Hi readers! Happy Valentines Day! ♡
Ariana on the multimedia :))))))
Riane's POV
-next day na po ito.-
"Riane, saglit lang ah. Punta lang kami CR. Hintayin ka na namin sa cafeteria." sabi ni Meg. Tumango naman ako at pumunta ng locker ko para ibalik ang mga books ko. Lunch break kasi namin ngayon. Di na kasi kami ganun nagtatabi ni Mark dahil syempre may mga squad na rin yun.
Nilalagay ko yung mga books ko sa locker ko at inayos ito. Napatigil na lang ako nang may nagsalita sa likod ko ;;
"Hmm, look who's here?" sabi ng babae sa likod ko. Naisip ko naman na di yun para saken kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at di ko sila pinansin.
Nailock ko na yung locker ko at papunta na pababa nang ;;
"Ah-" sisigaw sana ako ng takpan nila ang bibig ko. Sinasabunutan ako ng dalawang tao sa likod ko. Feeling ko mapupunit na yung anit ko sa ginagawa nila parehas. Wala namang makakakita saken dahil nasa dulo yung locker ko. Walang tao halos na nadaan dito. Di ko na alam gagawin ko.
Pinakawalan nila ako at napaupo ako sa sahig. Inayos ko yung buhok ko at hinimas ang ulo ko, at tinignan ko sila ng mabuti. Nagulat ako nang silang dalawa ang makita ko.
"Julia?!?! Trisha?!?!" pasigaw kong tanong sakanila. Ngumiti sila at kumaway saken.
"Yes dear. Miss me?" asar saken ni Julia. Wait. Di ko maintindihan kung bat nila ginagawa to.
"Bat mo yun ginawa saken?" tanong ko sakanya. Di ko na maintindihan kung ano bang pumasok sa isip nya at ginawa nya yun.
"Kasi nakakairita ka." tugon ni Trisha. Nagtawanan naman silang parehas habang nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Di ko maintindihan yung nangyayari.
"Ha? A-anong i-ibig nyong s-sabihin?" tanong ko. Pautal-utal na ako dahil naiiyak na ako halos. Hindi, Riane. Hindi. Kailangan mong maging matatag.
"Stupid. Nakakairita ka sabi namin. Mainit dugo namin sayo. Naiintindihan mo ba?" mataray na sabi ni Julia.
"Ang akala ko mabait kayo." tugon ko habang tumatayo. Pumunta naman silang parehas sa akin at tinulak ako ng malakas. Napa-"aray" na lang ako sa ginawa nila.
"Akala mo lang yun, Riane. At kung yang nararanasan mo masakit na...." sabi ni Julia habang papalapit saken. Lumalayo naman ako sakanya dahil natatakot ako sa tingin nya.
"Simula palang to, Riane. Simula palang to." bulong nya sabay sampal saken.
Ariana's POV
Nakakairita naman kasi ako pa magpapasa nito. Diba dapat president? Eh secretary lang ako tas ako pa magpapasa ng mga projects na to sa 4th floor! Aba! Pumayag nalang ako para walang gulo. Aish. Imbis na nakakapaglunch na ko, nagpasa pa ko ng ganon! Hay nako!
Dumaan ako doon sa kabilang daanan para mas malapit papuntang cafeteria. Medyo dulo yun pero mas malapit naman.
Habang dumadaan ako, may nakita akong babae na nakaupo sa may locker area. Gulo-gulo buhok nya tas umiiyak. Lapitan ko kaya? Kaso baka pagangat ng ulo, multo na eh.
Pero pinuntahan ko na din yung babae at nagbuntong hininga. Tinapik ko yung balikat nung babae at pagangat ng ulo nya ay nagulat ako kung sino yung babae.
"Joyce?!!?!?! Jusko anyare be?" tanong ko sakanya. Niyakap naman nya ako at umiyak. Anong nangyare sa babaeng to?
"Anong nangyari sayo?!?! Bat ganyan yung buhok mo? Bat namumula yung pisngi mo?" tanong ko ng may pagpapanic na sa boses ko. Sino bang di kakabahan diba?
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."