40

3.4K 102 51
                                    

Pabigat na po ng pabigat ang eksena sa BLNA so ewan ko kung kikiligin pa kayo, ay ewan ko sainyo HAHA.

Clarence on the multimedia! (Credits to helaenaamparo for the pic).

Riane's POV

"Ano ka tanga? Wag mo nang habulin si Mark! Maawa ka naman sa sarili mo!" sermon saken ni Meg at Niña. Remember? Sila yung close friends ko sa class. At ngayon, sinesermonan nila ko dahil nalaman nila ang gagawin ko.

Balak kong patunayan kay Mark na tama ang mga sinasabi ko. Na hindi ako sinungaling, na tama lahat ng sinasabi ko. At ibabalik ko ang pagkakaibigan namin ni Mark. Dahil yun nga ang sinabi ng tatay ko saken bago sya mamatay at syempre, mahalagang tao sya sakin at ayoko syang mawala ng tuluyan dahil sa maling akala nya.

"Mahalaga sakin si Mark at ipaglalaban ko pagkakaibigan namin." sabi ko naman. "Pinaglalaban mo si Mark eh sya na nga mismo lumalayo sayo. Wag ka ngang martir!" sermon saken ni Niña.

Napaisip din naman ako sa sinabi nya. Masakit pero tama ang lahat ng iyon. Pinaglalaban ko pagkakaibigan namin ni Mark eh sya na nga mismo yung umaayaw. Sya na mismo lumalayo. Sya na yung nawawalan ng gana saming dalawa.

"Riane. Di naman sa ayaw namin sa plano mo pero parang ganon nga." sabi ni Meg at binatukan naman sya ni Niña. "Riane. Bahala ka. Buhay mo naman yan eh. Pero pag wala parin talaga, pwede tanggapin mo nalang ang katotohanan na talagang wala na talaga?" pakiusap ni Niña. Oo. Eto na yung magiging last alas ko kumbaga. Eto yung magiging basehan ko kung itutuloy ko pa ba to o tuluyan ko na din syang susukuan.

Tumango ako bilang sagot. Niyakap ko naman silang parehas dahil kahit sila lang ang kaclose ko sa classroom, nandyan padin naman sila para saken palagi.

-lunch-

Lunch na naming lahat at balak ko nang gawin yung plan A ko. Pipilitin ko talaga syang maniwala sa lahat ng mga sinasabi ko. Desperada na kung desperada, eh dignidad naman ang ipinaglalaban ko eh, hindi naman pride ko.

Umoorder ako ng fries sa kasalukuyan at hinihintay kung pupunta ba dito si Mark dito o hindi. Balak ko lang kasing ipaliwanag sakanya lahat dahil baka nabigla lang naman sya doon sa mga pinagsasabi ko kaya nagawa nya yun. Kakausapin ko sya ng masinsinan at ipapaliwanag ko ang lahat.

"Ma'm eto na po." tawag ng atensyon saken nung tindera at binigay yung fries saken. Nagpasalamat naman ako at binigay ko yung bayad sa tindera saka umalis. Kailangan ko na lang talagang hintayin si Mark dito. Umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimulang kainin yung binili ko.

Maya-maya pa, nakita ko na sina Karl, Shawn, at Clarence. Inubos ko na yung fries ko at tumakbo papunta sakanila. Pero napansin ko na di nila kasama si Mark.

"Clarence!" sigaw ko habang papatakbo sakanila. Napatingin naman silang tatlo saken.

"Oh ikaw pala Riane. Bakit?" sabi nya ng may malawak na ngiti sa mukha nya. Nilibot-libot ko ang mga mata ko at baka mahanap ko si Mark pero wala talaga.

"Nakita mo ba si Mark? Bat di nyo sya kasabay kumain?" tanong ko at tinignan ko si Clarence dahil naghihintay ako ng sagot. Nawala naman yung ngiti nya sa mukha kanina. Pero di ko na siguro iintindihin yun, dahil ang mahalaga ngayon ay yung gagawin ko para maibalik ang pagkakaibigan namin ni Mark.

"Nako Riane, nagka-away-away kami nina Mark eh. Kaya di na sya sumabay ngayong lunch." paliwanag ni Shawn. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Nagka-away-away?

"Nagka-away-away? Bakit? Paano? Kailan pa?" tanong ko sakanila. Umupo ako para malaman ko kung bakit. Squad nila? Nagaway-away?

"Ganto kasi yun." panimula ni Karl.

-flashback-

"Pre. Bat mo ginawa yun kay Riane kanina?" tanong namin ng maayos kay Mark.

"Wala na kayo doon." sabi nya na may halong pagkainis at napahilamos sya sa mukha nya.

"Pre. Baka kasi makatulong kami sa problema mo diba. Ayaw ka naming nakikitang ganyan at syempre ayaw din naming makita na nagkakaganon si Riane."

"Oh diba! Edi inamin nyo din! Si Riane na lang palagi kinakampihan ninyong lahat! Kaya nyo lang naman tinatanong yan kasi gusto nyong malaman kung anong nangyari at nagkaganon si Riane! Puro na lang Riane! Puro na lang sya ang tama! Edi sige! Magsama kayo nina Riane! Wala na kong pake sainyo simula ngayon! Si Riane na lang kaibiganin nyo! Tutal sya lang naman ang may halaga sainyo diba?" sigaw samin ni Mark habang break namin. Nandito kami sa kung saan kami tumatambay palagi at buti nalang talaga at walang tao ngayon kung hindi gumawa pa kami ng eskandalo dito.

Umalis na si Mark at naiwan kaming tulala sa nangyari. Edi parang pinamukha nya lang samin na sya nga dahilan kung bat nagkaganon si Riane. Gago moves 101.

Pero bahala sya. Nakakaputa na din ugali ni Mark. Kaibigan namin sya pero di namin papalampasin kagaguhan na ginagawa nya kay Riane. Bahala na sya. Doon sya sa Julia nya.

- end of flashback -

"Wag ka maguilty, Riane. Tama lang yun. Ang gago nya. Sinasaktan nya ang isang tulad mo na ang gusto lang naman mapasaya sya." sabi ni Karl. Ngumiti naman ako sa sinabi nya pero di ko paren maalis sa sarili ko yung pagaalala sakanya. Wala ako sa tabi nya tas wala na din squad nya para payuhan man lang sya. Si Julia nalang talaga ang masasandalan nya pero wala. Di man lang nya alam na niloloko lang sya ni Julia.

"Riane. Time na pala. Halika na." paalala ni Clarence saken. Napabuntong hininga naman ako. Di ko tuloy nagawa yung plano kong kausapin sya.

Plan A failed.

Siguro nga gagawin ko na ang plan B. At eto na ang magiging last alas ko sakanya. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kapag ginawa ko to. Baka mapatay na ko ng realidad at ng katotohanan sa gagawin kong to.

Pero bahala na. Gagawin ko ang lahat. At kapag pumalpak tong plan B ko, wala na kong choice pero sukuan na sya. Dahil nakakapagod at nasasaktan na ko eh. At madami nang naapektuhan sa saming dalawa.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon