32

2.8K 108 33
                                    

Kuya Shawn on the multimedia :)))))

Riane's POV

Nagising ako bigla. Tumingin-tingin ako sa paligid at nabigla ako na nasa ospital ako. Huh?!?! Bat ako nandito?!

Naalala ko lahat ng nangyari kanina. Sa pagbagsak ko sa sahig, sa times na umiyak ako dahil sa nararamdaman ko, at sa tugon saken ni Mark kanina.

"Bahala na sya, kaya na nya sarili nya."

Sobrang nasaktan ako sa sinabi nyang yun. Yung mga luha kong pinipigilan ko, bigla na lang tumulo nung narinig ko yung mga linya na yun. Mas sumikip din dibdib ko nung narinig ko yun at nawalan ako ng lakas kaya bumagsak na ko. Pagkatapos nun, wala na kong maalala. Ang alam ko na lang, pagkagising ko nasa ospital na ko.

"Gising ka na pala, RJ." tumingin ako sa may pintuan at nakita ko si kuya.

"Kuya, bat ako nandito? Diba dapat nasa clinic ako?" tanong ko sakanya. Pumunta naman sya harap ko at hinimas-himas ang buhok ko.

"2 beses ka na kasing inatake. Naging unconscious ka din sa dalawang atake na yun. Di pa ba yun sapat na dahilan para isugod ka na sa ospital?" paliwanag ni kuya. Nagbuntong-hininga naman ako at ngumiti si kuya. "Okay ka na?" dagdag pa nya. Tumango naman ako sakanya biglang sagot.

"Kuya, nagugutom ako." reklamo ko. Tumawa naman ng bahagya si kuya at inabot yung pagkain ko. Chicken fillet, large fries, extra rice, at red velvet float. Kumislap naman ang mga mata ko nung nakita ko yun. Inabot nya saken yun at umupo ako ng diretso at nilapag yung pagkain ko sa table (yung pag naconfine ka tapos sa kama mo, sa gilid nun parang may table.).

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa mabusog ako. Nawala nga sa isip ko na nasa ospital pala ako.

"Mukhang okay ka na nga. Pwede ka na sigurong idischarge ngayong gabi din." sabi ni kuya Shawn. Tumango naman ako.

"Aayusin ko lang yung mga papeles mo para makauwi na tayo." paalam nya saka lumabas ng kwarto. Humiga lang ako at nagbuntong hininga. Ano bang nangyayari saken? Di naman ako ganto dati ah. Sumasali pa nga ako sa mga fun runs eh. Pati dancing club sumali ako kase nga malakas yung pangangatawan ko. Pero anong nangyari saken ngayon?

Biglang may kumatok sa pinto at ang akala ko si kuya Shawn. Tinignan ko kung sino at si Mark pala.

Ano namang ginagawa nito dito?

"Oh ikaw pala, Mark." pagbati ko sabay ngiti sakanya. Seryoso naman yung mukha nya na nakatitig saken.

"Di ka man lang ba magsosorry?" tanong nya ng seryoso saken. Napakunot naman yung kilay ko sa sinabi nya. Dapat nga sya yung magsorry saken eh. Nagsinungaling sya na masakit tyan nya kaya di nakasama kahapon pero ang totoo, nagdate sila ni Julia. Tas ako magsosorry?

"Para saan? May ginawa ba ko?" tanong ko sakanya. Napasmirk naman sya sinabi ko. Nagtaka ako lalo sa mga kinikilos nya.

"Wag ka na ngang magpaligoy-ligoy, Riane. Bat ba di mo na lang aminin, ha?!" sabi nya na may pagtaas sa boses nya na ikinagulat ko.

"Ano ba kasing aaminin ko kung wala naman talaga, ha?" kalmado kong tugon na mas ikinainis nya. Bakas sa mukha nya na naiinis na sya ngayon pero di ko naman talaga alam eh!

"Ikaw yung may dahilan kung bakit nabubog yung kamay ni Julia! Ikaw! Di ko aakalain na gagawin mo yun, Riane! Tangna!" sigaw nya saken.

Sa sobrang pagkabigla ko sa mga sinabi nya ay bigla akong napaiyak sa harapan nya. Di ko kinaya yung mga salitang binitawan nya.

"Ano bang pinagsasabi mo ha?! Sya nga yung tumulak at sumampal saken eh! Bat ba ayaw mong man-"

"Kase si Julia ang nagsasabi ng totoo! Sige nga ha, bat naman magsisinungaling si Trisha at Julia saken?! Mababait silang tao, Riane!" putol nya saken. Di ko na alam kung anong gagawin at sasabihin ko ngayon. Ang sinasabi ba nya ay sinungaling ako?! Si Julia pa talaga ang pinaniwalaan nya ah!

"Eh ako? Bat di mo man lang pakinggan yung mga sasabihin ko ha?! Palibhasa, si Julia lang ang mahal mo!" tugon ko sakanya pabalik. Napahilamos na lang ng mukha si Mark at patuloy akong umiiyak ngayon. Di ba nya alam na ako yung biktima?! Di ba nya alam na ako yung nasaktan at di naman si Julia?

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa kwarto. Sana naman maisip nya man lang na ako yung nasaktan at di si Julia! Pano ako magpapaliwanag kung ayaw nyang makinig dahil sarado yung tenga sya sa lahat ng sasabihin ko? Pano ako magpapaliwanag kung si Julia lang naman din ang kakampihan nya sa huli?

"Riane. Alam kong nasigawan kita kanina. Nakapagsabi ng di maganda pero kase, Riane. Di ko naman inaakala na magagawa mo yun eh." kalmado nyang sabi habang pinupunasan ko na yung mata ko. Akala ba talaga nya si Julia yung nasaktan at hindi ang bestfriend nya?!

"Riane. Ayoko nang nagaaway tayo. Kaya please, kapag eto ginawa mo, ookay na ko. Kakalimutan ko na lahat ng ginawa mo kay Julia." pakiusap nya. Tumango nalang ako dahil wala na kong lakas para makipagawayan pa sakanya. Alam naman ni Lord ang totoo.

"Magsorry ka kay Julia." pakiusap nya saken. Halos nabingi ako sa sinabi nya Bat ako magsosorry sa kasalanan na di naman ako ang gumawa?!

Lumabas na si Mark ng kwarto at naiwan ako dito na tulala. Ewan ko. Mahalaga saken si Mark kaya ayokong masira pagkakaibigan namin pero hihingi ako ng sorry sa taong di ko naman alam kung anong ginawa ko? Mahalaga din naman ang pride ko. Kaya ang malaking tanong na nasa isip ko ;;



Gagawin ko ba o hindi?




Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon