Kuya Shawn is on the multimedia! :)
Riane's POV
"Nagtataka ako kung bat ganyan nararamdaman mo eh gusto mo nga lang sya diba? Hindi kaya mahal mo na si Mark James?"
Napatingin ako kay kuya. Hindi ba normal tong nararamdaman ko kung crush ko si Mark? Ito din kaya yung ibig sabihin ni Ariana sakin dati? Ito din kaya yun? Naguguluhan na talaga ko sa nararamdaman ko sa totoo lang.
"Kuya.." yan na lang ang nasambit ko. Tinitigan ako ni kuya sa mata at tinignan ko din sya. Buti na lang nandyan si kuya para alalayan ako sa lahat ng bagay.
"Riane, kapatid kita. Kilala kita. Lokohin mo na si Mark wag lang ang kuya mo. Kahit lalaki ako, alam ko ang pinagkaiba ng 'crush' sa 'mahal' na. At sa napapansin ko..." bitin nya. Mas kinabahan ako nang bitinin pa nya yung sasabihin nya.
"Mahal mo na ang Mark James na yun."
Hindi ko na alam kung anong irereact ko. Totoo nga kaya talaga na mahal ko na ang bestfriend ko? Naguguluhan na ko at di ko na halos maintindihan. Sa sinabi kase ni kuya, mas nadagdagan pa ang tanong ko. Naguguluhan ako. Mahal ko na kaya talaga ang ilong na yun?
"Riane, alam kong ang hirap paniwalaan o idigest ng sinabi ko at nakadagdag pa to sa mga tanong mo, pero ang gawin mo lang ay pakiramdaman mo lang ang sarili mo at subukan mo lang intindihin ang nararamdaman mo." hugot ni kuya. Nadagdagan na naman ng ilang tanong lalo na talaga pag humuhugot tong lalaking to eh. Di ko din alam kase kung saan nya ba kinukuha yun? Kay Marcelo Santos ba? Kay Bob Ong? Sa twitter? O sa sarili nyang karanasan? Ewan.
"Matulog ka na. Gabi na, malate ka pa." sabi naman saken ni kuya. Tinignan ko naman yung oras at 10PM na din. Madami na din akong nasagutan na assignments at research. Ang kailangan ko na lang gawin ay yung statistics namin.
"Kuya, pwede favor?" tanong ko sakanya.
"Ge." sagot naman nya.
"Pwede ikaw maghatid saken? Di pa ko handa harapin si Mark dahil sa mga hugot mo eh." sabi ko. Eh sa totoo naman eh.
"Sige. Sorry sa pampapagulo, RJ." paumanhin saken ni kuya. Ayan na naman yang "RJ" na yan. Tinatawag nya kong "RJ" kase "Riane Joyce" daw at gusto nya kase ng lalaking kapatid. Oh diba. Mahal talaga ako ng kuya ko eh. Tsk.
Pero mahal ko na nga ba talaga si Mark?
Clarence's POV
Finally, nagkaPOV ako ulit. Si author kase eh. Jk. So eto nasa bahay na ko matapos kong ihatid si Ariana sa bahay nila. Sa totoo lang, gusto ko yung attitude ni Ariana. Kalog kase tapos prangka. Palaban kase sya. Sana nga si Riane ganon din eh para di na sya nasasaktan.
Pag nakikita ko kase na magkasama si Julia at Mark, ako yung nasasaktan kaysa kay Riane. Naiisip ko na naman yung mukha nya nung nalaman nya na inuna ni Mark si Julia kaysa sa kanya nung nagkasprain sya. At ayokong maulit yun kase nga gusto ko sya.
Mas okay na ko dun sa magkasama sila ni Mark at least nakikita ko sya na masaya, pero aaminin ko na,
nasasaktan din ako.
Makita mo ba naman yung babaeng gusto mo na ngumingiti kasama yung mahal nya diba? Tapos ako, ngumingiti nga sya eh alam ko naman na hindi naman totoo yung mga ngiti nya, o iba yung mga ngiti nya pag kasama ako.
Naalala ko na naman yung sinabi ni Ariana saken tungkol kay Julia. Sa totoo lang, gusto kong maniwala sa kanya pero, ako kase yung tao na kailangan makita ko muna bago ako maniwala. Pero sa nakita ko kanina sa cafeteria, sa tingin ko nga eh totoo yung mga sinasabi ni Ariana.
Gusto man nyang sabihin kay Mark, at pati ako, gusto kong sabihin kay Mark yun eh kase magmumukha syang tanga na naniniwala na perpekto tong si Julia kahit di naman talaga, eh di naman sya maniniwala eh. Sasabihin pa nya na sinisiraan ko si Julia sa kanya kase nawawalan na sya ng attention kay Riane, tapos ano? Mapapasama din si Riane? Wag na. Bahala na sya magpakatanga doon kay Julia. Di man lang nya nahahalata na gusto sya ni Riane. Ako nga napansin ko eh.
Manhid lang talaga sya siguro. Tch.
Ano kaya kung sabihen ko kay Mark? Malay mo naman kase maniwala diba.
pero diba pinagkatiwalaan ka ni Ariana?
Bwiset na konsensya to, binabagabag na naman ako. Wag ko na ngang sabihen.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."