5

4.6K 147 30
                                    

Riane on the multimedia! :)

Riane's POV

"Riane, may crush na ako." pagamin nya sabay namumula. Aba, nawala lang ako ng ilang oras, nagkacrush na agad?

"Sino? Nawala lang ako saglit, may crush ka na, hala." tanong ko naman. Nagbuntong hininga naman sya.

"Si Julia Lorraine Medina ng 11-Intelligence. Yung muse nila." singit ni Clarence sabay lapag ng mga pinabili ko. Napatingin naman ako sakanya at tinaas-baba nya yung kilay nya.

"Oo. Hindi lang sya crush. Mahal ko na sya. Totoo pala yung love at first sight." sabi nya. Love agad? Eh sa hindi pa nga nya kilala ng lubusan yung Julia na yon eh!! Kabataan nowadays. Ay waw, parang ako di kabataan no.

Pero bat ako nasasaktan ngayon? Eh crush lang naman nararamdaman ko para sakanya. Gulo naman ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit pero unti-unti akong nawala sa mood nung nalaman ko yun. Ano naman? Diba dapat maging supportive akong kaibigan? Argh!!!!!

Ibabaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain muna baka mawala ang bad vibes. Oo, Riane. Tama. Gutom lang yan. You're not you when youre hungry diba, sabi nga ng snickers. Ikakain ko nalang to muna.

Mark's POV

"Oo. Hindi lang sya crush. Mahal ko na sya. Totoo pala ang love at first sight." sabi ko sakanya. Hindi naman sya umimik pero ngumiti lang sya pero alam kong pilit lang. Hindi ba sya masaya kasi may nagbibinata na ang bespren nya?

Hindi na lang kami umimik ni Clarence at hinayaan syang kumain. Baka kasi gutom na kaya ganon.

Hindi ko na sya tinanong kung okay lang sya kase magtatanong ako kung okay lang sya eh halata namang hindi. Di ako tanga at di ako manhid.

"Riane." tawag ko sa kanya sabay hawak ng kamay nya.

Inalis nya yung kamay ko sa kamay nya. "Oh?" tugon nya.

"Okay ka lang?" tanong ko. Tinanong ko na kahit halata namang hindi.

"Oo. Pagod lang ako at moodswings. Babae eh." sagot naman nya. Nakatingin lang ako sa kanya pero nakatingin sya sa fries nya. Sabi na sainyo eh! Pagod lang eh. Moodswings? Mabilhan nga to ng napkin mamaya baka biglang magkaron.

Pagkatapos kumain ni Riane, nag-aya na si Clarence na bumalik sa classroom. Pinauna ko na si Clarence kasi hahanapin lang daw nya si Karl at Shawn. Hinihintay ko naman si Riane na matapos sa pag-aayos ng gamit nya. Pagkatapos ay agad naman kaming naglakad pabalik ng classroom.

Naglalakad kami ngayon. Magkahawak parin yung kamay namin ngayon pero yung kaliwa kong kamay hawak yung bag nya. Binasag naman nya yung katahimikan na mayroon ng magtanong sya.

"Sure ka ba na talagang mahal mo na yung Julia?" tanong nya habang naglalakad kami.

"Oo naman. Sinabi saken dati ni mommy ang mga signs na mahal mo na yung tao. At naramdaman ko agad yun nung nakita ko sya." sagot ko sakanya. Napa-"ah" naman sya sa sinabi ko sakanya.

"Baket?" tanong ko.

"Tanong lang. Bestfriend mo ko kaya dapat alam ko." sabi nya. Nakatingin lang sya sa daanan at hindi natingin saken.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon