makahinga dyan?" sabi nya. Hindi ko alam kung saan nya nalaman yung tungkol doon pero sabi sakin, wag na lang daw ako maiistress dahil medyo mahina ang puso ko at di ko kayanin kaya ang resulta, hindi ako nakakahinga at mangyari ang tulad ng nangyari sakin dati.
"Susubukan ko paring paniwalain si Mark na totoo yung sinasabi ko." sabi ko. "Tanga ka ba o ano? Ayaw nga nyang maniwala sayo eh! Tapos, ipagpipilitan mo pa?" sabi nya. "Tanga na kung tanga! Eh ano naman? Eh sa gusto kong maibalik yung pagkakaibigan namin! Papatunayan ko na hindi isang Julia Medina lang ang magpapasira samin!" sigaw ko at lumabas na ko ng kubo at umakyat papaitaas.
Alam kong tanga ko sa gagawin ko pero susubukan ko paring paniwalain si Mark na ako ang tama at si Julia talaga ang mali.
Julia's POV
"Your plan is a success, girl! You rock!" sabi ni Trisha. Well, sinabi lang naman ni Mark sakin na sinisiraan daw ako ni Riane sakanya, I predicted ever since that this is going to happen pero I never knew na magiging mabilis lang pala. Eh nakuha ko na nga yung tiwala ni Mark eh, kaya ayun. Hindi sya naniwala. Aw. I pity Riane. Hindi pinaniwalaan ng bestfriend nya.
"So, ano nang balak mo ngayon?" tanong ni Trisha. "Well, paabutin ko muna ng ilang weeks bago ko sabihin kay Mark. Baka kasi may mga plano din tong si Riane eh. Let her do her plan first before I do mine." sabi ko. Naghi-5 naman kami ni Trisha dahil unti-unting nang nagiging success ang plano namin.
Unti-unti na kong nakakaganti sa babaeng sumira ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Hayran Kurgu[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."