53

3.2K 87 24
                                    

Hi guys! please lang, "ate Dan" na lang po itawag nyo sakin. :)))

Mark on the multimedia! 💕



Riane's POV

Seryoso si kuya habang nagmamaneho patungo sa mall. Sa isang restaurant doon daw magaganap ang paguusap. Sa pagiging seryoso ni kuya ngayon, hindi mo mapigilang hindi magaalala at kabahan. Tungkol ba kasi saan tong paguusapan namin at sa isang fine dining pa talaga ginanap?

Dinalhan pa ako ni kuya ng formal dress na kulay light blue. Bihira lang ako magsuot ng dress dahil hindi naman ako komportable pero napilitan ako ngayon dahil nga sa inaasal ni kuya. Hindi ko talaga sya maintindihan. No. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari ngayon.

"Riane, kahit anong mangyari, sana wag mong isipin na niloko ka ni daddy." seryosong saad ni kuya habang nagmamaneho pero patingin-tingin sakin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong nang marinig ko ang salitang "daddy". Anong kinalaman ni daddy dito? "Ano ba kasi iyon? Ano bang nangyayari?" Narinig ko si kuya na napabuntong hininga. "Riane, sana wag kang mabigla sa malalaman mo. Nandito lang si kuya." sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Napabuntong hininga naman ako at tumango.

Tahimik kami ni kuya hanggang sa mapunta kami sa mall. Matapos ipark ni kuya yung sasakyan ay pumunta na kami sa restaurant na ito, hindi lang sya basta-basta restaurant kundi fine-dining sya. Nakita naman nung staff si kuya at pinapunta kaming dalawa sa private room.

Pumasok kami doon at nabigla ako sa nakita ko. Nandoon si Julia at si tita Jelina. Nandoon din si mommy. Ang daming pumaikot na tanong sa isip ko. Napakadami na halos patayin na ko ng sarili kong pagiisip. Pero kahit napakadami kong tanong, pinilit kong kumalma. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay ni kuya ng mahigpit. Naintindihan naman nya yata yun at umupo kami parehas. Magkatabi kami ngayon at nasa harap ko si Julia. Habang si kuya naman ay harap ni tita Jelina. Nandoon naman sa gitna si mommy.

"Riane, kunin mo na yung menu, magorder ka na ng kakainin mo." sabi ni mommy.

"Bakit di nyo nalang sabihin kung tungkol san tong usapan na to?" seryoso kong saad habang tinitignan yung bawat tao na nandito. Napabuntong hininga si mama at hinawakan ang kamay ko. Tumingin naman sya kay tita Jelina at tumango ito.

"Riane. Half-sister mo si Julia."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni tita. Nanigas ako sa kinauupuan ko at nanigas ang dila ko na tila ba hindi na ko makapagsalita. Gulong-gulo na yung isipan ko na halos mapapatay at malulunod na ko sa sarili kong pagiisip. Hindi ko alam! Si Julia? Half sister ko? Imposible. Nambabae si daddy, ganon? Hindi nya yun magagawa kay mommy! Imposible!

"Imposible po yang sinasabi nyo tita. Hindi po kayang mambabae ni daddy. Mahal na mahal nya po si mommy." sabi ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam pero sa sobrang gulo ng nangyayari ngayon, pakiramdam ko ay tutulo na lang bigla ang luha ko. Ayokong magisip ng masama kay daddy pero tama ba tong sinasabi nila?

"Riane, but she did. At si Julia ang naging bunga." sabi ni tita. Tuluyan nang bumagsak ang luha na parang kanina ko lang pinipigilan. Hindi ko alam. Kanino ba ko maniniwala? Hindi magagawa ni daddy yon!

"Unang naging asawa ng daddy mo si Rialin, which is your mom at si Shawn ang naging bunga. Matapos nun ay nagpanggap syang walang asawa at si Julia ang naging bunga. Tapos nalaman kong nabuntis nya ulit si Rialin dati nung magasawa pa sila at ikaw ang naging bunga, Riane. Kaya halos magkasing-edad lang kayo." pagpapaliwanag ni tita. Hawak-hawak ni kuya ang kamay ko at habang ako ay tulo na lang ng tulo ang luha sa bawat sinasabi ni tita. Nagloko si daddy?

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon