11

4.3K 143 61
                                    

Riane on the multimedia! :)

Riane's POV

Matapos naming kumain ni kuya, nagtanong pa sya ng kung anu-ano tungkol sa buhay ko, anyare na daw sa school at kamusta na raw kami ni Mark. Hay. Sa totoo lang, naiinis ako sakanya. First time kong mainis ng ganito sakanya. Kapag naiinis kase ako, di naman yung ganung seryoso, biruan lang ganon, pero ngayon, talagang inis na yung nararamdaman ko. Unahin ba naman yang si Julia na nakasama lang nya yata ng isang araw kaysa sa akin na nakasama na nya sa mahigit 6 na taon?! Uunahin nya yon? Gusto ko syang murahin, gusto ko ring magtampo sakanya pero ano namang karapatan ko?! Wala akong karapatang agawin yang si Mark kay Julia dahil

BESTFRIEND LANG NAMAN AKO.

Buti na lang talaga, andyan si Clarence. Mabait sya, and concerned saken kahit di nya ko bespren. Ayoko munang sumabay sakanya bukas dahil naiinis ako sakanya.

"Malalim na naman iniisip mo." pansin saken ni kuya. Natulala na naman ako. Nasa labas kami ngayon sa may tapat ng pool, mahangin kase dito, kaya dito muna kami nagbonding. Kakatapos ko lang ding kainin ang chicken SHV version, at ang sarap!

"Naiisip ko lang si Mark. Naiinis kase ako sa kanya. Inuuna nya yung Julia nya kaysa sa akin na bestfriend nya. Ano namang karapatan ko magreklamo, diba? Di hamak na bestfriend lang naman ako, tatayong kaibigan kapag kailangan nya ng kasama." sabi ko. Totoo naman eh. I dont have the right para agawin yung atensyon nya, di hamak na bestfriend lang nya ako at wala nang iba.

"Wag mong malitiin yang pagiging bestfriend mo. May karapatan kang magreklamo sa kanya kung di nya nabibigay yung atensyon na kailangan mo. Masyado ka kaseng mabait kaya ganyan. Tch."

"Eh baka sabihin nya ganito baka sabihin nya ganyan. Wag na lang. Tsaka dun sya masaya eh. Bat ko pipigilan." sabi ko. Hayz. Humuhugot na naman ako.

"Learn to be selfish din kase minsan. Palagi mong iniisip yung sasabihin ng tao, bat di mo din isipin mararamdaman mo. Oo nga, mapapasaya mo sya, eh ikaw? Masaya ka din ba? Dapat parehas kayong masaya." sabi ni kuya. Ay hugot. May pinanghuhugutan ba to? Haha. Pero anyway, I'm happy na nagadvice sya saken ng ganon. Wehehe. Mukha na pala akong tanga dito. Siguro kung mamatay ako, baka nasa langit na ako sa sobrang bait ko. Okay, ang OA naman.

Bigla na lang dumating si yaya. Bakit kaya? Wag mong sabihing may bisita ngayong dis oras na ng gabi?

"Sir, si Mark po hinahanap si Riane." sabi ni yaya. ANO?! SI MARK?! NASA BAHAY?! Ano ba naman yan. Ayoko na. Matutulog na ko. Ayan tuloy naging pabebe ako. Tch.

"Kuya, wag mong papasukin pleas-"

"Papasukin mo. Papuntahin mo dito sa may pool. And yaya magserve ka ng snacks sa kanila." utos ni kuya. Kuya?! Okay ka lang ba?! Kaineeees! Nangtitrip ba to? Kuya wag ako iba nalang!

"Kuya! Ininis na nya yung kapatid mo oh! Papapasukin mo pa? Okay ka lang?" tanong ko. Naguguluhan ako sa inaasal ni kuya! Waaaaah!

"Para din naman sayo to. Wag ka ngang pabebe dyan, gusto mo rin naman eh. Ge. Akyat na ko." paalam nya. Aba! Iiwan ako ganon? Kapatid nga kita uy! Isusuka ko tong chicken na pinakain mo!

"Riane." sabi nya. Bumilis yung heartbeat ko nung narinig ko yun. Nanigas ako sa kinauupuan ko at bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko. Ganito ba talaga kapag gusto mo yung tao?

Mark's POV

Nalaman ko kanina na nakauwi na sya. Malaki ang pasasalamat ko kay Clarence dahil sya ang tumayong "ako" sa oras na wala ako. Sguro nga crush nya talaga si Riane. Pero bat parang may tumututol sa puso ko? Ay ewan. Di ko maintindihan. Siguro natatakot ako na pag nanligaw tong si Clarence kay Riane ay mawala na ang atensyon nya saken. Oo, ganon nga, tama.

Di ko hahayaang di ko sya makamusta, kaya pumunta ako sa kanila. Nandito na din pala si kuya Shawn. Close kami nun. Lagi kasi akong natambay dati sa bahay nila dahil wala ngang kalaro si Riane, pero natatapos ang araw na kami ni kuya Shawn ang magkalaro. Hehe.

Nakita ko naman yung yaya nila na sa labas, kaya tinawag ko nalang, kilala naman nila ko eh.

Pinapasok na ko nung yaya nila, at pinapupunta ko sa pool. May sprain tapos nagsiswimming?

Pumunta na ko sa pool area at nakita ko sya, nakabenda yung paa nya tapos naka-angat dun sa lamesa. Nagsisisi talaga ako na di ako naniwala agad. Eh pano din naman si Julia? Hay.

"Riane." tawag ko sakanya. Lumingon naman sya, pero malungkot yung mga mata nya. Paniguradong nagtampo to.

"Uy, Mark. Bukas na tayo magusap, pagod na ko eh." sabi nya sabay tayo. Di nya kinaya at muntik na syang matumba, buti nalang nasalo ko sya.

"Sorry." sabi ko.

"Para saan?" tanong nya. Painosente pa to eh halata namang nagtatampo saken. Wag ako Riane, iba nalang. Inalalayan ko muna sya para makaupo ulit.

"Alam ko naman na nagtatampo ka saken eh. Wag ka nang magkunwari oh." sabi ko. Magkukunwari sya sa bespren nya?! Aba, ano ko tanga?! Hay nako.

"Bat kase inuna mo yun kaysa sa akin." sabi nya sabay ngiti ng mapait.
"Riane kase akala ko joke lang yu-

"Tingin mo ba magjojoke ako sayo ng ganon?" sabi nya. Kalmado yung pagkakasabi nya pero nakatitig sya sakin ng malamig. Halata mong galit.

"Riane, sorry. Babawi ako sayo promise." sagot ko. Hinawakan ko yung kanang kamay nya at tinitigan sya sa mata.

Ang tahimik ng buong paligid. Maririnig mo na lang yung mga insekto, huni ng ibon, yun lang. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

"Sana naman kase magpakita ka naman ng may pake ka saken." sabi nya. Riane naman oh. Wag namang ganyan!

"Para din namang matitiis kitang ganyan." dagdag nya. Napangiti ako sa sinabi nya. Napakaunderstanding talaga nya pero naguilty talaga ako.

"Pero, kung gusto mo talagang makabawi, punta ka sa contest namin. Sa Tuesday next week. 2 days lang naman kailangan ipahinga to eh. Makakasama pa ko. Deal?" tanong nya.

"Oo naman! Icacancel ko lahat ng kailangan kong gawin para mapanood lang yun!" sabi ko. Ngumiti sya saken at niyakap ko sya. Masaya ako na bati na ulit kami ni bespren. Mahal ko kaya to!

Shawn's POV

Nakadungaw ako ngayon sa bintana at pinapanood ang kapatid ko. Aba, nananching tong si Mark ah. Kumuha pa ng yakap kay Riane.

Halata namang kaseng gusto ni Riane si Mark. Di ako manhid o tanga para di mapansin yun. Tch. Si Mark na lang siguro ang di nakakapansin. Napakamanhid naman. Ginawa ba nyang vitamins ang pampamanhid kapag bubunutan ng ngipin? Tch.

At ayun, nagyayakapan pa rin sila hanggang ngayon. Masaya ako na nakikita kong masaya na naman ang kapatid ko.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon