Kuya Shawn on the multimedia! 🙈
Riane's POV
Nadischarge na ako kanina sa ospital dahil naging normal na naman yung breathing ko at naging okay na ako. Yan ang ayoko talaga kapag naiistress ako at nalulungkot ako, inaatake ako ng sakit ko. Nakakainis dahil hindi ko nacontrol yun kaya ayun, naka-abala pa ko.
Nandito na lang ako sa kwarto ko at nakahiga. Ayoko nga munang isipin yung nalaman ko ngayon pero hindi ko maiwasan. Malaki ang naging epekto nun sakin dahil pinaguusapan ang pamilya dito, hindi kung sinu-sino lang.
Kaya pala nung pumunta ako sa bahay ni Julia, parang nakita ko ang mukha ni daddy sa kwarto ni Julia pero syempre, naisip kong imposible dahil pano naman magkakaroon ng picture nun diba? Pero nung nalaman ko iyon? Sure ako na picture ni daddy yun.
Hindi naman ako naiinis kay Julia dahil naiintindihan ko naman sya eh, dahil kahit ako, galit ako. Alam kong masamang magtanim ng galit pero masisisi nyo ba ko? Nagagalit ako ng sobra. Hindi ko pa nakakausap ulit si mommy at kuya dahil hindi nila muna ko kinausap habang nasa sasakyan kami kanina papauwi.
Bakit kaya hindi sinabi ni kuya agad sakin na alam nya? Kahit ba hindi nya alam ang pangalan, sana sinabi na lang nya para di na ko nabigla. I'm turning 18 and pwede ko na naman siguro malaman ang ganyang bagay.
Natigil ako sa pagiisip ko nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in." walang gana kong sabi. Bigla namang bumukas yung pinto at nakita ko si kuya. Malumanay yung ekspresyon nya sa mukha nya ngayon.
"May gustong kumausap sayo." sabi ni kuya at umalis. Tumambad naman sa harapan ng pinto si Julia. Nagulat ako dahil nakita ko pa sya sa dis-oras ng gabi sa bahay namin. Pero kung tutuusin, kapatid ko naman sya kaya okay lang, sadyang di lang talaga ako sanay.
Pumasok naman si Julia at kinuha yung swivel chair ko doon sa may computer ko at nilagay yun malapit sa kama ko. Hinawakan nya yung kamay ko saka ngumiti. "I'm sorry." sambit nya. Napakunot naman yung noo ko ko. "Dahil dun sa nalaman mo, napahamak ka naman." sabi nya ulit. Ngumiti naman ako sakanya. "Oy wag ka nga, puso ko may kasalanan, pahina-hina eh." biro ko dahil ang bigat na ng atmosphere ngayon saming dalawa.
"Are you mad?" tanong nya. Umiling-iling ako. "Kung iniisip mo na magagalit ako dahil sinama mo ko sa plano mo dahil half sister mo ko, naiintindihan ko naman eh. Nagagalit din naman ako kay daddy." sabi ko. Hinawakan nya nang mas mahigpit ang kamay ko. "No. Ganyan din ako dati, Riane. Nabalot ng galit ang puso ko because of what our father has done, pero its not worth it. Hindi worth it ang pagkakaroon ng galit sa tatay natin." sabi nya at tumingin sa mata ko. Nakita ko na sincere sya sa sinasabi nya.
"Riane, oo, niloko nya tayo parehas, pinaniwala na ang tanging mahal lang nya ay yung mothers natin, pero trust me. Alisin natin yung galit na yun. He's our father. Sya ang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo na to." sabi nya ulit. Naiiyak na naman ako. Bakit parang ang dali para sakanya na tanggapin yun?
"Bakit parang ang dali lang sayo na tanggapin?" tanong ko. Bahagya syang natawa sa sinabi ko. "Madali? Hindi rin naging madali, Riane. When I was still young, alam ko na na nambababae si daddy. I swore that time na maghihiganti ako sa lahat ng lalaki because they're all the same, kaya look at what happened to me. Nakagawa ako ng ganitong bagay, nagrebelde ako for short. Kahit si Ariana sa previous school namin, nagawan ko ng masama." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Si Ariana? How come wala syang sinasabi tungkol dito? (A/N Yung tungkol doon sa sinasabi ni Julia will be revealed sa side story ni Ariana, which is "Fallen for You". Maiinis na naman kayo panigurado kay Julia haha.)
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fiksi Penggemar[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."