Si Julia ay nasa multimedia! :--)))
Riane's POV
So nandito ako ngayon sa practice room ng dance club. Excused lahat ng members ng singing at dance club this week dahil may contest nga kami and name ng school ang nakasalalay dito so they are really preparing for it.
Kanina pa kaming umaga nagpapractice. And lunch na. We are allowed to take our lunch naman. Aba'y dapat lang! Hinang-hina na ko dito. Mawawala na yata yung kaunti kong taba dito.
We are here at the cafeteria and having our lunch. Yas. 'We' dahil may kasama ako. Kaming members ng dance club ang magkakasama na. Ako, si Ariana, si Stephanie, si ate Ializa, at Sapphire. Kami nina Ariana at Stephanie ang grade 11. Si ate Ializa ay grade 12 at si Sapphire ay grade 9. Icocover namin ang Red Velvet. Sasayawin namin ang 'Dumb Dumb' at 'Huff and Puff'. Kailangan din naming matuto ang pagli-lipsync para mas magmukhang realistic.
Si Stephanie ay absent nung week ng practice namin dati dahil nagkarashes, so di nyo sya kilala masyado. Taga 11-Ambitious sya at nililink namin sya kay Caleb na president nila. Gusto kase ni Stephanie si Caleb at sweet sila minsan. Hahaha.
Kumakain kami ngayon at napakatahimik ng ambiance sa lamesa namin dahil pagod na pagod kami dahil ngayon na lang kaming nakapagpahinga since kaninang umaga.
"Guys. 20 minutes na lang. Bilisan nyo na kumain." Paalala naman samin ni ate Ializa. Ang bilis talaga ng oras kapag nagpapahinga. Gusto ko nang magpahinga, sumasakit na yung kasu-kasuan ko.
"Ariana, samahan mo ko. Bili lang ako starbucks." yaya ko. Yas. May starbucks sa cafeteria namin, 110.00 isa, yung nasa bote lang syempre.
"Sige." sagot naman nya.
Pumunta na kami doon sa stall na pwedeng bumili ng starbucks. Buti nalang, wala pang masyadong tao na bumibili.
"Ate, starbucks vanilla." order ko. Hays. Pagod na pagod na ko, bibigay na yata yung katawan ko anytime kahit nakakain na ko.
"Uy, si Mark oh!" sabi saken ni Ariana sabay turo sakanya na kasama si Clarence na kumakain. Buti naman at may kaibigan na sya bukod saken.
Naala ko na naman yung tinanong nya ;;
FLASHBACK
"Pano pag di ako nakapunta sa contest mo?"
Di ko alam kung anong irereact ko....
Di ko alam pero bat ako nasadaktan?
Nagoover-react na naman yata ako. There is still the word "paano". It means di pa sya sure. Pero he's not going to ask kung wala syang balak na pumunta.
"Riane?" tawag nya saken. May balak nga kaya syang hindi sumipot sa contest ko? Di naman nya kasi tatanungin kung wala diba? Or nagooverreact lang talaga ako?
"Oy Varg-"
"Regarding your question, di naman ako magagalit." sagot ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung sagot na yun. Gusto kong humindi pero ang salitang "oo" ang lumabas sa bibig ko.
Tumingin ako sakanya at ngumiti sya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko.
"What if lang naman yun Riane. Pupunta ko syempre, to talaga. Kainin na natin to, para makauwi na tayo." sabi nya at nagpatuloy sa pagkain. Tumango naman ako sakanya at kumain na.
END OF FLASHBACK
Nagaalala na ako for tomorrow. Pano pag di sya pumunta at panoorin na lang si Julia? Natatakot ako na unahin na naman nya si Julia. Its not impossible to happen. Nagawa na nya nung una, health issues pa yun, pano pa kaya kung walang kwentang contest na sinalihan lang naman ng bestfriend nya? Natatakot talaga ako.
"Ma-" tatawagin ko sana sya kaso wag na lang. Baka maistorbo pa sya.
"Oh? Bat di mo tinu-"
"Okay. Wag na nga Riane. Bayaran mo na yung starbucks mo para makabalik na tayo." sabi naman ni Ariana. Hays. Napaka-komplikado talaga.Mark's POV
Lunch na pala namin. Hays. Wala na namang Riane ngayon na pwede makatabi for lunch ngayon. Buti nalang talaga at nandyan si Clarence, kung hindi, loner ang dating ko.
"Nakakamiss si vice president no." sabi naman ni Clarence. Halatang-halata namang gusto nitong Clarence na tong si Riane. Kung sabagay, pake ko naman? Hays.
"Ako din naman namimiss ko yun ah. Tingin mo ba hindi?" tugon ko. Monday na monday ba naman kasi wala akong Riane na katabi pag lunch.
"Pare. Si Ria-"
"Hi Mark!" inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Julia. Totoo ba to? Sya yung unang kumausap saken? Ha-ha! Gusto din yata ako nitong si Julia eh.
"Clarence, ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko kay Clarence. Eh sa may sinasabi eh malay mo importante din naman.
"Ha? Wala. Nakalimutan ko na din." sabi naman nya. Ano ba yan.
"Pare, maiwan ko muna kayo ni Julia. Punta pa ko library." paalam naman ni Clarence. Bait talaga nito! Hinahayaan akong masolo ko si Julia. Hahaha.
Clarence's POV
Putek. Bat ba ang manhid nitong si Mark? Nakakainis na! Kanina dapat tatawagin sya ni Riane kaso nakita nyang biglang dumating yung Julia na yun. Sasabihin ko din sana na nandoon si Riane pero bigla namang nag-"hi" tong si Julia. Putek! Wrong timing naman tong Julia na to! Nakakainis!
Umalis na ko at hinayaan ko na silang magusap. Di ko masikmurang tignan yung Julia na yun simula nang malaman ko yung nakakapunyetang ugali nya. At sa tuwing nakikita ko sila na magkasama, nasasaktan ako para kay Riane. Ayokong masaktan si Riane dahil doon sa gunggong na yun.
Matext nga muna si Ariana kung okay lang si Riane.
Dito muna ako sa classroom. Pinapayagan lang naman kami ng president namin na mag-gadgets. Sya din naman kase naglalaro ng gadgets eh.
Natawa ako doon sa Juliandi. Pero ayan na naman. Wala namang kamalay-malay si Mark na nasaktan nya si Riane. Bat ba ang manhid nya? Sobrang manhid nya na di nya alam na nasasaktan na nya ang bestfriend nyang minamahal sya palihim.
Nasasaktan ako para kay Riane at para sa sarili ko. Bat ko pa ba pinili si Riane na angkinin ang puso ko? Pero Riane, kahit anong mangyari ;;
Nandito lang ako para sayo.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."