8

4.7K 154 93
                                    

Clarence on the multimedia! :)

Riane's POV

Simula nun pangblackmail saken ni ilong, naging okay na ko at bumalik na ko sa bright na Riane na kilala ng lahat. Hindi ko na rin masyadong inisip yung naramdaman ko nun, siguro nga nabigla lang ako.

May practice na naman ako sa dance club. Ilang araw na lang kase contest na para sa cover group. Lalaban kami sa ibang schools kaya kailangan maganda daw ang presentation. Nakakapressure. Huhuhu. Kumakabog ng matindi yung hearteu ko.

"Riane, may practice ka ba ngayon?" tanong ni Mark. Magkasama kase kami ngayon sa cafeteria. Lunch kase namin. Tapos absent teacher namin sa isang subject so 2 hours kaming pwedeng magpahinga. Hahaha. Kaso ako may practice ng dance club :-((((.

"Yeah. Hihintayin ko na si Ariana para daw sabay kaming pumunta doon." sabi ko. Sabay na raw kase kami, kita na lang daw sa cafeteria. Naging close na din kase kami nun.

"Ariana? Di mo man lang sinasabi, kaibigan mo na pala si Ariana Grande." biro nya. Nakakaiyak magjoke tong ilong na to. Di ko alam kung maiiyak ba ko o ano.

"Tatawa na ba ko?" sabi ko.

"Oo. Hahahaha." sabi nya. Kaya minsan nagtataka ako kung paano ko to naging kaibigan. Hahaha.

Ariana's POV

Asan na ba yung babaeng yun? Sabi ko sa cafeteria magkita e.

AYUN!

Ayun si Joy- huh? May kasamang lalaki? Nakikipagtawanan pa ah. Nako, tsismosa mode na ko. HAHA.

"Joyce!" tawag ko. Mas trip ko na tawagin syang "Joyce" kaysa "Riane". Cheerful kase sya like "Joy" sa "Inside Out" hahaha. Tapos ako dun si Anger siguro HAHAHAHA.

"Uy, kaw na pala. Halika na?" yaya nya.

"Sino kausap mo?" tanong ko.

"Si Mark. Bestfriend ko. Mark, si Ariana, close friend ko." pagpapakilala nya. Ah, so sya pala si Mark. Akala ko boyfriend na nya eh HAHAHAHA.

Naala ko na naman yung sinabi ni Joyce na crush daw nung Mark na to, ay hindi, correction, "mahal" na daw nung Mark si Julia.

Syempre ako naghanap ako ng balita kung nagbago na raw ba si Julia. At, nagbago na nga raw. Nagupgrade pa nga daw eh.

Kung dati, malandi, ngayon daw higad na.

Kung dati, maarte, ngayon daw pabebe na.

At ang bago nyang upgraded version;

Bitch na nga daw, plastik pa. Jusme. Ayoko sabihen kay Joyce, dapat sya makakatuklas nun. Knowing her, napakabait na tao nun. Di sya naniniwala sa rumors. Pero kung seseryosohin ni Mark si Julia, may possibility na masaktan si Joyce at masira friendship nila. Potek na Julia to. Bwiset.

"Ariana, okay ka lang? Bat ka natulala?" tanong ni Joyce. Natulala na pala ako. Bat ba ko namomroblema sa problema ni Joyce? Hayz.

"Ah, oo. May naisip lang ako. Uhm, hi Mark. Sge, una na kami, baka hinahanap na kami doon." paalam ko. Gwapo din pala tong si Mark, naku, pag nalaman ni Julia na may nagkakagusto sakanya tapos pogi pa, nako, landi war III na ang mangyayari.

"Ah. Sge. Hi din Ariana." tugon naman nya. Mukha din syang mabait.

"Halika na. Bye ilong." yaya ni Joyce. Ilong? Natawa naman ako dun. Hahaha. Kung sabagay, malaki din kase ilong nya HAHAHA.

Umalis na kami ni Joyce. Hay. Inaalala ko paren tong si Julia. Baket ba kase lumipat ka din dito, buset.

Mark's POV

Magisa na naman ako. Riane naman kase baket busy ka pa. Ah, matawagan nga si Clarence. Close na kasi kami nun. Haha.

[Hello?]
[Uy Clarence.]
[Oh, kaw pala pre. Baket?]
[Punta ka sa cafeteria bili. La ako kasama.]
[Ge.]

CALL ENDED.

Ayun, may kasama na ako. Hay salamat. Sana makita ko si Julia. Kung inaakala nyo na nakalimutan ko na sya, pwes hindi. Magpapakilala na din ako sakanya. Kailangan ko syempre dumamoves HAHAHAHA.

"Oy pre." si Clarence pala.

"Asan si ganda?" tanong nya. Sinong ganda?

"Huh?" tanong ko. Baka naman si Julia. Nasan si Julia? Nasa puso ko.

"Si Riane. Ganda nya kaya. Crush ko na kaya yun." sabi nya. Ayun, maganda? Kung sabagay, maganda naman talaga sya. Hahaha.

"Hahaha." tanging nasambit ko. Bat ba ko biglang natameme ng sinabi nya yun? Nawalan ako ng sasabihin. Ano bang nangyari saken? Ah, oo, nagulat ako. Tama, gulat lang.

"Nakita ko pala si Julia kanina." sabi nya. Bigla naman akong nabuhayan ng loob.

"Saan?!?!" sabi ko. Pupuntahan ko yun syempre, tch.

"Nagpapractice sa singing club. May contest din kase sila. Pwede pumunta at manood sa practice nila ngayon." sabi nya. Maganda sguro boses nya. Ang perfect nya.

"Puntahan natin, bili." aya ko.

"Di ka ba manonood sa practice ni Riane? Pwede ding manood dun. Di mo ba panonoorin bestfriend mo?" tanong ni Clarence.

"Nood na lang ako sa mismong contest. Eh yang kay Julia, di ko naman mapapanood sa mismong contest." sabi ko

"Oo nga no. Halika bili." aya ni Clarence.

Pumunta na kami sa singing club practice room. Ayun sya, ang ganda nya sobra. Mukha syang anghel.

This is the part where I say I don't want you, I'm stronger than I've before.

Ang taas nun pero nakaya nya at ang ganda ng boses nya. Parang piece of cake lang sakanya yung kanta. Ang galing.

"Okay. 5-minute break!" sabi ng instructor nila.

Umupo sya dun sa may bandang stage. Puntahan ko na kaya?

"Clarence, lika, puntahan natin."

Pumunta na ko sakanya at tinawag ko sya; "Julia!". Lumingon sya shet. Mukha talaga syang inosente, mabait, at anghel. Nakakainlab.

Julia's POV

Nagpapahinga ako ngayon dito. Practice na naman kase ng singing club. May contest na naman kase. Its so nakakainis.

Btw, ako pala si Julia Lorraine Medina. 18 years old. Nagaaral sa Starfields Academy at muse ng 11-Intelligence. Mahilig akong manglandi. That's my hobby and ginagawa kapag wala akong magawa slash bored ako. Upgraded version na ako actually. Pwede na kong magact ng mabait pero ang totoo, hindi naman talaga. Mabuti na lang mukhang inosente mukha ko kaya maraming naloloko. Looks can be deceiving, ika nga.

"Julia!" tawag ng lalaki saken. Sino naman to? Infairness, gwapo. Marami kaseng nagkakagusto saken pero ang pangit. Kapag ganon, di ko ineentertain.Pero eto, gwapo. Maguupgrade lang ako, saglet.

Plastic mode ON
Mabait mode ON
Flirty mode ON

"Uhm, hi po. May I know who you are?" tanong ko. Ew. Di bagay saken mabait. Pero kailangan magmukhang mabait para lalo nya kong magustuhan. Duh. Halata namang gusto nya ko eh. Gwapo naman sya kaya pwede na. Hahaha.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon