Riane's POV
As usual, sabay na namin kaming pumasok sa school. Lagi nya kasi akong kasabay sa pagpasok. Baka daw kase marape ako, makidnap ako, eh bigyan lang daw ako ng pagkain, sumasama na raw ako. Langya talaga yung lalaking yun. Di naman ako ganon kababaw. Siguro pag kaibigan ko tas binigyan ako ng pagkain, oh ayun. Hahaha.
Walking distance lang yung school sa bahay namin, sguro mga 10 minutes lang. Pero maaga kaming napasok kase mabait kami. Dejk. Kase ayaw talaga naming nalalate. Kukuha pa kase ng slip tapos ipapasign pa sa office para iadmit kami sa klase. Napakadaming kaartehan.
Habang naglalakad ako, bigla nya kong inakbayan. Dahil nga crush ko sya, kinilig ako. Ikaw ba naman akbayan ng crush mo diba? Pero sabi ko nga, crush lang yun. And I'm sure na di na yun lalalim.
"Baket?" tanong ko. Eh bigla ka naman biglang akbayan. Malay mo magdeclare ng holdap diba. HAHAHAHA.
"Anong baket?" tanong naman nya. Ay torpe mo po. Inakbayan ako tas magbabaket? Ano yan? Natural reflex mo na lang ang pagkakbay saken?
"Bakit mo ko inakbayan?" tanong ko sakanya.
"Masama bang akbayan bespren ko? Naglalambing lang si ilong eh." sagot naman nya. Shet. Kinikilig ako. Hahaha. PBB Teens ko naman. Okay, tigil na.
"May sinabi ba akong masama?" pambabara ko. Ginagawa ko yan minsan kapag kinikilig ako. Or sadyang nasa dugo ko lang ang mambara. HAHAHA.
Di ko namalayan, nandito na pala kami. Iscinan ko na ID ko, at umakyat na kaming dalawa. Nakakapagod umakyat. Grade 11 na kasi kaya sa 3rd floor kami, 2nd building pa. Kaya bago kami maka-akyat, haggard na haggard na!
Nakapasok na kami sa classroom at umupo na kaming dalawa. Magkahiwalay naman yung upuan namin. Katabi nya yung mga lalaking maloloko, kaya nahahawa yun eh. HAHAHA. Eto naman ako, katabi ang mga kpop fans. HAHAHA. Nakaka-OP naman.
Nagsimula na ang class at okay naman ang flow. At maya-maya pa, naglunch na pala. Kaso may practice ang dance club ngayon so no lunch ako. Huhuhu.
"Hoy ilong. Di ako maglalunch. Practice ng dance club eh." paalam ko sakanya. Oo, ganyan kami. Alam dapat namin kung anong schedule namin. Hehe.
"Ganon? Sige. Sanay naman akong iniiwan eh." sabi nya. Aba, natuto nang humugot ang ilong.
"Loko ka talaga! Lakas mong humugot ah! Alis na nga ako!" sagot ko naman. Aba, ang lakas nyang humugot kase. HAHAHA.
"Oo na. Minsan na nga lang humugot eh." tugon naman nya. Oo nga, isang beses nga lang syang humugot pero corny pa. Kadiri. HAHAHAHA. Kung di ko lang yan crush eh.
Mark's POV
Ang boring naman. Wala kasi si bespren. May practice para sa dance club nya. Okay lang naman eh, sanay naman akong iniiwan. Jk. HAHAHA. Bilib din ako sa babaeng yun. Vice president, member ng dance club at ng school paper, pero napagsasabay-sabay nya yun. Habang ako eto, namamahinga lang. Napakaproductive ng buhay grade 11 ko no? Hay. Hahaha.
Wala tuloy akong kausap. Yung mga katabi ko kaseng lalaki sa klase, ayun, mangchichix daw. HAHAHA. Wait, si Clarence yun ah. Kaklase ko kase yan. Matino-tino yan. Kaso di naman kami close nun. Malayo kase upuan nya. Riane Joyce Vargas naman kase eh.
Nakupo lang ako doon at naglalaro ng COC habang umiinom ako ng shake, nagulat ako nang bigla na lang may nakitable sakin.
"Magisa ka pre?" tinignan ko sya at si Clarence pala. Tumingin naman ako sakanya saka ngumiti at bumalik ulit sa paglalaro ng COC, nangraraid kasi ako.
"Uy, kaw pala. Oo, magisa lang. Wala kase si Riane eh. May practice ng dance club." sagot ko naman habang tutok na tutok parin sa nilalaro ko.
"Ah. Kaya pala. Sya nga pala pre, Clarence Peter Legaspi." pagpapakilala nya saken sabay abot ng kamay nya. Inabot ko din naman yung kamay ko at nagpakilala. "Mark James Tolentino." Binitawan ko agad yung kamay nya at tumutok sa nilalaro ko. Tapos na kong mangraid, maitago
"Matagal na ba kayong close ni ms. Vice President?" tanong nya. Nakalimutan kong sabihin, kahit grade 11 na kami, di parin kami magkakakilala. Paiba-iba kasi section mo. Nung dating grade 10 ako, 10-Dauntless ako, ngayong grade 11, naging 11-Love naman. Paiba-iba din mga kaklase mo kaya di talaga namin kilala ang isat isa.
"Ah, noong grade 1 pa
lang, close na kami." sagot ko naman. Napa-"ah" naman sya."Crush mo?" tanong nya sakin. Hindi na ko nagulat sa tinanong nya. Halos lahat naman kasi yan ang tinatanong kapag nalaman nilang magbestfriend kami ni Riane.
"Hindi. Kapag best friend dapat walang talo-talo. Kaibigan ko lang sya at hanggang dun lang yun." sagot ko.
"Naks." sabi nya sabay tawa. "Sorry pala at feeling close ako. Yung mga kaibigan ko kasi eh, ayun, nangchichix. Karl at Shawn pangalan nila." sabi nya. Tumango-tango naman ako at ininom yung shake na meron ako.
Napatingin naman ako sa kanan at nakakita ako ng mga babae. Sabihin na nating nanchichix din ako, palihim nga lang. Napatingin naman ako dun sa babae sa likod na may kausap din na magandang babae.
Akala ko ordinaryong babae lang pero hindi eh. Siguro ang "chix" ay di pa makakapagdescribe sakanya. Dyosa kase sya. Oo, dyosa. First time ko na lang ulit makakita ng kagaya nyang dyosa bukod sa ate ko syempre.
Maputi at makinis ang balat nya, yung mga mata nyang nagsasparkle. Ang ganda ng ngiti nya. Pink yung mga labi nya. Matangkad. Grabe. Ang ganda nya. Natulala ako sakanya. Ikaw ba naman kase makakita ng dyosa.
"Pare, okay ka lang?" singit ni Clarence. Napansin nya siguro na titig na titig ako dun sa babae. Eh sa ngayon lang ako nakakita ng dyosa eh.
"O-oo." nauutal kong tugon sakanya habang sinusundan ko ng tingin yung dyosang babaeng nakita ko. Nakita ko naman na lumabas na sya. Napatingin naman ako kay Clarence.
"Wag mo nang ideny. Nagandahan ka dun no?" tanong nya. Tumango naman ako sakanya.
"Pre, oo eh. Pano mo nalaman?"
"Gago ako pero di naman ako tanga. Sinusundan mo pa kaya ng tingin tsaka yang mga mata mo parang nakakita ng kung ano eh. Si Julia Lorraine Medina yun. 11-Intelligence. Transferee yan.
"Pano mo naman nakilala?" tanong ko sakanya. "Eh yang mga gagong yan na sina Karl at Shawn eh. Pag may nahanap na chix, tanong agad pangalan tapos search sa facebook tapos stalk. Wag kang mag-aalala, di nila type." sabi nya at nagthumbs up.
Binata na ko mga tol. Umiibig na ako. Totoo nga yata ang love at first sight. Ugh.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."