27

3.2K 124 97
                                    

{sa mga RiaMark shippers dyan, sorreh. JuliMark lang at ang RiaRence ang makikita nyo. mwah :* hahaha}

{Mark and Julia on the multimedia.}

Mark's POV

Kasama ko ngayon sa KFC si Julia. Nakakahiya nga eh kase sya yung nanlibre. Sya kase yung naginsist na magbayad kase sya daw yung nagpasama. Nakakahiya nga eh pero okay lang, wala na din naman kasi akong pera. 20.00 na lang pera ko. Saan ba makakarating yun diba.

Kanina nung nasa sasakyan kami, napansin ko na tahimik talaga si Julia. Wala syang imik, di nagsasalita, tas nakaearphones lang. Pag tinatanong ko kung okay lang ba sya, ngingiti sya pero yung pilit lang, nahalata ko paren sa mata nya na malungkot sya, na may problema sya na di nya sinasabi saken. Gusto ko sana syang yakapin para maramdaman nya na nandito lang ako pero baka sabihen hokage ako.

Umiinom lang sya ngayon ng cookies 'n cream Krushers nya. Tulala nga sya habang iniinom nya yung Krushers nya. Nakatingin lang ako sakanya at di man lang nya napansin. Halata mong may iniisip na malalim.

"Julia. Nagpasama ka ba dito para tumahimik ka lang? Kanina ka pa tahimik eh. Nagaalala ako." sabi ko. Tumigil sya sa paginom ng Krushers nya at tumingin sa mga mata ko. Yung mga mata nya na isa sa mga nagustuhan ko sakanya, ngayon ay malungkot. Walang ekspresyon. Wala kang mababasa sa mga mata nya ngayon.

"Sorry. Baka kasi husgahan mo ako pag nalaman mo." tugon naman nya at nagbuntong hininga. Mas naging curious tuloy ako kung anong problema ang meron tong babaeng to.

"Tingin mo ba judgmental ako? Ganyan na ba tingin mo saken?" sabi ko naman at umiling-iling sya.

"Hindi yun sa ganon, Mark. Basta. Kailangan ko lang muna ng makakasama ngayon. Hindi pa to yung tamang panahon para malaman mo to." sabi nya. Sa mga sinasabi nya, mas lalo akong nacucurious kung anong problema ba meron sya.

"Sige. Basta ngayon, wag mo masyadong isipin yan. Bata ka pa para mamroblema. Papangit ka nyan bahala ka." sabi ko. Tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Alam mo Mark, ang swerte ni Riane sayo. May bestfriend syang kagaya mo." sabi nya. Naalala ko tuloy si Riane. Inaalagaan kaya sya ng mga ugok na tropa ko na yun? Ay ewan. Ayoko muna syang isipin, si Julia ang kasama ko. Magiging unfair ako kung ganon. Yung katawan ko naka'y Julia pero yung isip ko naka'y Riane. (a/n ang utak readers, ang utak. linisan nyo nga yan hahahaha).

"Alam mo, Julia. Ang gawin natin, magarcade na lang tayo. Para naman makalimutan mo problema mo." sabi ko sakanya sabay ngiti. Nagisip naman sya saka tumango. Nagustuhan naman nya yata yung idea ko.

"Sige. Ubusin ko lang." sabi naman nya sabay ngiti. Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman yung gantong side nya. Yung malungkot, yung namomroblema. Ngayon lang talaga. Di ako nakaramdam ng awa sakanya eh kundi admiration. Inaadmire ko sya kase ang tapang at ang tatag nya. Di naman yan mageemo ng ganyan kung di mabigat ang problema nya diba?

Habang umiinom si Julia at kumakain ako ng fries, napansin ko yung mga lalaki na nasa bandang harapan doon. Nakatalikod sila pero alam kong taga-Starfields sila. Nagbubulung-bulungan sila tas babatukan yung isa. Naalala ko tuloy sakanila yung tropa ko. Inaalagaan kaya nila si Riane? Saglit nga, bat ba si Riane iniisip ko?! Eh alangan, b-bestfriend ko yun. Tama. Bestfriend ko kase yun.

Sinundan ko lang sila ng tingin, at nawala na sila sa paningin ko makalipas ang ilang minuto. Umalis na sila. Sino kaya yun? Ay ewan. Bat ko ba sila iniisip eh di ko naman sila kilala.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon