Hi guys! 😘. Happy 11k reads na din! Hope you'll enjoy my update today, love you guys! 💋
Mark's POV
[Sige, kuya. Salamat.] Ang huli kong mga salita bago ko ibinaba ang tawag. Si kuya Shawn ang kausap ko sa telepono. Sinabi na nya kasi yung sagot ni Riane sa mga tanong ko tulad ng paborito nyang pagkain at lugar na pagtatambayan. Magagamit ko kasi iyon sa gagawin kong surprise kay Riane. Kinakabahan ako sa gagawin kong to.
"Oh, ano daw?" tanong ni Clarence sakin. Kasama ko sina Karl at Shawn ngayon sa mall. Tutulungan na din daw nila ako dahil magiging mahirap kung ako lang ang magaayos.
"Fries, frappe, chocolates, cheesecakes at ice cream daw." sabi ko. "Diba marunong magbake yung kuya ni Riane? Humingi ka nalang ng tulong sa kuya nya." suhestyon naman ni Karl.
"Yung frappe at ice cream, kami na bahala bumili nun sa mismong araw. Pero syempre, pera mo." natatawang sabi ni Shawn. Tumango naman ako sa suhestyon nya.
"Yung fries? Gawin mo yung boquet of fries para magsawa si Riane. Ginawa ko na din yung Ariana yun eh, chocolates nga lang." sabi naman ni Clarence. Napatango naman ako sa mga sinabi nila. Malaki ang pasasalamat ko at nandyan sila para tulungan ako.
"Eh yung lugar? Saan mo gagawin?" tanong ni Shawn. "Sa lugar daw na madaming puno at pwede magstargazing eh." tugon ko naman. Nagkaroon naman ng katahimikan saming lahat at nagiisip kami kung saan namin pwedeng gawin yun. Madaming puno? Pwede magstargazing? Saan naman kaya ako makakahanap ng lugar na ganoon?
"Mark, may alam akong lugar."
***
"Yung totoo, Shawn, saan mo nalaman tong lugar na to?" tanong ni Karl. Pumunta kami sa lugar na hindi naman kalayuan sa mall na pinuntahan namin. Itong lugar na to ay puro damuhan na pwede ka magpicnic, madami ding puno. May playground din kung saan ka pwede maglaro, mayroong basketball court na pwede mong rentahan kung maglalaro ka, at mayroon ding mga telescopes kung gusto mong makita yung mga bituin o buwan nang malapitan. Tinitignan ko palang tong lugar na to? Its perfect.
"Dito kasi kami naglalaro ng kapatid ko dati pag bored kami. Mas maganda dito pag gabi, kasi minsan may fireworks." tugon naman ni Shawn. "Pwede bang rentahan tong buong park?" tanong ko. Napatingin naman sila sakin sa tanong ko.
"Hindi pwede, Mark. Public tong lugar na to eh." sabi ni Shawn. "Bihira lang din naman ang pumupunta dito, Mark. Wag kang magaalala." sabi nya at tinapik yung balikat ko. Nagpalinga-linga din ako sa lugar na ito at nakikita kong mageenjoy talaga tong si Riane kapag nakita nya.
"Tambay muna tayo dito." yaya ko at umupo kami sa damuhan. Natatakpan din ng puno yung araw kaya hindi masyadong mainit. Mararamdaman mo din yung sariwa na hangin dito. May mga nakikita din akong mga batang naglalaro sa playground sa may bandang dulo, naalala ko tuloy nung bata kami ni Riane.
"Mark. Wala ka na bang nararamdaman kay Julia?" tanong ni Shawn. Napaisip naman ako sa tanong nya. Wala na nga ba kong nararamdaman kay Julia? Simula nung nalaman ko ang totoo, galit na lang ang nararamdaman ko para sakanya. Nagagalit ako sa ginawa nya kay Riane at sa panloloko na ginawa nya. "Wala na. Kahit anong pilit ko, wala na talaga." tugon ko sa tanong nya. Sa tingin ko ay infatuated lang ako kay Julia. First time ko lang kasi naramdaman kaya akala ko "mahal" ko na sya, yun pala infantuated lang. Masyado lang siguro akong nabulag sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."