18

3.6K 119 65
                                    

Si Trisha ang nasa multimedia. New character na sya. ☆

Mark's POV

"Uy, Mark." tawag saken ng isang babae na may pamilyar na boses. Lumingon ako at tama, sya nga ang tumawag saken. Napaisip ako ng saglit dahil sa nakita ko sya ;;

Siya na lang kaya ang unahin ko?

"Uy, ikaw pala Riane." tugon ko naman. Kung si Riane na lang kaya ang unahin ko? Etong contest nga na to ang magiging apology ko sakanya nung nagkasprain sya at imbis na puntahan ko sya eh pinairal ko ang katangahan ko. Tama. Sya na lang kaya talaga ang unahin ko?

Konsensya : Nangako ka na kay Julia diba? Pano naman yung Julia mo kung uunahin mo si Riane?

Oh diba, parang may dalawang konsensya din ako eh. Yung isa para kay Riane at yung isa para kay Julia. Kaya, sabihin nyo, diba ang hirap mamili kung sinong uunahin ko? -_-

"Hoy, ilong. Natulala ka na. Umuwi na tayo. Pabuhat ako ng bag please. Feeling ko pag binuhat ko yung bag, magkakalas na ang mga buto ko." pakiusap nya. Magkakalas talaga? At tsaka aba, sya na nga tong nakikiusap, aasarin pa ko ng ilong. Tunay kang kaibigan, RJ Vargas. Pero nakakamiss din yung may tumatawag saken ng 'ilong'. Busy kase sya at ang tawag na nya saken minsan ay 'Mark' at hindi na 'ilong'. Kaya pagbigyan na.

"Oo na. Akin na nga. Baka kasalanan ko pa kapag nagkalas ang mga buto mo. Nakakahiya naman eh no?" sarkastiko kong pagsabi. Nagpokerface naman sya at nagsignal na umuwi na kami.

Naglalakad kami papalabas ng school at ni isa walang nagsasalita o umiimik. Bakit naman kaya? Kung sabagay pagod to. Eh ako? Di naman ako pagod ah pero wala akong masabi. Nahihiya kaya ako? Ay sus. Kailan pa ko nahiya sa bestfriend ko?

Papalabas na sana kami ng school nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Mark!" nagkatinginan kami ni Riane bago lumingon at nakita namin ang babaeng tumawag saken.

Si Julia.

Julia's POV

Tomorrow na nga pala ang contest ko. Pinaalalahanan ko pa sya kanina and gusto ko sya paalalahanan ulit, wala lang, just to flirt with him. Hahaha.

Makauwi na nga at kulang na lang mapaos ako sa practice. Di ba nila naisip na pwede kaming mapaos at mawalan ng boses for tomorrow? Iniisip lang nila ang sarili nila. Tch.

"Sige na bitch, uwi na ko. Goodluck for tomorrow. Mapaos ka sana." maarteng sabi ni Trisha. She is actually my bestfriend and alam nya ang hidden agenda ko.

"Shut up Trisha. Aalis na ko." paalam ko sakanya. Yes. We are calling ourselves "bitch" bcs its the truth.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at lumabas na ng school. Papalabas na sana ako nang nakita ko si Mark. He is with a girl and yung girl na yun ay nakikita ko sa dance club and I can say na she is indeed a graceful dancer. But, why are they together btw?

Tinawag ko si Mark to call his attention and lumingon naman sya. Yung girl din na kasama nya ay lumingon din. She's pretty huh.

"Oh, Julia. Ikaw pala. Bat mo ko tinawag?" tanong nya. Maybe to flirt with ya? Gusto ko sanang sabihin yun sakanya but then I remembered na kailangan kong maging mabait sa harapan nya.

"Just to remind you about my singing contest tomorrow." sagot ko naman sabay ngiti. I saw the face of the girl and tumingin sya kay Mark all of a sudden. Why naman kaya?

"Ah. Oo. Pupunta ako syempre." tugon naman nya. Yumuko naman si girl na kasama nya sa narinig nya and Mark looked at her with a worried look.

"Btw, who is she?" tanong ko with a cheerful tune. I want to know her kase parang may something sakanilang dalawa, but, who cares btw?

"Hi. Riane Joyce Vargas. Classmate and bestfriend ni Mark. Nice meeting you pala. Kinukwento ka saken minsan ni Mark eh." pagpapakilala nya. She looks nice though.

"Member ka ng dance club diba?" tanong ko. Dahil yun nga, nakikita ko sya sa practice rooms ng dance club.

"Yes." tugon nya. So it means kasama din sya sa contest tomorrow? Sounds exciting huh.

"Kasama ka sa contest tomorrow?"

"Yeah. Goodluck pala sayo." sagot nya.

"Uhm thanks? Same to you." sabi ko naman. "Anyways, sige uwi na ko. Nice meeting you Riane. And Mark, dont forget my contest tomorrow." paala ko and tuluyan na kong lumabas.

So I'm really excited for tomorrow.

He's going to choose whether ako ang pupuntahan nya to show support, so its a battle between the ;;

girl of his heart





or his innocent bestfriend.

Riane's POV

Ang ganda nung Julia. No doubt na nagustuhan sya ni Mark. Ang bait and ang friendly nya din. And I'm sure maganda ang boses nya dahil part sya ng singing club. Complete package na sya ika nga.

I'm really worried for tomorrow's event. Uunahin ba talaga nya yung Julia na yun? Inassure na nya kanina si Julia diba? Harap-harapan pa nga eh.

Lumabas na kami ng school and wala na namang umiimik. We decided na magtricycle na dahil pagod na ko at kung maglalakad pa kami for 10mins eh baka mahimatay na ko.

"Riane. Nandito na tayo sa bahay nyo." sabi ni Mark. Natulala na naman ako sa sobrang pagiisip at sobrang pagod na di ko namalayan na nandito na pala kami sa bahay ko.

"Ah, sige. Ingat ka na lang." sagot ko sabay baba at kuha ng bag. Di ko na pinaala na may contest ako bukas. Bahala na sya kung pupunta sya or what.

"Oh kapatid. Haggard na haggard ah." salubong ni kuya Shawn.

Pumasok na ko at kumain ng snacks. Nagugutom na ko dahil ang last kain ko pa ay kaninang 12:00 at 4:15PM na, sinong di magugutom nun?

"Hoy RJ. May problema ka ba? Di ako sanay na ganyan ka."

Shawn's POV

"Hoy RJ. May problema ka ba? Di ako sanay na ganyan ka."

Pansin ko na yan kanina pa kay RJ. Tch. Parang di makabasag pinggan sa sobrang tahimik eh. May problema yata. Pft.

"Di yata makakapunta si Mark sa contest ko bukas." sagot nya. Asus. Baka naman may dahilan yung gagong yun. Eto talagang kapatid ko nagdadalaga na talaga.

"Kase uunahin nya yung Julia nya." at ayun. Doon na nagsimulang kumulo ang dugo ko at muntik ko nang mabasag ang baso na hawak ko.

Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Eh ano namang gagawin ko? Bayaran yung Mark na yan para puntahan ang kapatid ko bukas?

"Sure ka ba na di talaga sya pupunta?" tanong ko naman sakanya.

"Sinabi nya kay Julia at sa akin yun harap-harapan. Ayoko nang umasa na pupunta sya." at ayun nga. Naghugot na naman ang kapatid ko. Pft.

"Wag ka nga munang mawalan ng pagasa dyan. Malay mo unahin ka diba? Ngumiti ka nga dyan. Ang pangit mo. Mukha kang pwet." sabi ko. Tumingin naman saken ng masama ang kapatid ko. Hahaha. Sarap asarin nito.

Pero nagaalala na rin ako para sa kapatid ko.

Pano nga kapag inuna nga ni Mark yung Julia na yun kaysa kapatid ko?

A/N hope you enjoyed the UD! :)

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon