kuya Shawn on the multimedia! :---)
Riane's POV
Nakahiga lang ako ngayon sa kama. Sa sobrang dami nang nangyari ngayong araw, gusto ko na lang magpahinga at matulog. Pero, everytime na sinusubukan kong matutulog, di din naman ako makatulog.
Di naman talaga ko dapat aamin kay Mark na mahal ko sya, pero siguro nga, nadala na ko sa mga emosyon ko. At kung tutuusin, kailan ko pa masasabi yun? Eh simula nga ngayong araw, wala na kong Mark James Tolentino na kaibigan. Tsaka kahit naman umamin ako, may pake ba sya? Eh may pake lang naman sya kay Julia.
"Riane?" tawag saken ni kuya Shawn mula sa labas. Pagkakatok nya ay pumasok na din sya agad sa kwarto ko at may dalang cake. Ngumiti naman ako sakanya at pinatong nya yung cake at milk sa lamesa na malapit sa kama ko.
"Kuya, pano mo nalaman na gutom ako? Ikaw nagbake?" tanong ko sakanya. Tumango naman sya at ginulo ng marahan yung buhok ko.
"Bat ka pala biglang pumunta? May sasabihin ka no?" sabi ko habang kumakain ng cake. Oreo cheesecake yung ginawa ni kuya. Alam nyo naman na chef si kuya diba? Pero marunong na din yan magbake.
"Riane. Babalik na kasi ako sa ibang bansa. Meron kasing nagbigay ng job opportunity sakin sa ibang bansa." sabi ni kuya at napahinto ako sa pagkain ng cake. Pinatong ko muna yun doon sa lamesa at nagbuntong hininga.
"Kuya naman. Pati ba naman ikaw, iiwan mo ko dito? Diba si mommy nga, di na halos nauwi dahil sa sobrang busy sya sa trabaho nya, tas ikaw. Babalik ka na naman doon." sabi ko.
"Riane, nandito naman si Mark para alagaan ka eh." sabi ni kuya na ikinabuntong hininga kong muli.
"Kuya, nagaway kami ni Mark." sabi ko.
"At kuya, masyadong naging seryoso yung away namin ni Mark. Pagod na pagod na kong intindihin sya kuya kaya pinutol ko nalang yung pagkakaibigan naming dalawa. Puro na lang sya Julia, na nakakalimutan na nyang may Riane na napapagod ding intindihin sya." sabi ko na ikinagulat nya. Sinabi ko na kay kuya dahil sya lang na lang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ngayon.
"Bakit? Parang nung isang araw, okay pa kayo ah?" tanong nya. Nararamdama ko namumuo na naman yung luha sa mata ko pero ngumiti nalang ako.
"Kuya, pinili na nya si Julia kaysa sakin. Nung nasprain ako kuya? Diba pinili nya si Julia? Nung dati na umuwi ako galing sa mall dahil bumili kami projects sa school, si Clarence pa naghatid sakin nun, alam mo kung bakit kuya? Inuna nya si Julia. Nakipagdate. Yung dati na hinimatay ako? Bumisita sya sa ospital nun diba? Alam mo ba yung nangyari kuya? Imbis na kamustahin ako, pinahihingi pa ko ng tawad dahil sinabi ni Trisha sakanya na ako ang dahilan kung bat nabubog ang kamay ni Julia kahit hindi naman talaga." sabi ko sakanya. Nakita ko naman na handa nang sumuntok si kuya dahil sa mga naririnig nya.
"Yung dati, sinabutan at sinampal pa ko ni Julia at Trisha. Tapos kahapon? Di na ko nakapagtryouts sa basketball dahil ginawa na naman nila yun sakin kahapon sa basement. Buti na lang dumating si Ariana. Don ko nalaman na niloloko palang ni Julia si Mark." dagdag ko.
"Bakit di mo to sinasabi sakin ha?!?! Pwedeng makasuhan sina Julia at Trisha sa ginawa nila sayo, Riane!" sabi ni kuya. Alam kong magrereact ng ganito si kuya kapag nalaman nya.
"Alam ko kasing irereklamo mo sila, kuya kapag nalaman mo. At bakas mas mapahamak pa ko, kuya." sabi ko. Napabuntong hininga naman si kuya sa narinig nya. Nagets naman nya sguro yung point ko.
"Nung pauwi na kami, sinabi ko sakanya na magusap kami. Pumunta kami ng park at nagusap kami. Sinabi ko sakanya lahat pero hindi sya naniwala. Sinabihan nya ko na sinungaling daw ako. Nagbago na daw ako. H-hindi sya n-naniwala k-kuya." sabi ko. Nauutal na halos ako dahil papaiyak na naman ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."