Mark on the multimedia! :)
Riane's POV
Umuwi ako magisa. 5PM na kase natapos ang meeting ng school paper. Pinauna ko na ng uwi si Mark. Ako na lang magisa umuwi. Safe naman dito kase executive village naman to. And if you think na isa sa mga reasons yung nangyari na Mark x Julia issue, uhm, ewan. Naiilang pa din ako kase sa kanya after yung incident na yun.
Nandito na pala ako sa street namin. Paniguradong magtataka si mommy or si yaya na di ko kasama si Mark.
Pagpasok ng bahay, nagulat si mama dahil di ko kasabay si Mark. I told you so, sanay kase syang kasama ko si Mark kapag unuuwi.
"Oh, nak. Bat di mo kasabay si Mark?" tanong ni mama. Nandito pala si mommyyy. Minsan na lang kase sya umuwi sa bahay dahil sa work nya. :-((((
"Pinauna ko na sya ma. May meeting pa kase ng school paper." paliwanag ko sakanya saka ngumiti.
"Ah. Sige. Anong gusto mo sa meryenda? Halatang stressed ka na." sabi ni mama. Mukha naman akong fresh ah! Kung sabagay, nanay ko sya kaya alam nya kung stressed ako or what.
"Waffles lang ma. With ice cream on top." order ko. Gusto ko lang magice cream ngayon para marefresh lang ako. Masyadong maraming nangyari ngayon.
"Sge. Paluto ka na lang kay yaya. Papasok pa ko ng trabaho. Wag kang masyadong mastressed. Pumapangit ka nak." biro ni mama. Aw. Papasok na pala sya, sayang naman. I want to talk to my mom kase. Iba ang feeling kapag nanay mo ang kausap mo.
Napangiti tuloy ako ng maalala ko yung biro nya. Mom really knows how to make me laugh and smile with her simple gestures yet it makes me feel better a LOT.
"Okay mom. Ingat ka. Mahal ka ni Riane Joyce Vargas. Haha." sabi ko. Sweet ko diba?
Umalis na si mommy. Ako na lang nasa bahay and yung 4 naming kasambahay. Hay. Kaya ang lungkot ko minsan sa bahay.
"Yaya. Pwede paluto ako ng waffles and palagyan ng ice cream sa ibabaw; vanilla." pakiusap ko.
"Opo mam." sabi ni yaya.
Kailangan ko yata munang magshower para marefresh ako. I need a cold shower. Niluluto parin naman yung meryenda ko.
Mark's POV
Nakauwi na kaya yun? Nagaalala ako dun. Pinauwi nya kase ako imbis daw na hintayin ko sya. Hanggang 5PM daw kase meeting. Eh handa naman akong hintayin yun hanggang sa labasan na nila. May problema ba saken yun?
Pagod talaga sguro yun. Akalain mo ba naman, practice ng dance club kase may contest na lalaban kami sa ibang schools, magcocover sila ng kpop dance yata. Tapos school paper pa kase gagawa pa sila ng article tungkol sa Acquaintance Party, isa kase sya sa mga naghahanap ng info na pwedeng ilagay sa school paper. Tapos responsibility nya as a vice president. Kailangan pa naming maghanda for the next event dahil kailangan naming ma-maintain ang consecutive wins namin para mapanalunan namin ang "Best Class" award. Ganyan sya kabusy kaya pagod lang yun, kaya siguro parang bad mood kanina.
Di ko talaga matiis na di ako magalala sa kanya, kaya itetext ko sya. Di ko talaga sya matiis. Gaya nga ng sabi ko dati, isa sya sa mga importanteng babae sa buhay ko.
Kapag ito di nagreply nako, susugurin ko bahay nun.
Riane's POV
Sarap magbabad sa bathub na may cold water. Nagrerelax lang ako ngayon. Chinacharge ko ang phone ko dun kase lowbat. Nagiisip ako ng mga bagay-bagay. Hahaha. Nakakaginhawa talaga sa bahay. Di ko na dinala phone ko, wala namang magtetext eh. At gusto ko ding magrelax. Hays. Hindi ko kasi talaga maintindihan nararamdaman ko eh. As in, hindi ko talaga maintindihan. Pero mas hindi ko maintindihan kung bat ko iniintindi yung bagay na dapat di ko naman talaga iniintindi. Wait nga! Aish! Riane, relax.
Hays. Gusto ko munang makalimutan lahat, kaya magbababad muna ko.
Mark's POV
Takteng yan. 10 minutes nang walang reply. Nagaala na ko ah. 5:45 na. Nako. Pupuntahan ko nga sa school yun. Anyare na ba dun sa babaeng yun? NAKAUWI NA BA YUN? Tch.
"Ma, punta lang ako sa school. Hindi pa kase yata nakakauwi si Riane." sabi ko.
"Itanong mo muna sa bahay nila, nak. Gabi na oh." sabi ni mama.
"Sige po." tugon ko.
Pupunta muna ko sa bahay nung babaeng yun. Bat kase di nagrereply. Mayaman naman yun, ano yun, nakaiPhone tapos walang load? Tch.
Pumunta na ko sa bahay nila. Nakita ko yung isang yaya nila, nagtatapon ng basura. Matanong muna si yaya.
"Yaya, nandyan na ba si Riane?" tanong ko.
"Oo. Nandito na sya. Bakit iho?" tanong nya. PUTEK. PINAGTITRIPAN BA KO NUN?!
Pero ang importante, nakauwi na sya nang safe. Pero, putek, kinabahan ako.
"Gusto mo bang pumasok muna?" tanong nya.
"Opo." sagot ko.
Pinapasok na ko ng yaya nya sa bahay nila. May waffle na may ice cream sa ibabaw meryenda nya. Pangbablackmail ko to. HAHA.
"Yaya, nasaan pala si Riane?" tanong ko.
"Naliligo sya." sabi nya.
Kaya naman pala, naliligo. Pinag-aalala ko nung babaeng yun. Di man lang nya dinala yung phone nya ganon? Hay nako.
"Iho, gusto mo ipaalam ko kay Riane na nandito ka?" tanong nya.
"Opo. Salamat." sagot ko naman. HAHAHAHA. HUMANDA KA SAKEN RIANE JOYCE VARGAS.
Riane's POV
Hay. Sarap magbabad sa bathub. Nakakawala ng pagod. HAHAHA.
Nung nagsusuot na ako ng bathrobe, tinawag ako ni yaya.
"Riane. May bisita ka dito." sabi saken ni yaya. Huh? Sino naman kaya?
"Ah sige po. Papalabas na din ako. Tsaka yaya, pwede pakuha na ng damit? Dito na ko magbibihis." pakiusap ko sakanya.
"Ah sge." tugon naman nya.
Iniisip ko tuloy kung sino yung bisita ko. Sino kaya?
"Riane. Eto na oh." sabi ni yaya. Binuksan ko yung pinto at kinuha yung damit ko. Nagbihis ako kaagad dahil syempre nakakahiya naman sa bisita ko. Pero sino ba yun?
Lumabas na ko at naamoy ko ang mabangong amoy ng waffles. Waaaaaah. Pagkatapos nun, naaninag ko ang nakaupong lalaki doon. Sino yun? Baka naman bisita ng nanay ko to.
"Hello po. Sino po kayo?" tanong ko sakanya. Nakatalikod kase sya.
"Riane Joyce Vargas. Bat di ka nagrereply?!" sabi nya sabay harap saken.
BAT NGAYON KO LANG NAREALIZE NA SI MARK PALA TO?! BAT NGAYON LANG?!?! BAT BA ANG SLOW KO?!
"Ha? Nagtext ka ba?" tanong ko. Edi sana man lang inabot saken ni yaya yung phone ko if ever na nagtext sya.
AY OO NGA PALA! NALOWBAT PHONE KO AT NAKATURN OFF! HUHUHUHUHU.
"Hanluhhh! Sorry! Lowbat yung phone ko!" sigaw ko. HUHUHU.
"Tch. Hayaan mo na. Ang importante, safe ka. Pakainin mo na lang ako para okay na tayo." Lakas talaga mang-blackmail nito!
"Oo na! Blackmail mo din eh!" sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."