46

4.3K 117 91
                                        

Thank you pala kay soapiaaa sa new cover!

Clarence on the multimedia!

Riane's POV

Kumakain na ko ng breakfast para makapasok na ko ng school. Assembly din kasi ngayon, aaward-an lahat ng mga awardees ngayong quarter. Isa ko sa mga highest ranks ngayong quarter.

Habang kumakain ako, di ko parin maalis sa isip ko kung ano na kayang nangyari kay Mark matapos nyang malaman yung totoo? Meron kayang nandyan para sakanya? Meron kayang magcocomfort para sakanya?
"Hoy, RJ. Tulala ka na naman. Kumain ka na dyan." sabi ni kuya. Tinignan ko yung orasan at kailangan ko na nga sigurong bilisan ang pagkain. Kumain na ko ng kumain at sinubukan kong ubusin yung nasa plato ko dahil paniguradong sesermonan na naman ako ni nanay Shawn. Tch.

Lumabas na kami at sumakay na ko sa sasakyan. Oo. Si kuya Shawn na ang naghahatid sakin sa school simula nung nagaway kami ni Mark. Siguro magisa na lang pumapasok si Mark.

Habang nasa byahe kami, naalala ko yung kagabi na parang may kausap si kuya Shawn sa baba. Hindi ko na rin natanong si kuya tungkol doon.

"Kuya. Bakit kagabi parang may kausap ka sa baba?" tanong ko. Tumingin naman sya sakin. "Si Mark." cool nyang sagot. Bat naman kakausapin ni Mark si kuya? Or bat naman kakausapin ni kuya si Mark?

"Ay grabe kuya, joke ba yan? Tawa na ba ko? Oh ayan HA-HA-HA." sabi ko at inirapan ko sya. Binatukan naman nya ko. "Hindi kasi joke yon. Pumunta sya sa bahay tapos hinahanap ka nya. Ieexplain daw nya sarili nya sayo. Balak yatang ibalik yung friendsfrieship nyo." sabi nya.

"Anong friendsfrieship?" tanong ko.

"Friendship kasi yon, pagong." sabi nya.

"Corny mo kase. Bilisan mo na nga kuya, malalate na ko." sabi ko at tumawa nalang sya.

Pero tama nga ba yung rinig ko? Balak nyang ibalik yung pagkakaibigan naming dalawa?

"Pero, Riane. Paalala ko lang sayo ah. Pahirapan mo ng kaunti si Mark. Hindi yung isang 'sorry' lang nya, bati na kayo agad. Pahirapan mo ng kaunti para malaman mo kung hanggang saan yung pwede nyang gawin para sayo. At para pagsisihan nya yung kagaguhang ginawa nya. Pero wag din naman masyadong pabebe ha? Kapag nakita mo naman na sincere sya sa 'sorry' nya at halata namang pinagsisihan nya na yun, patawarin mo na sya." payo sakin ni kuya.

"Alam mo kuya, hindi ko alam kung saan nanggagaling yang hugot mo pero thank you kuya." sabi ko. Malaki din ang pasasalamat ko sa kuya ko dahil sya yung tumatayong nanay sakin. Nanay Shawn! Hahaha.

"Oh sige na, baba na po. Ingat sa school ah. Tsaka yung advice ko sayo." sabi nya. Ngumiti naman ako at bumaba na ng sasakyan.

Pero tama yung sabi ni kuya, kailangan ko syang pahirapan ng kaunti para maipakita nya yung sincerity nya sa paghingi ng tawad sakin. Kapag nalaman din naman nina Clarence, Karl, Shawn at Ariana yun, ay yun din naman ang sasabihin nila. Sabi nga sakin ni Karl, ang problema daw sakin ay masyado akong mabait kaya naloloko at nasasaktan. Kailangan din daw minsan magpahard-to-get at maging pabebe. Natawa ako nung sinabi nya yun pero totoo din naman.

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom. Nakita ko naman yung court na inaayos na para sa assembly mamaya. Sa totoo lang, naeexcite ako mamaya kasi eto yung first time ko na makakatanggap ng award na highest rank.

Maya-maya pa ay nasa classroom na ako. Pagkalapag ko ng gamit ko sa upuan ko, ay bigla akong tinawag nina Meg at Niña. Remember? Sila yung mga kaibigan ko dito sa classroom.

"Hoy babae, tawag ka nina Clarence." sabi nila. Hinanap naman ng mata ko si Clarence at nakita kong papalabas sya. Ngayon ko lang din nalaman na nandyan na pala si Mark. Kakapasok nga lang, galing yata sa locker area.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon