E P I L O G U E

4.5K 119 55
                                    

Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Matapos ng ilang taon na paghihirap, at pagsasakripisyo ay lahat nang iyon ay mapapawi na ngayon.

"Ang pogi mo talaga, nak!" sabi ni mama habang inaayos ang damit ko. Syempre, ito na yung pinakahihintay at espesyal na araw sa buhay ko kaya kailangan magmukhang presentable naman ako. Ngumiti naman ako kay mama at niyakap sya. "Thank you ma." sabi ko sakanya. Naramdaman ko naman naman na niyakap din nya ko pabalik at may naramdaman akong mainit na pumatak sa may bandang leeg ko.

"Ma naman, wag ka nang umiyak!" sabi ko habang pinapahid ang luha nya gamit ng mga daliri ko. "Ako parin naman tong baby Mark mo eh. Wag ka na umiyak." sabi ko saka ngumiti sakanya. Nagpatango-tango naman si mama sa sinabi ko. "Oh sya, sya, kailangan ko na ding magayos. Espesyal tong araw na to para sayo at para sakin kaya kailangan ko ding magayos no!" sabi ni mama. Napatawa naman ako at tumango sakanya.

Umupo ako sa harap ng salamin at ngumiti. Hindi ko inaakala na ngayon na mangyayari to. Parang kailan lang, nagsisimula lang ako at ipinagdadasal ko pa na mangyari ito pero ngayon? Mangyayari na kaya ang laki ng tuwa ko.

Nakita ko naman na may tumatawag sa cellphone ko, napangiti naman ako nung nakita ko kung sino yun, sinagot ko agad yung tawag.

[Maaaark!]

[Bakit?]

[Hala ang cold. Sige wag na.] Napatawa naman ako sa inaasal nya. Naririnig ko palang yung boses nya? Gumagaan na agad yung pakiramdam ko. Habang kausap ko nga sya, napapangiti ako eh. Malakas talaga epekto nitong babaeng to sakin.

[Joke lang. Oh bakit? Miss mo na ko no?]

[Ehehehe. Syempre, miss na kita. Kita nalang tayo mamaya ah! Excited na ko.]

[Oy..]

[Hmm?]

[Thank you, kasi ikaw yung kasama ko sa espesyal na araw na to. Thank you.]

[B-bat ka naman nagtethank you, gago ka ba. Hahaha. Sige na, sige na. Kailangan ko nang magayos. See you lateer!] sabi nya saka nya binaba yung tawag. Nahalata ko naman sa boses nya na kinilig din sya doon sa sinabi ko eh, nagkandautal-utal na.

Naisip ko tuloy si Riane. Ang tagal na din kasi naming di nagkikita. Masyado kasi kaming busykaya bihira na kami magkita. Napabuntong-hininga naman ako. Tumingin na lang ako sa salamin at inayos ng kaunti yung buhok ko. Tumayo naman ako at kinuha yung singsing na nasa lamesa. Mamaya ko na to ibibigay sa babaeng pinakaimportante sa buhay ko.

Lumabas naman ako ng pinto at sakto lang din na tapos na si mama. Napangiti naman ako dahil kahit matanda na si mama, maganda parin sya. "Halika na, nak?" yaya ni mama. Tumango naman ako saka bumaba na ng hagdan.

Pagkababa naman namin ay nakita ko si daddy na nasa labas. Ngayon na lang kami ulit naging kumpleto dahil separated nga kaming pamilya. Napangiti naman ako dahil hindi naman nya hinayaan na mawala sya sa importanteng araw na to. Nagkatinginan naman kami ni mama at ngumiti kaming parehas saka kami lumabas.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon