56

3.8K 113 56
                                    

Hi guys! ☺ this is the last chapter na ng BLNA and after nun, ay epilogue na and author's note, which is di ko pa alam kung kailan ko ipupublish. Short update lang yung chap 55, kasi medyo mahaba tong update na to. Handa na ba RiaMark feels nyo? 💕

Riane on the multimedia! 💖

Riane's POV

Kakauwi ko lang ngayon sa bahay, dahil nagshopping kami ni mommy ngayon. Matagal na din kasi kaming di pa nakakapagbonding ulit ni mommy, sinasama nga namin si Julia kaso sabi nya, tutulungan daw nya si kuya na gumawa nung cake dahil may umorder kasi ngayon, hindi ko lang alam kung sino, and besides, may date daw sila ngayon ni Blake, dahil diba gumawa ng paraan si Blake na makapagusap kami ni Julia kaya ayun.

Binuksan ko yung aircon sa sala at umupo sa sofa, nakakapagod talaga magshopping pero syempre masaya, lalo na kapag si mommy ang kasama.

Habang nakaupo ako sa sofa, nakita ko na nakabihis si kuya at mukhang may pupuntahan. Lumapit naman sya papunta sakin. "Hoy RJ, samahan mo ko." sabi nya. Humiga naman ako sa sofa at umiling-iling. "Kakauwi ko lang, ikaw na lang magisa!" sabi ko at binato yung unan sakanya. Sayang kasi, wala si Julia, wala akong kakampi sa pagbubully dito eh.

"RJ, sige na. Sumama ka na." rinig kong sabi ni mommy habang lumalapit sa pwesto namin ni kuya. Napabuntong hininga tuloy ako at tumayo. "Oo na po." sabi ko at pumunta na kami sa sasakyan ni kuya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Malalaman mo rin." sabi nya saka ngumisi. Malalaman ko din naman pala eh, bat ayaw pang sabihin.

Nadaanan namin yung isang mall na malapit samin at namangha ako doon sa mga puno na may ilaw, hindi ko nga lang alam kung saan yung mga puno na yun pero ang ganda. Yung puno na may ilaw at pansin ko pa, mayroon pang parang nakasabit na ewan. Waaah, ang ganda!

Nakita ko naman na parang napunta kami sa isang lugar. Bumaba na si kuya at binuksan yung pinto, pero nilagyan pa nya ko ng blindfold. Takte! Ano na naman bang kaabnormalan ang mangyayari!

"Pinghandaan talaga nya." bulong ni kuya pero narinig ko. Hawak-hawak nya yung balikat ko dahil nakablindfold ako ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero nakakaramdam ako ng damuhan sa paa ko. Ipapalapa na ba ko ni kuya sa mga kabayo?

Habang naglalakad kami unti-unti, may naririnig akong kumanta sa paligid. Nagpalinga-linga ako dahil di ko alam kung saan galing yun eh.

Tumingin saking mata...

Biglang tinanggal ni kuya yung blindfold at nagulat ako sa kung sino yung nasa harapan at kumakanta. Nagpalinga-linga pa ko sa lugar at nakita ko yung mga puno na may ilaw at may nakasabit na pictures ; pictures namin ni Mark.

Sa baba naman, nakita ko yung mga lobo na nasa damuhan. Tumingin ako kay Mark na kumakanta ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko pero hindi ko maiwasang ngumiti kahit naguguluhan ako sa pangyayari.

Nakita ko naman si kuya na bumalik ulit sa sasakyan at umalis. Iniwan ba naman ako dito? Nakita ko si Mark na unti-unting lumalapit kaya mas bumibilis parin ang tibok ng puso ko.

Magtapat ng nadarama..

Hindi ko talaga maipaliwanag yung nararamdamam ko. Ang tahimik ng paligid tapos yung magandang boses ni Mark lang yung naririnig ko, at tsaka yung malakas na kabog ng dibdib ko. Ano bang ginawa mo sakin, Mark?

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon