Hi guys! Yes, BLNA is finally back. 👏We are close to 10k reads guys! Thank you 💋
Riane on the multimedia!
Mark's POV
"Pre, ngayon mo na gagawin diba?" tanong ni Karl sakin habang nandito kami sa classroom. Tumango naman ako sakanya. "Hindi ko nga alam kung paano ko sya makakausap eh. Busy na silang parehas ni Angelene dahil aasikusahin na nila clearance natin." sabi ko naman.
Clearance month na kasi kami. Sa first week ng clearance month, ang president at vice president muna ang magpapapirma. Sa second hanggang 4th week, individual na ang pagpapapirma ng clearance.
Ayoko namang patagalin tong panunuyo ko kay Riane dahil alam kong mahihirapan ako. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko talaga alam kung pano ko sya makakausap ng maayos eh busy sila ni Angelene.
"Mr. Mark James, are you even listening?" tanong sakin ni sir. "Yes, sir." tugon ko naman. "Make sure." sabi ni sir at lumabas na sya ng classroom. Pumunta naman sa harapan agad sina Angelene at Riane.
"Okay guys. Ako bahala sa clearance ng girls. Si Riane sa boys. Okay?" sabi ni Angelene. Hindi ko alam pero hindi ko maiwas ang tingin ko kay Riane. Tapos habang tinitignan ko sya, lumalakas talaga yung kabog ng dibdib ko. Yung tipong gustong kumawala. Sinabi ko na to kay Clarence pero sabi nila, pakiramdaman ko daw muna tong nararamdaman ko. Hindi ba nila pwedeng sabihin agad? Tingin ko nga, may allergy ako kay Riane. Dahil sa tuwing ngingiti sya, lalapit sya, nararamdaman ko tong puso ko na kumakabog.
"Mark, baka matunaw na si Riane. Makinig ka nga, nyeta." tawag pansin sakin ni Angelene at hindi ko namalayan na natulala na pala ako sakanya. Tinignan ko naman si Riane at hinampas nya si Angelene. Nagsi-"ayyieee" naman tong mga kaklase ko. As expected sa mga estudyante na senior high na. Hays.
Natahimik kami nang biglang may kumatok sa pinto at binuksan ito. Hindi namin alam kung sino yun kaya natahimik kami bigla.
"Sorry sa istorbo, pero can I excuse Riane?" sabi nung lalaki. Nakasalamin sya pero hindi sya mukhang nerd. Parang nakita ko na sya dati, pero hindi ko lang maalala.
Nagmouth naman ng "bakit" si Riane sakanya pero sinenyasan naman nung lalaki si Riane na lumabas na lang ng classroom. Wala naman syang nagawa kaya lumabas na lang sya.
Pagkaalis ni Riane sa classroom, nagsitanungan naman halos lahat kung sino yun. "Hoy pre, sino yun? Manliligaw ba yun ni Riane?" tanong ni Clarence sakin. Nagkipit-balikat naman ako. Pero di ko din naman maalis yung kunot sa noo ko dahil sino ba yun? Bakit nya inexcuse si Riane? Sino ba sya sa buhay ni Riane? Manliligaw? Chatmate? Textmate? Asawa ba nya?
"Hoy Mark, dahan-dahan. Tignan mo ginawa mo sa clearance mo oh, gusot-gusot na." puna ni Shawn at tumawa sya. Tinignan ko naman yung clearance ko, gusot-gusot na nga.
"Mark, anong nararamdaman mo nung nakita mo yung lalaki na inexcuse si Riane?" tanong ni Karl.
"Ewan. Basta ang alam ko lang, ayokong may lumalapit kay Riane na hindi ko kilala." sabi ko at inayos yung upo ko. Napatawa naman sila sa sinabi ko habang ako? Eto, naguguluhan sa inaasal nilang tatlo.
"Hay nako, Mark. Kaunting tiis nalang, malalaman mo na yang sakit mo kuno. HAHAHA." sabi ni Karl at tumawa sya. Binatukan ko naman sya sa sinabi nya.
Pero sa ngayon, kailangan lang talagang masagot tong dalawa kong tanong.
Sino yung lalaking yun?
Tsaka bat parang nagseselos ako?
Riane's POV
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."