26

3.4K 107 60
                                    

Karl (Chanyeol) and Shawn (Baekhyun) on the multimedia :----).

Riane's POV

"Okay class dismissed." anunsyo ng teacher namin for the last period which is CLE. Yas. Uwian na. Gustung-gusto ko nang umuwi kasi inaantok na ko. Napuyat kase ako diba kasi kahapon galing pa kami Star City. Madaling araw na kami nakauwi. Kaiyaq langs :-------(.

"Mark. Sasama ka ba? Punta daw mall eh, bili ng materials para sa project." tanong ko sakanya kase papalapit sya dito. Bibili na kasi ng materials para sa project namin dahil ipapasa na next week.

"Oo. Sasama ako. Tayo lang nina Karl, Clarence at Shawn ang sasama. Yung iba, di pinayagan eh." tugon ni Mark. Puro lalaki pala kasama ko ganon?

"Sige. Lagay ko lang to sa locker ko tas alis na tayo. Gusto kong makauwi agad." sabi ko naman. Kung pwede nga lang di sumama eh, kaso leader ako at baka kung anu-ano lang pagbibilin nito doon.

Tumango naman sya at pumunta na ako sa locker para ilagay mga gamit ko. Natatagalan pa ko kase ang daming tao. Nakakangalay tuloy.

"Oy Riane. Di na daw sasama si Mark." sabi saken ni Clarence. Ha? Eh kakasabi lang nya na sasama sya ah. Anyare don?

"Luh? Baket daw?" tanong ko.

"Ewan. Basta sabi nya di na raw sya sasama eh." sagot nya naman. Pero siguro emergency na yung nangyari. Di naman yun aayaw kung di importante eh.

"Ah sige hayaan nyo na. Emergency yun panigurado. Mabuti pa, pumunta na kayo dito para diretso punta na sa mall. Oke?" suhestyon ko. Para kase di masayang yung oras.

Sinara ko na yung locker ko at bumaba na kami nina Karl, Shawn, at Clarence. Pero di ko talaga matigil na isipin na bakit naman kaya di sasama yun agad?

Mark's POV

Nagaayos na ko ng gamit ko dahil pupunta daw ng mall para bumili ng mga gamit para sa project. Nilalagay ko na yung bag ko sa likod ko nang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung nagtext.

Uhm, may gagawin nga ba ko? Ano nga ba? Parang wala naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Uhm, may gagawin nga ba ko? Ano nga ba? Parang wala naman.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon