Hi guys! Advance update to kase naka-3k reads na ang BLNA! Omg. Thank you guys! Di ko ineexpect na makaka-3k tong story na to.
Mark's POV
AP class namin ngayon. Wala akong ganang makinig ngayon dahil nagaalala ako sa nangyari kay Julia. Mahal ko si Julia at makita sya sa ganong kalagayan? Nasasaktan ako.
"Asan pala si Riane?" tanong ng teacher namin sa AP. Nagtinginan sila sa upuan ni Riane at nagkipit-balikat.
"Nasa clinic po sya ms. Nahimatay po eh." paliwanag ni Niña. Halata namang nagulat si ms. pero di na sya nagtanong ng mga karagdagang tanong sa halip ay nagsulat sya sa board. Kokopya na naman kami ng lecture.
Sa totoo lang, di ako nag-aalala kay Riane ngayon. Naiinis ako sakanya ngayon. Dahil sakanya nasa clinic si Julia! Sabi ni Trisha, tinulak daw ni Riane si Julia. Napaupo daw si Julia sa sobrang lakas at di nya napansin na may bubog pala yung nabagsakan nya. Nabubog daw yung kamay ni Julia at dugo ng dugo. Umalis naman daw si Riane at di man lang tinulungan si Julia. Mabuti lang pala yung nagsinungaling ako kay Riane dahil nakakaya na din nyang ganunin yung taong mahal ko. Di naman sya ganon dati ah, pero bat nya ginanon si Julia? May part na parang di ako naniniwala sa sinabi ni Trisha pero kaya bang magsinungaling ni Trisha saken? Mababait silang tao at wala akong nakikitang dahilan para magsinungaling silang dalawa saken.
"Karl, Clarence at Shawn bat ngayon lang kayo?" tanong ni ms. Tumingin naman ako sa pintuan at nakita ko silang dalawa na kakadating lang."Kinamusta pa po kase namin si Riane. Nasa clinic po kase sya." paliwanag ni Shawn. Tumango naman si ms. at pinapunta na sila sa kanilang upuan para masimulan yung klase nya.
after AP class...
Salamat at tapos na rin ang AP class namin. Lutang yung isip ko ngayon dahil iniisip ko yung kalagayan ni Julia. Pano kung nawalan sya ng dugo? Buong kamay nga nya yung nabubog diba? Naiinis talaga ako kay Riane ngayon.
"Uyyyy! Si Riane! Si Riane!"
"Hoy alalayan nyo!"
"Okay ka na ba Riane?"
Tanong nila kay Riane nung nakita nila na si Riane ay bumalik na ng classroom. Nakaupo lang ako ngayon dahil wala talaga akong balak kamustahin sya sa nangyari. Naiinis ako sakanya.
Tumingin ako kay Riane at nakita kong namumutla parin sya at nanghihina maglakad. Di ko paren naman mapigil yung sarili ko na magalala. Pero mas nangingibabaw yung inis ko sa ginawa nya.
"Riane. Doon ka muna sa tabi ni Mark, para mahanginan ka ng aircon." utos ni Angelene kay Riane. Malapit kasi ako sa aircon at mahahanginan ka talaga kapag nandito ka.
Pumunta naman si Riane sa tabi ko at di sya umiimik. Naguilty ba sya sa ginawa nya kay Julia? Mabuti yan. Di na yata sya ang kilala kong Riane. Tama nga sila. Lahat ng tao nagbabago.
Nakita ko naman sya na nagtake a nap lang. Bahala na sya. Naiinis na ko sakanya ngayon. Di ko sya mapapatawad unless na magsorry sya kay Julia.
Riane's POV
Di ako makapaniwala na nahimatay ako kanina. Yung feeling na naririnig mo lahat pero parang tulog yung katawan mo. Ewan. Basta, ang weird nung pakiramdam.
Sabi naman ng nurse saken na posible daw na may anemia ako at siguro kailangan ko daw talaga na magpacheckup para masiguro ko kung anong nangyari na saken.
Nandito ako sa tabi ni Mark. Pinalipat kase ako ng upuan para daw mahanginan ako.
Ayaw ko muna syang kausapin. Alam ko naman yung dahilan kung bat sya umalis agad eh. At di yun dahil sa masakit ang tyan nya. Kundi dahil kay Julia. Bat di na lang nya sabihin diba? Alam nyo, mga boys, dapat kung sasagot kayo, yung totoo. Kase bago pa namin kayo tanungin, alam na namin yung totoo.
Ang pinagtataka ko pa, di man lang nya ko kinakamusta. Di man lang nya tinatanong kung okay lang ba ko ano. Naguilty ba tong lalaking to sa ginawa nyang pagsisinungaling?
Habang nakinig na ko sa tinuturo ng Math teacher namin. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at di ako makahinga. Ano bang nangyayari? Nahihilo na din ako. Nagbublur yung mga mata ko. Di ko na kayang huminga. Takte. Nanghihina na ko. Ayoko na.
"Be, okay ka lang?! Hoy! Bat ka namumutla hoy!" tanong ni Angelene na nasa harapan ko. "Sir! Si Riane!" sigaw ni Angelene na nakapukaw ng atensyon ng mga kaklase ko.
"Mark! Ano?! Hahayaan mo lang na ganyan bestfriend mo ha?!" tanong ni Clarence na pinapakalma ako. Di na talaga ako makahinga! Feeling ko magcocollapse na ko anytime.
"Bahala na sya. Kaya na nya sarili nya." sabi ni Mark. Doon na bumagsak yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Di ko na alam yung nangyari. Basta ang alam ko na lang pinapakalma ako nina Angelene at Clarence. Narinig ko rin na pinagalitan ni sir si Mark.
"Riane! Ayan na yung spineboard! Riane. Aalalayan ka namin ah. Kaya mo yan!!" sabi ni Karl. Sa totoo lang, nagbablack na yung paningin ko. Wala na kong makita pero naririnig ko pa boses nila.
Nung tatayo na ko, naramdaman kong hinang-hina na yung tuhod ko. At ang alam ko na lang ;; bumagsak na ko sa sahig.
Julia's POV
"Thank you bitch." pasasalamat ko kay Trisha. Narinig ko kase na gumawa ng palusot si Trisha na makakatulong ng malaki sa plano ko. Shes really a supportive bestfriend, isn't it? :)))))
"Thank you is not enough, bitch. Buy me the dress we saw on the mall last week. That will do." sabi nya. Well, its fine with me, at least nagawa ko na yung revenge ko for my half sister and for her bestfriend.
Pero totoo naman talaga na nabubog yung kamay ko. Pero its my fault and not Riane's. Nakakatawa naman talaga na naniwala naman si Mark. That boy is really in love with me.
Well. Its only the start of my plan though. Marami pa kong gagawin at doon ko matetest kung talaga bang matatag yung friendship nilang dalawa. Brace yourselves, Riane and Mark. Julia Lorraine Medina is here.
{thank you for all the reads, and the vomments! sa mga silent readers dyan, paramdam naman kayo oh! lovelots :*}
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."