Sinend lang saken ng classmate ko yung nasa multimedia. HAHA. Saktong-sakto sya sa story ko. So yeaaah. :)
Riane's POV
Sa kasamaang palad, nagfail yung plan A ko. So wala akong choice kundi gawin yung plan B agad-agad dahil gusto ko ng bumalik yung dating kami ni Mark.
Alam ko din naman kasing nahihirapan sya ngayon dahil wala na ako sa tabi nya, wala na rin yung squad nya dahil nag-away-away sila at wala pa syang mom na pwedeng magpayo sana sakanya. May business trip daw kasi ang mom nya sabi ni kuya Shawn. Nagtaka nga sya kung bat ko di alam eh, di ko naman masabi na nagaway kami dahil for sure, aawayin ni kuya Shawn si Mark.
Kung ano ang magiging resulta ng plan B ko, yun na ang magiging basehan kung kailangan ko bang ituloy o sukuan ang friendship namin. At kapag nangyari na, doon ko na sasabihin kay kuya Shawn.
Hinihintay ko si Ariana dito sa may bench malapit sa cafeteria namin. Oo. Involved kasi sya sa plano ko ngayon. Actually, di ko naman talaga sinabi na para kay Mark to dahil di naman sya pupunta panigurado, ang sabi ko lang, ililibre ko sya tas ayun, kaya pumayag sya.
"Joyce!" tawag saken ni Ariana. Si Ariana yan malamang. Sya lang naman tumatawag saken by my second name.
"Lika na, libre mo na ko. Gutom na ko eh." sabi nya. Hala. Pano to. Eh hindi pa dumadaan si Mark.
"Maya-maya na. May hinihintay pa kasi akong isa na ililibre ko. Okay?" palusot ko. Ngumiti naman sya. Buti nalang, gumana yung palusot ko.
Di nagtagal, nakita ko na din naman si Mark, na may kausap sa telepono. Iistorbohin ko na ba sya? Masama naman yun diba? Pero aish. Bahala na. Kaya ko to.
"Mark." tawag ko sakanya habang tumatayo ako sa pagkakaupo ko sa bench. Binaba naman nya yung tawag at nilagay sa bulsa nya. "Ano kailangan mo?" tanong nya. Halatang-halata mo yung panlalamig sa boses nya.
"Pwede ba tayong magusap?" tanong ko sakanya. Nabakas naman sa mukha nya yung pagkabagot sa sinabi ko. Pero kalaunan, tumango sya. Okay, Riane. Tama. Gawin mo na.
Ariana's POV
Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon. Sabi lang kasi ni Joyce, ililibre nya ko tapos may hinihintay lang kaming tao na ililibre din nya. Tapos ngayon, kausap nya si Mark. Saglit. KAUSAP NYA SI MARK?!?!?!?!?!?!?!
Ano na naman bang katangahan tong ginagawa ni Riane?! Oo, alam kong sinabi na nya. Halatang-halata na naman kasi, at sinabi din ni Clarence yung kaninang eksenang nangyari. Sabi ko kasing wag sabihin tas sinabi. Ayan tuloy.
"Ariana."
Oh tas ngayon? Bat ako napasama dito? Mapapasama na naman ako sa katangahan na pinapasok ni Riane? Ano ba naman.
"Ariana."
Wait, bat nga ba ko inaya ni Riane dito. Ano? Gagawin nya kong messenger dog sakanilang dalawa? Gagawin akong third wheel ganon?
"Huy Ariana!"
"Ay. Timatawag mo pala ko. Bakit?" tanong ko at napatayo din tuloy ako nang marinig ko yung pangalan ko.
"Iexplain mo lahat kay Mark." utos ni Riane. Ha? Anong ieexplain ko? "Iexplain mo lahat ng sinabi mo saken tungkol sa babaeng gusto nya." sabi nya. Sabi na nga ba at sinama lang ako nito dahil may kailangan. Pero, kung dahil dito, masisira na ang plano ni Julia para sirain silang dalawa, sige. Gagawin ko.
"Si Julia Lorraine Medina. Ang babaeng gusto ni Mark James Tolentino ay hindi talaga kung sino ang inaakala mo. Oo, mukha syang mabait, mukha syang anghel, pero hindi. Nagkakamali ka. Dati nya kong naging schoolmate at saksi ako sa lahat ng kalandian nyang ginagawa. At ngayon? Hindi ka naman talaga nya mahal. Pinaglalaruan ka lang naman nya eh dahil naghihiganti sya sa mga lalaki dahil niloko sya ng tatay nya. Tas ngay-"
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."