20

3.8K 123 46
                                    

Nasa multimedia ang outfit nila ♡

Mark's POV

Sya ang napili ko. At sana tama ang naging desisyon ko. Tama naman siguro na unahin sya diba? Nakakaramdam ako ng guilt dahil nagpangako ako dun sa isa, pero in the end, di ko rin naman sya sisiputin. Pero mas dominant paren yung feeling na magaan dahil alam kong ito yung makabubuti para sakanya at para saken.

Kahapon, nahalata ng nanay ko na balisa at di ako mapakali. Nakabasag pa ako ng pinggan sa sobrang lutang ko at inakala pa ng nanay ko na nakapatay na ako ng tao. Ganyan ako ka-balisa kahapon para sa araw na ito.

FLASHBACK

"Nak, ano bang nangyayari sayo? Di naman porket matanda ka na, eh di ka na magkukwento sakin. Kanina ka pa di mapakali dyan." puna saken ng nanay ko. Ganon na ba ko kabalisa at napansin na ng nanay ko?

"Nak. Tapatin mo nga ko. Nakapatay ka ba?" tanong saken ng nanay ko. Mukha ba akong makakapatay ng tao?! Makakapatay ng puso pwede pa. Jk.

"Ma naman! Di ako makakapatay ng tao! Banal yung pangalan ko oh! Mark James." sagot ko. Totoo naman kasi eh. Isa sa mga libro sa new testament ang pangalan ko!

"Eh bat ka ganyan kanina pa?" tanong saken ni mommy. Hays. Kailangan ko na ba talagang sabihin?

"Ma. Kasi ganito yun eh, may contest si Riane bukas dahil kasama sya sa dance contest. At yung crush ko na si Julia, may contest din dahil kasama sya sa singing contest. Pareho silang mahalaga saken eh. Pag sinipot ko si ganito, baka magtampo yung isa. Di ko na alam ma." kwento ko. Pero nung kinukwento ko yun, unti-unting gumagaan yung pakiramdam ko dahil nailalabas ko yung nararamdaman ko sa nanay ko.

"Nak naman. Ang dali lang ng sagot dyan. Akala ko naman kung ano na nangyari sayo." sambit ni mama sabay tawa. Mama naman eh. Tatawanan mo lang ako?

"Nak. Unahin mo si Riane." seryosong sabi ng nanay ko. Ha? Eh kung si Riane, pano naman si Julia?! Ma naman, ano na bang nangyayari sayo?!

"Nak, alam kong iniisip mo kung paano si Julia. Pero nak, kailangan mo laging unahin yung tao na nandyan sayo simula't-sapul palang. Maiintindihan ka naman ni Julia dahil sabi mo nga mabait sya. Makakapaghintay yang si Julia pero si Riane hindi. At bestfriend mo sya diba? Papayag ka ba kapag si Riane hindi pumunta sa isang mahalagang pangyayari sa buhay mo?" tanong ng nanay ko.

"Hindi. Magagalit ako kasi bestfriend ko sya eh tas wala sya doon para suportahan ako." tugon ko naman. Ano namang pumasok sa isip ng nanay ko at tinanong nya yun?

"Eh di ganon din si Riane kapag di ka pumunta." tugon saken ng nanay ko sabay ngiti. Ah ganon pala yun. Bat di ako nagtanong ng mas maaga sa nanay ko para di na ko mahirapan ng ilang araw kakaisip?!

"Thank you ma." pasasalamat ko kay mama. Dahil sakanya nalinawagan ako na dapat kong unahin si Riane sa pagkakataong ito.

END OF FLASHBACK

Dahil sa sinabi ni mama, nalinawagan ako na kailangan kong unahin si Riane sa pagkakataong ito. Naalala ko din na eto pala ang magiging "apology" o "bawi" sakanya nung nasprain sya at pinairal ko ang katangahan ko at di sya pinuntahan.

"Good day to all of you! Welcome to dance and rock 2015!" panimulang bati ng MC.

Naghahanap ako kasalukuyan ng upuan na pwede kong pwestuhan para makanood na ako. Nagtakeout pa kasi ako ng 2 BFF Fries para sakanya. Kung mananalo sya, ibibigay ko to sakanya pero kapag hindi, eh di kakainin ko palihim. Hahaha.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon