Julia on the multimedia :-----).
Julia's POV (a/n gandang pambungad e no HAHA :*)
"Hey Julia. Balita ko nanalo daw yung group ng bestfriend ni Mark ah. Hmm." balita saken ni Trisha ;; my bestfriend na bitch din. So yeah. Pareho kaming bitches and we dont give a fvck.
"Yeah. Its all over the school newspaper and its on the bulletin board as well. So what? I dont care about his bestfriend anyways." pagtataray ko. Totoo naman eh. I dont care about his bestfriend. Di naman sya nagiging sagabal sa mga plano ko. Kaibigan sya ni Ariana pero theyre different. Wala sa mukha na palaban si Riane.
"Akala ko ba gaganti ka sa bestfriend ni Mark? Got a new plan?" tanong saken ni Trisha sabay tanggal ng earphones nya.
"That Riane is boring. Masyadong magiging madali kung pati sakanya gaganti din ako. And kailangan kong makuha yung loob nung bestfriend nya para makuha ko ang sympathy pati nung bestfriend nya diba?" sabi ko. Yes. I also need to be kind to her besides wala naman syang ginagawa saken or shes not a 'sagabal' or whatsoever you call it.
"Hmm. Nice plan bitch." sagot naman nya sabay nakipagapir saken.
Riane's POV
Nandito na ako sa gate ng school namin. Hays. Hinatid na kasi kami ni kuya Shawn para di na raw hassle samin. Malalate na din kasi kami. Nagstar city pa kasi kami kahapon ni Mark diba. 1:30AM na rin kami nakauwi dahil sobrang traffic.
Bumaba na kami ni Mark at sinukbit ang bag namin. Wala talaga ako sa mood pumasok ngayon dahil inaantok ako. Di pa kasi ako agad nakatulog kahit pagod na pagod na ko. Kainis diba?
"Hi Riane. Congrats sainyo. Idol po kita hehehehehe." sabi saken ng isang babae na nakasalubong ko. Nakangiti sya saken tas syempre ako nagulat. Sino ba naman di magugulat sa sinabi nya diba?
"Ah. Salamat." sabi ko naman sabay ngiti sakanya. Ngumiti naman sila at tumawa na parang kinikilig. Uhm, kinilig na sila doon? Ang cute nila. Hehehehe.
Umalis naman sila sa harapan ko at nagpatuloy lang kami ni Mark na maglakad dahil syempre malalate na kami no.
"Naks naman bespren, yung mukha mo nasa bulletin board." biro saken ni Mark sabay turo sa bulletin board na may mukha namin na may hawak-hawak ng trophy.
"Inggit ka na nyan?" sabi ko sabay tawa habang umaakyat papunta sa classroom. Mamaya ko na lang titingnan yung bulletin board at babasahin yung nakasulat.
"Hi ms. Riane Joyce Vargas. Ang ganda mo na, galing mo pa sumayaw. Crush po kita." sabi saken ng isang lalaki na hinarangan pa dinadaanan namin ni Mark. Grade 11 din sya dahil itong floor na to ay for grade 11 lang naman.
"Err s-salamat? Salamat sa suporta at compliments. Hehe." sabi ko naman. I dont know how to handle these kind of situations kasi kaya ang awkward ng sinabi ko.
"Brad excuse me lang. Malalate na kami eh. Mamaya na kayo magtitigan." singit naman ni Mark. Di naman kami nagtitigan ah! Pero kung sabagay, malalate na nga kami.
Umalis naman sa harapan namin yung lalaki. Nakataas yung buhok nun eh tas matangkad and nakasalamin. Alam mo yung hot nerds ganon? Did I just say hot? Basta, di ko naman kasi alam kung pano mangdescribe. Binigyan nya kasi ako ng gift at 3 hersheys cookies 'n cream chocolate. Emeged. May kakainin na akoooo!
"Kinilig ka naman? Tsk tsk." sabi naman ni Mark. Problema ba nito? Nagsesel-
"Kung iniisip mong nagseselos ako, hoy ang kapal ng mukha mo. Mahiya ka nga." singit naman nya bigla na ikinabigla ko. Nababasa ba nya isip ko?
"Defensive?" tanong ko naman ng pabiro. Sinamaan nya naman ako ng tingin at binuksan na yung pinto sa classroom namin. Nandito na pala kami? Di ko man lang namalayan.
Pagpasok naming dalawa, nagtaka kami kasi walang ilaw yung classroom. Di rin nakabukas yung aircon. Wala bang klase ngayon?!
"Wala bang klase ngayon?" tanong saken ni Mark. Nagkipit balikat naman ako kasi naguguluhan din ako sa nangyayari.
Pumunta na lang ako sa upuan ko pero nabigla ako ng may sumigaw ;;
'CONGRATS MS. VICE PRESIDENT! OHHHHHH!' biglang sigaw ng mga kaklase ko. May hawak pa silang cartolina then may hawak na cake. Nabigla naman ako kaya wala akong naging reaction sa ginawa nila.
"Pinagambagan namin yan Riane! Ganon ka namin kamahal! Yieeeeee." sabi ng isa kong kaklase na si Karl. Nag-"ayyieeeeeeee" naman silang lahat at tumawa pero binatukan sila ni Karl. Kalokohan talaga ng mga to.
"Guys salamat. Di ko ineexpect to. Kahit puro kalibugan at kalokohan lang alam nyo, may side pala kayong ganito. Salamat." pasasalamat ko sa kanila at nagsipalakpakan sila.
"Kainin na natin yung cake oy!" sigaw naman ni Shawn. Naglabas naman sila ng mga paper plates at kutsara't tinidor. Ay pinaghandaan ganon? HAHAHA.
Julia's POV
Lunch time ;;
Nakakainis pero wala na kaming mahanap na upuan ni Trisha. Napakacrowded ng cafeteria ngayon and we dont know why. Ayokong magtake out kasi ipapatakeout pa edi time consuming masyado.
"Maghanap na lang tayo ng kakilala natin, then makishare tayo. Nakakangalay maghanap ng chair oh." sabi ni Trisha. Yeah. No choice pero we need to find a friend na lang at makishare.
"Wait. Is that Riane?" tanong ni Trisha sabay turo sakanya. Hmm, oo nga sya nga and good thing wala syang katabing iba. Pumunta kami sakanya and nilapag yung pagkain namin. Inangat naman nya yung ulo nya and nagulat pa yata nung makita ako.
"Hi Riane. Makikishare lang ng table." sabi ko sabay upo. Tumango naman sya at ngumiti samin. She really looks kind and thats one of the reasons bat di ko na sya isasali sa plano.
"Congrats pala sayo Riane. I heard that you and your group won." sabi ko sakanya sabay ngiti.
"Ha? S-salamat. Wait lang ah bibili lang ako drinks." sabi nya. Binuksan nya yung wallet nya at may nakita akong picture nya, maybe around 5 years old lang sya doon and I think kasama nya dad nya. Buti pa sya, kasama nya yung dad nya.
"Can I see the picture?" tanong ko. I dont know. May nagtulak lang saken na tignan yung pic na yun.
Binigay naman nya yung pic saken and umalis para pumila sa bilihan ng drinks.
I immediately looked at the picture pero nagulat ako sa nakita ko.
"T-trisha. Yung kasama nya sa picture." sabi ko sakanya. Kinuha naman nya yung picture at kumunot yung noo. Di nya siguro ako naintindihan.
"Whats the matter? Yung kasama ba nya sa pic? Yung tatay nya. Aw. Dont be jealous na may tatay sya, Julia. Ano ba." sabi nya.
"Trisha hindi yun eh." sabi ko.
"Eh ano?" tanong naman nya. Kinuha ko yung picture at tinuro ko yung mukha nung tatay nya.
"Itong kasama nya sa picture, its my father."
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."