New character on the multimedia! :)
Riane's POV
"Gusto mo ba si Mark?" nagulat ako sa bigla nyang pagtanong. Magkaibigan sila ni Mark at may posibilidad na sabihin nya. Bat ba ko natatakot? Eh "crush" lang naman yun. Nalilito talaga ako sa pesteng nararamdaman ko eh.
"Don't worry, di ko naman sasabihin sa kanya kung oo. At di ko rin naman ipagkakalat. Mapagkakatiwalaan ako." sabi naman nya. Mukha naman syang mabait at mapagkakatiwalaan.
"Ano namang mangyayari kung inamin kong gusto ko si Mark?" tanong ko."Edi inamin mo rin." sabi nya sabay ngiti ng nanloloko. Hay nadudulas tuloy ako, kainis!!
"Akala ko ba magaling kang mangbara? Binabara mo nga lagi si Mark eh. Bat ka natameme ngayon?" tanong nya. Nakahanap na yata ako ng katapat.
"Oo na. I like Mark. Crush lang. Nothing more, nothing less. Please, wag mong banggitin sakanya. Kayo lang ni Ariana ang nakaka-alam nito eh." pakiusap ko. Nakikita ko kase sa mga real-life stories na iniiwasan ni boy si girl pag nalaman nya na gusto nung girl si boy. I don't want to ruin our friendship just bcs of love.
"Tinanong ko lang, dami mo nang sinabi. Oo na. Di ka ba naniniwala sa abs ko?" tanong nya.
"May abs ka ba? Wala naman eh." sagot ko. Wala naman talaga eh. Mukha syang patpatin.
Tinaas nya yung polo nya at yun, kahit madilim na, nakikita ko paren abs nya *o*
"Naniniwala ka na?" tanong nya.
"O-oo! Wag mo lang naman kaseng sabihin eh! B-bat mo pinakita abs mo?!" tanong ko. Ay nakakaloka naman kase. Nginitian nya ko ng nakakaloko matapos nun at nagkaroon ng panandaliang pananahimik sa sasakyan.
Tama nga kaya yung desisyon ko na sabihin yun kay Clarence? Hay.
"Eto na ba bahay mo?" tanong nya. Di ko namalayan na nandito na pala kami.
Bumababa na sya at inalalayan ako. Buti pa sya concerned saken eh, di tulad ni Mark. Hay. Naisip ko na naman yung mokong na yun.
"Who are you?" tanong ng isang lalaki. "Why are you with my sister?" tanong nya. Lumingon kami ni Clarence at....
"KUYA!!!!!!!"
Mark's POV
Natapos na ang rehearsals ni Julia my labs. Di ako nagsasawang tignan sya habang kumakanta. Anghel yung mukha, yung ugali, at yung boses. Sino bang di maiinlove sa isang kagaya nya? I will make her fall for me bcs I want her. No. I LOVE HER.
Natapos na ang rehearsals sa singing club. Parehong oras lang din sa dancing club kaya pupuntahan ko yung babaeng yun.
"Uy, Mark. Una na ko, makikipagkita pa ko sa girl friends ko eh. Thank you for watching pala. Ingat na lang paguwi." sabi nya. Ang thoughtful naman ng Julia my babes ko. Hahaha.
"Ah. Sge. Ingat ka din." yun na lang ang nasabi ko. Sino bang di matatameme dun?
Puntahan ko nga muna si Riane. Naiinis yun panigurado saken pwes naiinis din ako sakanya. Nagloloko sila ka nasprain daw sya, nahimatay. Anong klaseng biro yun?! Di nakakatuwa. Pero kahit naiinis ako, susunduin ko muna sya.
Pagpasok ko dun, wala ng tao pero nandun yung instructor nila.
"Excuse me, lookin' for someone?" tanong nya.
"Yes po. Si Riane Vargas." sabi ko.
"Umuwi na sya kanina pa, kasama si Ariana." sabi nya. Huh? Baket naman kaya?!
"Baket naman po?" tanong ko. Naglalakwatsa sila ganon? Strike 2 na saken si Riane ah. Una, nagbiro sya na nasprain sya tapos ngayon, bigla na lang uuwi.
"Nahimatay sya sobrang pagod. Nasprain din sya. Sinugod sya kanina sa clinic. Kasama yung Clarence ba yun tsaka si Ariana. Sge, iho, aalis na ko. Umuwi ka na rin, gabi na." sabi nya saka umalis.
SO TOTOO YUN?!?!
Akala ko biro lang yun kaya ako nakapagsalita ng ganon.
Dapat ako yung nasa pwesto ni Clarence eh! Pupuntahan ko sya ngayon!
Riane, paparating na yung bespren mo.
Shawn's POV
"KUYA!!!!!" sigaw nya. "UMUWI NA SI KUYAAAAAAA!!!!! WAAAAAAAAHHHHHHHH!" "A-aray! Huhuhu." sabi ng kapatid ko. Umuwi lang ako, nagkaganyan na to? Tch.
"Hi po. Clarence Peter Legaspi po. Kaklase nya. Hinatid ko na po sya kase nasprain po sya at gabi na." paliwanag ng lalaking kasama nya.
"Salamat. Makakauwi ka na." sabi ko.
"Bye Clarence! Salamat!" paalam ng kapatid ko. Crush ba nya yun? Pft.
"Bye!" paalam naman nung lalaki.
Niyakap ako ng kapatid ko. Nakakamiss din tong kapatid ko kahit makulit eh. Tch. Ang bakla.
"Anong nangyari sayo?" bumaba ako. "Pasan bili." sabi ko. Bumigat tong kapatid ko. Ano bang kinakain nito.
"Kuya, namiss kita." sabi nya. Iba talaga feeling kapag kapatid mo nagsasabi eh. Nakakabakla naman. Pft.
"Miss na din kita. Anong nangyari sa paa mo?" tanong ko.
"Nasprain ako kuya. Member ako ng dance club diba. 2 days with rest lang naman kailangan nito." sabi nya.
"Tch. Ingat ka kase. Oh baba ka na. Anong gusto mong food? Paluto tayo." sabi ko.
"Gusto ko ng chickeeeen!" sabi nya. Tch.
"Ge. Pahinga ka muna dyan ah." sabi ko.
Ako pala si Shawn Harry Vargas. Di bagay yung Harry no? Tch. 21 years old. College graduate. Nagtapos ako ng Culinary Arts sa ibang bansa, kaya wala ako sa bahay minsan. Pero umuwi ako dahil nahohomesick ako. Ang bakla. Pft.
Ako yung kuya na tigasin lalo na sa mga kasama ni Riane, lalo na pag lalaki. Pero pagdating sa family at kay Riane, mabait ako. Sweet ako dyan, minsan nga hahalikan ko yan bigla eh. Hahaha.
Ipagluluto ko sya. Ewan. Gusto nya yung version ko ng fried chicken. Minsan lang naman ako nandito, at naglalambing yan.
Nasan nga pala bespren nun? Close kase kami nung Mark na yun. Pero baket imbis na sya maghatid, bat yung Clarence naghatid? Mamaya ko na nga lang tanungin. Makapagluto muna ng pinapaluto nito.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."