28

3.1K 118 41
                                    

New character on the multimedia :))!

Riane's POV

Nakaupo ako ngayon at nandito ako sa library. Medyo mahilig kasi ako sa books kaya pag wala akong magawa, nandito ako sa library. Minsan nagpapractice sa Math para maintindihan ko naman yung mga pinagtuturo nung teacher ko pero ngayon, nagbabasa na lang talaga ako ng libro.

"Ugh. Di ko maintindihan yung story." bulong ko sa sarili ko. Di kasi gumagana yung imagination ko talaga ngayon at di ko alam kung bakit.

"Di mo talaga yan maiintindihan kase masyadong marami ang laman ng utak mo ngayon." sabi sakin ng isang lalaki. Medyo familiar yung mukha nya pero di ko alam kung saan ko sya nakita.

"Uhm, I know its rude pero di kita kilala, yet you're acting like you know me." sabi ko in a polite way.

"Woah, woah. Chill. Ako yung lalaking nagbigay sayo ng chocolates at itinaboy ng bestfriend mo. That possessive guy." sabi nya sakin at nagsmirk. Woah. May pagkaplayboy ang dating nito ah.

"Ah okay. Sorry for freaking out. Pero ano ba kasing name mo?" tanong ko. Of course, I still dont know his name so for me, he's still a stranger.

"Blake. Blake Olivarez. 11C student." Ah. So Blake pala name nitong lalaking to. Di ko inakala na ganto pala ugali nito kase nung pinaalis sya ni Mark, para syang nerd. Wait. Nerd naman talaga sya. Hot nerds to be specific.

"Puno yung utak mo ng mga iba't ibang bagay kaya di mo maimagine at maintindihan yung story." sabi nya bigla. Ni wala ngang laman utak ko eh, except that awkward confession Clarence made. AYY! Ayoko na ngang pagusapan yun, naguguluhan lang talaga ako.

"Walang laman ang utak ko how come na filled ang utak ko?" pambabara ko sakanya. Nagsmirk naman sya at inayos yung salamin nya.

"Imposibleng walang laman yan. Edi may bagay na nagpapagulo sa utak mo kaya ka ganyan." sabi nya sabay taas-baba ng kilay nya. Uhm, may point sya kase naguguluhan nga ako. Aish. Ano ba tong feeling na to.

"I know we are not still close pero pwede mo namang sabihin kung ano yung nagpapagulo sa isip mo eh." sabi nya ng may malambing na tone ng boses.

Sinarado ko yung libro na binabasa ko at tumingin sa mata nya. Tumingin din sya sa mata ko.

"Eto kasi yun. Kahapon, may nagconfess saken." pagamin ko at nangiinit na yung mga pisngi ko ngayon.

"Well, normal lang yang confessions na yan because you have what it takes to be an ideal girl. Ano namang meron doon?" tanong nya. Confirmed. Playboy nga tong kinakausap ko.

"Stop. Kung tingin mo, normal lang yun well youre wrong. First time kong makaencounter ng ganung confession!" bulong ko sakanya sabay sampal sa noo ko.

"Wag mo na lang masyadong isipin dahil maakward ka lang. Act normal babe." sabi nya saken at inemphasize pa nya yung BABE.

"Stop calling me babe. Wag kang feeler na boyfriend kita." pagtataray ko sakanya. Iba talaga ako magsalita or magact sa mga kagaya nya dahil baka akalain nya kagaya lang ako ng mga ibang babae.

"Nasaktan mo naman ako doon. Sige, alis na ako. Magbasa ka na dyan." sabi nya sabay wink saken. Kung wala lang ako sa library, kanina ko pa to namura eh!

Mark's POV

Lunch ngayon at kasama ko sina Clarence, Karl, at Shawn. Mga tropa ko na kasi yan. Seatmates ko kasi at kasama ko kapag wala si Riane.

"Mark. Nasan pala si crush?" tanong ni Karl.

"Tigilan mo nga yang kagaguhan mo Karl. Kay Clarence na si Ria-" sabi ni Shawn at binatukan sya ni Clarence. Ano daw?

"Ha? Anong sabi mo Shawn?" tanong namin ni Karl.

"Nagconfess na si Clarence kagabi kay Riane." sabi ni Shawn na ikinagulat naming dalawa.

"Gusto mo si Riane?" tanong ko ng seryosohan sakanya.

"Oo. Wala naman sigurong problema doon diba?" tanong nya nang may pangaasar sa tono nya.

"Clarence naman. Ang akala ko ba akin lang si Riane?" tugon ni Karl habang nagdadrama.

"Bakit, kayo ba?" sagot ko naman at nagsigawan sila ng "BURN".

"Pero seryoso. Seryoso ka ba sa bestfriend ko?" tanong ko ng seryosohan sakanya at tumingin ako sa mata nya.

"Oo. Gusto ko sya." tugon saken ni Clarence ng seryoso.

Nung sinabi nya yun, ngumiti naman kaming lahat kay Clarence at ngumiti din sya pabalik. Pero ang pinagtataka ko lang talaga bat parang nasaktan yung puso ko nung sinabi yun ni Clarence?

Julia's POV

"Kinuha mo pala yung picture nila nung tatay nya?" tanong ni Trisha saken. Nandito lang kami sa classroom. Nakakatamad bumaba eh.

"Yes. And Trisha, sisimulan ko na yung plano ko bukas." sabi ko kay Trisha. Yes. You heard it right.

"Ano nga ba ulit plano mo?" tanong saken ni Trisha.

"Itutuloy ko parin yung kay Mark na magpapakabait ako sakanya. But, I'm going to show to Riane how bitchy I am. Gagawin kong miserable ang buhay nya. Kung inagaw nya ang tatay ko then aagawin ko si Mark sakanya." sabi ko at napangiti naman si Trisha sa plano ko.

"Pero wait. Pano kung magsumbong si Riane?" tanong nya nang may nakakunot na noo.

"Magsumbong sya. As if naman na maniniwala si Mark sakanya eh 'mabait' nga ang image ko kay Mark diba." sabi ko kay Trisha.

"Tas magkakasiraan silang dalawa, then you know what happens next? Goodbye friendship! Then pag nasira na ang friendship nila, dun ko sasabihin ang totoo kay Mark na pinaglalaruan ko lang sya!" dagdag ko habang nakangiti at nakataas ang kilay.

"Pero, sasabihin mo ba sa mom mo na nahanap mo yung kabit ng tatay mo? At sasabihin mo bang may half sister ka?" tanong saken ni Trisha.

"Ayoko munang pagusapan yan. What's important is gagawin ko na yung plano ko bukas." sambit ko at nagapir kaming dalawa. Goodluck Riane Joyce Vargas slash my half sister.

{Happy 2.55k reads! Thank you sa lahat ng mga bumabasa at nagvovote. Thank you din pala sa mga bagong readers at yung ibang nagadd nito sa reading list nila. Sorry for the delayed update, hell week eh and sorry sa lame update. :((( Salamat ng marami :*}

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon